Aliana's PoV
Hapon na ng gumayak kami para sa planong swimming nila mommy. Kasama ang mga pinsan ko, mga tito at tita. Kompleto ang pamilya, at may mangilan ngilan ding mga kasama na nasisiguro kong mga kaibigan iyon ng mga pinsan ko.
Nagpasalamat ako dahil hindi na gaanong mainit, atleast hindi ako masyadong mangingitim sa pagpasok sa pasukan, ayokong tuksuhin ako ng dalawang bruha. Bigla ko nalang silang namiss. Ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila ng nagyayari sa amin ni zeke, i dont think kaya ko ng sabihin sa kanila yon.
Someone snapped me, it was kuya zach.
"Hey, parang ang lalim ng iniisip mo bunso, is there's something wrong?".
Napatingin ako sa kanya. "nope, wala naman kuya". Totoo yon, totoong wala naman, at kung meron man ay hindi ko sasabihin sa kanya.
Hindi ko alam, pero naguguilty ako sa twing nandyan sya sa paligid. Iniisip ko na paano pag nalaman nya, paano pag nalaman nila mommy yung nangyayari sa amin ni kuya zeke?
Pilit kong inalis sa isip ko ang mga posibleng mangyari, kahit na alam kong walang sekretong hindi nabubunyag, dapat siguro ay ienjoy ako ang mga nangyayari. Damn! Ang hirap!
Lumingon ako kay kuya zach. Nagulat ako ng nakita kong nakatitig sya sa akin. Masyado na ata akong napaparanoid, na kahit tingin lang nya ay kinakabahan ako.
"Kuya, tara na doon. Nandoon na siguro ang lahat". Sabi ko ng sinabayan ko ng alis.
Napakagat labi ako sa kabang meron ako.
Malayo layo ang isla na pupuntahan namin, halos trenta minuto ang byahe gamit ang speed boat na pagmamaya ari ng mga tita ko.
Ako, si kuya zach at zeke kasama nadin ang pinsan kong lalaki ay magkakasama sa isang speed boat.
Ninamnam ko ang bawat hampas ng hangin sa aking balat, iniisip ko yung mga nangyari sa mga nagdaang araw. Ang bilis, sobrang bilis na kahit minsan ay hindi ko naisip na mangyayari. Sa ngayon masaya kami, masaya kasi alam kong wala pang nakakaalam, pero paano pag dumating ang panahon na malaman nila, posible bang itakwil nila kami ni zeke? Kakamuhian ba nila kami? Malamang oo.
Agad kong pinunasan ang luhang umalpas sa aking pisngi. Mabuti nalang at busy ang mga lalaki sa kakatingin sa paligid ng dagat. So zeke na masayang nakikipag biruan sa pinsan ko. Napangiti ako, masaya sya, ang ibig sabihin siguro ay dapat na maging masaya din ako at huwag munang isipin ang mga bagay na makakapagpagulo ng isip ko.
I sighed. I smiled weakly. Naramdaman ko na naman ang mga luhang gustong kumawala.
Halos mapatalon ako ng biglang humarap sa akin si kuya zeke, ganon nalang ang kaba ko ng nakita kong papalapit sya sa akin. Umiling ako bilang pagtutol na wag syang lumapit sa akin. Kuya zach is just around.
Napapikit ako ng naramdaman ko syang tumabi sa akin.
"I told you not to come! Nandyan si kuya zach! " gigil kong sabi sa kanya.
His forhead creased.
"And? Ano naman kung nandyan sya?"
Seriously zeke? Fuck you. Pasimple kong tiningnan si kuya zach na ngayon any kausap ang pinsan ko.
Agad kong hinampas si zeke sa braso dahilan para tumawa sya. Gago talaga.
"Baka makahalata na ng tuluyan si kuya zach! Iba na nga yung meaning nung huling sinabi nya doon sa bahay e! Ingat naman zeke!" bulong ko sa kanya, ngunit binigyan nya lang ako ng nakangising ekspresyon.
Goddamnit!
Hinampas ko ulit sya. Parang wala syang pakialam kung makahalata sa amin!
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, halos manigas ako sa kinakaupuan ko ng biglang lumingon si kuya zach sa amin, napatitig sya sa kamay naming magkahawak. Kumalabog ako puso ko sa kaba.
Agad kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak. Siraulo talaga.
Humalakhak lang sya sabay tayo. Naiwan akong tulala at kinakabahan. Yung tingin ni kuya zach, kagaya ng tingin nya noong huling paguusap namin, baka nakakahalata na sya. We're dead now.
Nakarating kami sa isla kung saan kami magsswimming. Not bad. Hindi ko akalain na may ganito palang properties ang mga kamag anak ko dito. Mukhang mauulit ata ang pag punta ko dito. Maybe next time isasama ko sila ria at gail. Im sure magugustuhan nila dito.
Madaming kabahayan sa paligid, ang sabi ng isang pinsan ko ay mga caretaker daw iyon ng isla. Mas mapapakinabangan nga naman kung may titira, tulong nadin daw.
May isang malaking lumang bahay sa likod ng mga bahayan, halos lahat ata ng ginamit ay kahoy, pero maayos pa naman ang tingin ko sa bahay mula dito sa kinakatayuan ko.
Nagpasya muna kaming pumunta sa lang bahay para makapag gayak at makapagpahinga. Namangha ako sa loob ng bahay nung nakapasok kami, halos puro kahoy kasi talaga ang ginamit! Kahit na ang mga patungan ng tv ay kahoy!
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa loob ng bahay. Parang ang sarap tumira sa ganito, malamig saka maaliwalas.
Halos mapatalon ako ng may magsalita sa gilid ko, it was kuya zach. Hindi pa man ay kinakabahan na ako. Shit!
"Ganda no bunso?" Nakangiting usal nya.
Napabuntong hininga ako sa kabang nararamdaman ko.
"Oo nga, parang ang sarap tumira dito kuya!" I exclaimed.
It took a while before he finally speak again. Pero parang pinagsisihan ko na nagsalita pa ako.
"Sinong kasama mong titira? Si zeke?" He said.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makalingon sa kanya. Kinakabahan ako. Sa huli ay nagawa kong tumawa ng pagak.
"H-ha? A-ah, natural k-kayo! Kayo nila mom at dad!" Shit!
Bumuntong hininga sya saka muling nagsalita, this time ay bumaling sya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tingnan sya.
"Sana nga mali ang naiisip ko". Sabi nya sabay alis sa harapan ko.
Tulala ako ng hapon na iyon pagkatapos naming magkausap ni kuya zach. Hanggang ngayon ay hindi mawala sakin yung huling sinabi nya. Posible kayang alam nya? May alam na ba sya? Masyado na ba kaming halata? Fuck this!
Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay ang kausapin si zeke. We need to stop this. Dapat nung una palang naisip ko na naitigil. Sana hindi ako nagaalala ng ganito.
Nagtungo ako sa cabinet na para sa akin. Nasa loob ako ng kwartong inilaan para sa aming magpipinsan. Yon nga lang ay hiwalay ang babae sa lalaki. I sighed, mas mabuti nadin yon, ayokong nagkakadikit kami ni zeke.
Nagsuot ako ng jacket panlaban sa lamig sa labas. Hindi na kami natuloy sa balak na swimming ngayon. Hindi nila kinaya ang pagod sa byahe.
Nang makababa ako ay agad kong hinanap si zeke. Kailangan ko syang kausapin, pakiramdam ko ay sa bawat araw na dumadaan ay nadadagdagan ang takot sa dibdib ko.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Once A Fuck Girl Named Aliana
RomanceShe used to be a FuckGirl before she knew everything. Playing fire with the boys she wants. Pero biglang mababago ang buhay nya sa isang iglap. Dahilan upang matigil ang dati nyang ginagawa, isang katotohanan ang sasampal sa kanya at magkakaroon sya...