Chapter 47
Powerful
"Hindi porket may misunderstanding kayo ni Benj ay hahalik ka na sa kong sino-sino!" Todo ang sabi nyan ni Silver nang pauwi na kami. Nakita nya kaninang may hinahalikan ako. It wasn't Kevin, ibang lalake. His name is Nile, I think.
"Wala kaming misunderstanding-"
"Why are you here in CDO ,then?" Masama nya akong tinignan.
"Unwind!"
"Unwind my ass!"
"Tsaka, teka nga. Kilala ko iyong mga hinalikan ko, okay? What's wrong with that? That's normal you know." Inirapan ko sya.
"Hinalikan mo si Kevin! That will spread. De Asis lang naman ang hinalikan mo. Tss." Aniya.
"He kissed me." I corrected.
"Tapos? Nagawa mo pang halikan si Rafael sa CR-"
"Ssh! Ikaw lang naman ang nakakita non! Palibhasa, ayan na naman ang pagiging stalker mo. Dont you tell them or mag aaway sila." I said.
"Putangina." Aniya at hinampas ang manibela.
Itinulog ko nalang iyon. Hindi ko alam kong paano.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag nang araw. Humikab ako at napagtantong nasa kwarto ko ako. Its nice sleeping in here. Its always been home.
Saktong pagmulat ko nang mata ko ay bumukas ang pintuan nang kwarto. Sumulyap ako doon at inunan ang braso ko sa mukha.
"Hey." Aniya sa masayang boses.
"Hi." Sabi ko. Masyado na atang late ang gising ko.
"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka pala? I thought you'll focus on your studies kasi second sem na?" Tanong ni Mommy at umupo sa paanan nang kama ko. Nagawa ko pang humikab.
"Wala 'Mmy. Pwede bang mag trabaho nalang ako sa Grill? Total ay may experience na ako." Agad na sabi ko. I wont be able to finish my second sem. Ganito lang yan, ma drop ako, bagsak sa ilang subject at di ga-graduate, mag make up o diretso trabaho na.
"You wont finish your studies?" Kunot noong tanong nya.
Napaisip naman ako. Nakakapang-hinayang naman kasi. Second sem na.
"Mag open university student nalang kaya ako, 'mmy?"
"Bakit?" Kunot noong tanong nya.
"Just wanna help here now. Tsaka, I'm thinking of managing the farms..." tumawa sya dahil sa sinabi ko.
"HRM ang course mo at hindi Argiculture, or even Business Management, hija." She pointed out.
"I know. What I mean is, I can learn. Diba? Through modules nalang ang pagtapos ko nang second sem tapos habang OUS ako ,I'll explore the farms. And resorts? Parang gusto ko iyong idea nang Argi."
"Ayaw mo sa kompanya?" She said. Hindi naman talaga amin yung kompanya. Sa Daddy iyon nina Elijah. Because he's the eldest. Samantalang si Dad ay may ekta ektaryang lupain dahil sa Farming at Agriculture sya nag focus.
What's the sense of staying in the company? Gusto kong alagaan iyong sa amin talaga.
"Gusto din."
"Where do you really wanna work, darling? Grill, Company or Farms?" she seriously asked.
"Farms." I uttered without even filtering my mouth. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nawalan nang gana sa Grill.
"Kakausapin ko ang daddy mo tungkol dyan. Probably, you'll go to Surigao ,then." Ngumiti ako dahil sa sinabi nya. Its approved then. Si Daddy nalang ang kailangan!
BINABASA MO ANG
Art of Seduction
عاطفيةHow can you seduce someone if you're not that type of girl na gustong gusto nang mga lalake? Diba ang labo? DREAM COME TRUE pag nagkataon- Pero paano naman pag may willing na magturo sayo kung paano ang Art of Seduction? And take note: he's godamn...