Love has no age, no gender, no boundries. Love is unconditionally, NO LIMITS. And this is the start of their love called incest.
Aliana's PoV
Lalo akong natigilan ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Hindi ko alam bakit iba ang naging dating non sa pandinig ko. Iba. Ibang iba ang paraan nya ng pagkakabigkas ng pangalan ko. At hindi ko maintindihan kung bakit iba ang naging epekto noon sakin. Damn!
Ang paghinga nya sa punong tenga ko ay nagbibigay ng iba't ibang reaksyon sa katawan ko. Hindi ako makakilos, nagaabang ng gagawin nya. Napapalunok ako sa bawat dampi ng hininga nya sa balat ko. Pati ang pagkurap ata ay nakalimutan ko na sa sobrang kaba. Kabang hindi ko maipaliwanag.
Nang sa wakas ay nagawa kong kumilos ay dali dali kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa baywang ko. Nanginginig maski ang mga daliri ko ng sa wakas ay natanggal ko iyon. Dahan dahan akong humarap sa kanya para makita ang reaksyon nya. Sa kasamaang palad ay madilim sa parte ng kusina kung nasaan kami. Inaninag ko ang mukha nya ngunit halos kalahati lang niyon ang nakita ko.
Hindi ko padin mapangalanan kung anong emosyon ang mayroon ako ng mga sandali na iyon. Gusto kong magtanong muna, pero inuunahan ako ng kaba. Nanginginig man ang mga labi ko ay pinilit kong magsalita. "K-kuya zeke". Nauutal kong sabi habang inaaninag ang mukha nya. "W-what a-are you doing here?".
He didn't respond. Sa halip ay ramdam ko ang tingin nya sa gawi ko. Napaatras ako nung akmang lalapit sya sa gawi ko. Fuck! Ano bang nangyayari!
"H-hey kuya! You're creeping me out!". Sinikap kong magsalita ng malumanay. "N-nauuhaw ka din ba? Ahh bumaba ako kasi kailangan kong uminom. Babalik nadin naman ako sa kwarto". Utal kong sabi. Sinabayan ko iyon ng pagtalikod para sana bumalik na sa kwarto.
Ngunit tili lalong nawala ang pagkalasing ko ng naramdaman kong niyakap nya ako patalikod. Doon ako kinabahan ng sobra. Heto na naman kami sa sitwasyong niyakap nya ako ng nakainom sya. Amoy ko iyon habang nakapatong ang baba nya sa bandang balikat ko. Hindi na naman ako makakilos, hindi ko alam ang irereact ng katawan ko sa ginagawa ni kuya zeke. Hindi sya normal na ganito, noong una nyang ginawa ito ay pinagwalang bahala ko nalang, lalo na ang sinabi nyang wag ko syang iiwan. Then now he's acting strange again. What the hell?
Sinubukan kong makawala sa yakap nyang iyon, ngunit naging mas malakas sya ng pigilan ako ng mga braso nyang nakayakap sakin. Ramdam ko ang init ng katawan nya sa mga oras na iyon, siguro'y dahil sa epekto ng alak.
"Aliana baby, please stay like this, just for a minute huh?" Malambing na sabi nya habang yakap yakap padin ako sa likuran.
Hindi ako nakasagot bagaman ramdam ko na namang may pinagdadaanan sya. Gusto ko iyong malaman, pero alam kong hindi sya magkukwento.
Hindi na ako pumalag pa at hinayaan ko nalang syang nakayakap ng ganoon sakin. Kahit na nawiwirdohan ako sa mga kinikilos nya this past few days ay pinagbigayan ko nalang.
Maya maya'y naririnig kong nag huhum sya na tili ba'y naghehele. Bahagya nya ring iginaya ang mga katawan namin pakaliwa't pakanan bagaman mahina iyon sa karaniwang sayaw. Animo'y pinapatulog ka sa mga bisig at ang nais lang ay makatulog kang mapayapa.
"Kuya zeke? May problema ka ba? You can tell me naman". Hindi ko na napigilang tanungin sya.
Sa halip na magsalita ay naramdaman kong umiling sya ng bahagya. Don ako nakakuha ng tsempo para harapin sya at kumawala sa yakap nya.
Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sakin. Biglang kumunot ang noo ko sa pinapakita nya ngayon. Ngayon lang sya naging ganito sa akin, kung si kuya zach naman ay lantaran kung maglambing. Hindi iyong ganito. Nakakapagtaka. Sobrang nawiwirdohan ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Once A Fuck Girl Named Aliana
RomanceShe used to be a FuckGirl before she knew everything. Playing fire with the boys she wants. Pero biglang mababago ang buhay nya sa isang iglap. Dahilan upang matigil ang dati nyang ginagawa, isang katotohanan ang sasampal sa kanya at magkakaroon sya...