OAFGNA 6

33 0 0
                                    

Kinaumagahan ay pinilit kong bumangon kahit na inaantok pa ako at nakakaramdam padin ako ng pagod. Agad kong naalala yung nangyari kahapon sa birthday ni gail. Ngunit agad ko ding naalala yung nangyari kagabi sa pagitan namin ni kuya zeke. Nagtaka talaga ako sa kinilos nya. Ang weird lang. Tsk. --naligo muna ako bago bumaba para mag almusal. Tutal 1pm pa naman ang pasok ko. Ugh! Pasok na naman, paduguan na naman ng utak nito mamaya. Hindi naman ako magaling sa academics, i mean tamang utak lang para maka graduate at makakuha ng diploma.

Pagkababa ko ay agad na bumungad sakin sila mommy na nagaalmusal at mukhang ako nalang ang kulang. Agad ko naman silang binati isa isa at nahagip ng mata ko si kuya zeke na mariing nakatingin sakin, gustuhin ko man syang tanungin ay nagalala ako na baka hindi din alam nila mommy ang tungkol sa nangyari kagabi. Siguro ay hihintayin ko nalang din silang magopen ng topic about don.

"Baby, what time is your class today?" Ani mommy habang sumisimsin ng kape.

"1pm pa mom, why?" Wika ko.

Hindi agad sumagot si momny bagkus ay tumingin muna sya kay daddy bago muling nagsalita. "Ahmm naisip ko lang baby, do you want to go to the mall? Lets shopping iha! Matagal nadin tayong walang date baby". Malambing na sabi ni mom. Napangiti naman ako dahil kahit na ganito na ang edad ko ay palagi padin nila akong tinatawag na 'baby'.

"Thats great mom! Matagal na talaga tayong walang date! Magtatampo na nga ako e kasi laging si daddy ang kasama mo". I pout. I heard daddy's chuckled.

"Aww. Ang baby namin nagtatampo na oh! Busy lang kami ng daddy mo. But we promise naman na babawi kami sayo e. Alam mo namang ikaw lang ang unica ija namin diba!" Nakangiti ngunit mahihimigang may lungkot sa boses ni mommy. Sa isip ko ay nagtaka pa ako pero agad kong pinalis yon sa utak ko. 

"Mom! Wag nyo ngang ibaby yan! Damulag nayan e! Hahaha". Nagaasar na wika ni kuya zach. Agad ko namang syang sinamaan ng tingin ngunit ginantihan nya lang ito ng tawa. Napatingin naman ako sa gawi ni kuya zeke na ngayo'y nakatingin sa akin. Nginitiin ko naman sya agad.

"Kuya zeke! Sama ka samin nila mommy mamaya before i go to school. Pleasee. Much better kasi kung kasama namin kayo. Diba mommy?" Tiningnan ko naman si mommy at sumangayon sya sa sinabi ko.

"So, family date pala ito kung ganon". Wika ni daddy. Ngunit na ka'y kuya zeke padin ang paningin ko na nakatingin padin sa akin, agad syang nagbaba ng tingin at nagbuntong hininga bago muling itaas ang paningin.  Muling nagtama ang tingin namin pero agad ko itong binawi. Hindi ko alam pero parang may hindi tama sa mga tingin nya nayon.

"Sure.." Ang tangi nyang nasambit.

Ibinaling ko ang paningin ko kay mommy at muling nagsalita. "Mom, is it ok po ba na after natin manggaling sa mall e deretso napo ako ng school?" Sabi ko kay mommy. Sunod sunod naman ang kanyang pagtango bilang pagsang ayon.

Nagpatuloy kami sa pagkain at gumayak na kami para sa pagpunta ng mall. Ngayon nalang ulit kami lalabas ng buo. Usually kasi ay sila kuya lang minsan ang kasama ko. Madalas naman sila ria.

Naguniform na ako para less hassle. Para after ng mall e deretso school nako. --lumabas na ako ng kwarto at saktong nagkasabay naman kami ni kuya zeke sa pagbaba ng hagdan, sa pagkakataong ito ay hindi sya nakatingin sakin. Nauna na syang bumaba ng hagdan at pagbaba namin ay nandon na sila mommy na naghihintay. Isang sasakyan lang ang napagdesisyonan naming gamitin, tutal bonding naman to e. Mas makakapag kwentuhan kami kung nasa isang sasakyan. Lumipas pa ang ilang minuto ay lulan na kami ng sasakyan, si daddy ang nagdrive na katabi ni mommy, ako sa tabi ng bintana katabi ko si kuya zach, si kuya zeke ay nasa likurang bahagi ng sasakyan. Nagtataka padin ako sa mga kinikilos nya. Dati kasi ay tatlo kaming magkakatabi dito pero ngayon ay mas pinili nyang sa likod maupo. Hindi din sya gaanong nagsasalita. Iknow there's something wrong with kuya zeke. Muli ko syang nilingon ngunit nasa labas ang kanyang paningin.

Once A Fuck Girl Named AlianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon