OAFGNA 21 (Ang Simula 11)

24 0 0
                                    

Aliana's PoV

Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Hanggang sa nagisang taon..

Taon na nung huli kong nakita si zeke. Nung sinabi ni manang na umalis si zeke, yun din yung panahon na umamin ako sa pamilya ko. Mahirap, nakakapanliit. Lalo na yung mga masasakit na mga salitang sinabi nila sa akin, na pinagsisisihan nila na ako pa ang inampon nila.

Nakakabigla. Ampon? Ampon pala ako. Buong buhay ko akala ko kilala ko na sila, sila na pamilya ko. Sila na tinuring kong magulang ko. Sila na kinalakihan kong pamilya. Yung tinatawag kong pamilya, ay hindi ko pala kaano-ano.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong narinig ko iyon, natawa? Naiyak? Naawa sa sarili? Siguro lahat ng emosyon.

Bakit ako ampon? Sino ba ako talaga? Sino ang pamilya kong totoo, saan ako galing? Sino ba ako? Sino ba kayong pamilya ko?

Gusto ko nalang mawala ng mga oras na iyon, gusto ko nalang mamamatay ng panahon na iyon. Dahil lahat ng hindi ko inaasahan, mangyayari pala. Ako ang nasorpresa ng husto. Galit sila sakin, sinabi nilang ampon ako. Sinabi nilang nagsisi sila dahil ako ang kinuha nila, nagsisi sila na ako ang naging anak nila. Ang sakit. Sobrang sakit.

Noong panahon din nayon ay pinalayas nila ako ng bahay. Lahat ng gamit ko na nanggaling sa kanila ay iniwan ko dahil nadin sa utos nila. Walang nagawa si kuya zach. Kahit ang tinuring kong daddy.

Wala si zeke. Walang zeke na dati ay pinagtatanggol ako. Walang zeke na dumating. Simula non, nagalit ako sa tinuring kong pamilya. Itinakwil nila ako dahil nagkaroon kami ng relasyon ni zeke. Galit sila? Mas lalong galit ako. Nagsinungaling sila. Mga sinungaling.

"Sa lahat ng tao dito sa mundo aliana! Sa dami ng lalaki dito sa mundo! Bakit si ezekiel pa?!  Si ezekiel na simula ng nagkaisip ka ay kapatid mo na!? Ganyan ka ba kalandi! Ganyan siguro yung mga totoo mong magulang! Kung alam ko lang na ganyan ka habang lumalaki, sana ay hindi ikaw ang pinili ko doon sa ampunan! Hindi na sana ikaw!" Sigaw ni mommy habang pinipigilan sya nila daddy at kuya zach.

Iyak ako ng iyak, hindi dahil sa nalaman nila ang tungkol sa amin ni zeke, kundi hindi dahil sa nalaman kong ampon ako. All those years na kasama ko sila, habang lumalaki ako sila ang alam kong pamilya ko. Mas masakit pa 'to sa hindi paguwi ni zeke ng ilang buwan. Masakit marinig ang mga salitang hindi mo inaasahan na sa sariling ina mo pa maririnig. Hindi. Hindi ko pala sya ina. Hindi ko pala si pamilya. Wala akong pamilya dito. Mga sinungaling.

"Ali, tulala ka na naman dyan, iniisip mo padin ba hanggang ngayon?" Sabi ni ria.

Si ria lang at si gail ang tanging nalapitan ko nung mga panahon nayon. Hindi ako lumapit sa kahit sinong parte ng pamilya ko. Nang dati kong pamilya. Kahit si kuya zach na palagi akong pinupuntahan para kausapin. Ayoko na, parang ayoko na sa kanila. Ayoko na ng kahit anong koneksyon sa pamilya nila. Simula ng itakwil nila ako, hindi ko na sila pamilya.

Wala nadin akong balita kay zeke. Isang taon na buhat ng nakita ko sya. Wala na akong balita. Sa palagay ko ay tinalikuran nadin nya ako. Ayoko nadin maghabol. Ayoko maghabol. Hindi ako lumaking si aliana lang para maghabol sa mga taong iniwan ako.

Sa ngayon, maganda naman ang takbo ng buhay ko. Hindi ako katulad ng dati na bigay ang luho sa lahat ng bagay. Lahat ng bagay na gusto ko ngayon ay dapat kong paghirapan. Simula nung pinalayas nila ako ay naghanap agad ako ng trabaho na kaya kong isingit sa schedule ko, nagshift ako ng kurso na mas mababa ang tuition fee. Tulad ni tristan ay naging guro nadin ako.

Mahirap sa una. Kailangan magtiis. Pero may gusto akong patunayan sa dati kong pamilya. Kaya ko lahat kahit wala ang kahit anong tulong nila.

"Ri, hayaan mo na muna yang si ali." Gail butt in.

Once A Fuck Girl Named AlianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon