Zeke's PoVNagtaka pa si brandon ng makita ako sa labas ng pinto ng condo nya. Pero sa halip na tanungin ay walang boses nya akong sinenyasang pumasok.
Pabagsak akong umupo sa couch. Nahihilo man ay nagawa ko pading magdrive. Hindi ko kayang sarilihin to. Mababaliw ako kakaisip kay aliana.
"What's with you bro? Its already midnight. Problem?" Nagaalalang sabi ni brandon.
Bumuntong hininga ako kasabay ng pag angat ko ng tingin sa kanya. "Bro, diko napigilan kaninang yakapin si ali. Damn! Napaka gago ko brandon!" Napasabunot ako sa ulo ko.
Pumalatak pa muna sya at saka naupo sa katapat na couch. "What did you do? Di ba ang sabi ko sayo pigilan mo ang sarili mo? What happened after that?" Nakakunot ang noo nyang sabi.
"Its just that, diko napigilan bro e. Nakainom nadin ako kaya malakas ang naging loob ko para gawin yon. Nagaalala ako kung anong pwedeng sabihin ni aliana. Baka kung anong isipin nya. Tsk!"
"Si aliana yon bro. Baka nga kahit lumipas ang taon hindi non makapakali kung bakit mo ginawa yon." Sabi nya sabay tayo para kumuha ng alak.
"Pero pano?" Tanong ko.
Sinundan ko pa sya ng tingin habang naglalagay ng alak sa mesa. "Anong pano? Kung ang sabi mo ay nakainom kana, edi panindigan mo nalang yon kung sakaling komprontahin ka nya. Besides, hindi ka naman siguro paghihinalaan non about your feelings". Kibit balikat nyang sabi.
"Yon nga ang gusto ko diba, ang maramdaman nya kung anong feelings ko for her, hindi bilang kapatid."
"Mukhang magiging mahirap yan z. You need to control what you feel. Dahil kung hindi, baka hindi nya matanggap na ang kapatid nya ay may gusto sa kanya."
"Hindi ko sya kapatid." Mariing saad ko.
"Hindi nga kayo magkapatid sa dugo pero baka nakakalimutan mong magkapatid kayo sa batas. Incest yan bro." Napapailing nyang sabi. "Kahit ako ay against dyan, dont get me wrong ha."
Napahilamos ako. Nafufrustrate ako. Dahil alam kong tama ang sinabi ni brandon. Hindi ko alam ang gagawin ko para pigilan tong nararamdaman ko. Natatakot din ako na baka hindi lang ganon ang magawa ko kay aliana. God knows kung gano ang nagpipigil.
"Mas lumakas lang ang loob ko kasi alam kong hindi kami magkapatid ni ali. Iniisip ko kung kailangan ko bang sabihin sa kanya o hahayaan ko nalang na maramdaman nyang kusa." Nanlulumong sabi ko.
"Mahirap yan z. If i wer you, ngayon palang e subukan mo ng iwasan yang feelings mo. Maling mali yan sa mata ng tao. Baka pag nalaman yan ng family mo e.. Ahh basta! Lubayan mo yan zeke! Payong kaibigan lang. Baka ipahamak ka ng sarili mong nararamdaman."
Napagdesisyunan kong dito nalang magpalipas ng araw muna kay brandon. Dito muna ako habang nagiisip tungkol kay aliana. Hindi madali. Kung normal na tao lang sya, o kung hindi ko man sya kakilala siguro'y hindi ako nammroblema ng ganito. Damn ali!
Paano ka ba mapapasakin ng walang magiging sagabal?
Aliana's PoV
Masakit ang ulo ko ng gumising ako ng umaga. Naramdaman ko namang gumalaw si ria sa tabi ko dahilan para mapatayo ako bigla.
Tumuloy ako ng banyo upang maligo, pakiramdam ko kasi'y napaka init. Sinabayan pa ng sakit ng ulo ko. Tsk.
Napagdesisyunan kong bumaba pagkatapos kong maligo, nagrequest nadin ako kay manang ng soup. Agad na hinanap ng mata ko si kuya zeke ngunit ang nandoon lang ay sila mom at dad. Wala din si kuya zach. That's new.
BINABASA MO ANG
Once A Fuck Girl Named Aliana
RomanceShe used to be a FuckGirl before she knew everything. Playing fire with the boys she wants. Pero biglang mababago ang buhay nya sa isang iglap. Dahilan upang matigil ang dati nyang ginagawa, isang katotohanan ang sasampal sa kanya at magkakaroon sya...