OAFGNA 14 (Ang simula 3)

28 0 0
                                    

CONFESSION

Aliana's PoV

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan at sembreak na. Noong mga nakaraang araw lang namin napag desisyunan kung saan kami pupunta this break.

Sa batangas namin napili magbakasyon. Dito kasi ang probinsyang kinalakihan nila mom at dad. This is not my first time to visit batangas. Noong mga bata palang kami nila kuya zeke, lagi kaming inuuwi nila mommy dito. Ang sabi nila'y para narin daw makilala namin ang ibang kamag anak namin.

Maganda ang lugar kung saan nakatirik ang mismong bahay namin. Nasa isang isla kami na pag mamay-ari ng lolo ni mommy. Malayo sa sibilisasyon pero madaming tao ang nakatira. Karamihan ng mga nakatira dito ay mga kamag-anak namin. Halos lahat ng mga pinsan namin ay puro kaedaran nila kuya zach. Ang nakakatawa pa'y puro lalaki. Sa side lang ata ni daddy ako may pinsang babae, kaso nasa ibang bansa.

Hapon ng sabado nang nakarating kami ng isla. Mula sa pinakabayan ng batangas ay may isang oras din ang byahe papunta dito gamit ang bangka.

Papalubog na ang araw ng makarating kami sa isla. Namangha ako sa laki ng pinagbago nito. Lalong dumami ang nakatira. Mas dumami ang mga puno. Malayong malayo sa maynila na puro sasakyan at mga buildings.

"Finally.. Were here!" Si daddy na kasalukuyang sinasamyo ang preskong hangin.

"Eduardo! Catalina!" Anang boses ng matandang papalapit sa amin.

"Mang Guito! Kumusta ho!" Wika ni daddy.

"Maligayang pagbabalik eduardo! Naku! Ang tagal nyong nadalaw dito ahh!" Maligayang wika ni mang guito.

"Naku mang guito, paanong hindi, alam nyo naman hong nagaaral itong mga anak ko. Saka busy lang ho talaga sa negosyo."

Pagkuwa'y bumaling sa amin si mang guito at tiningnan kaming isa isa.

"Heto na ba ang mga anak nyo catalina? Aba'y kay ganda at kay gagwapo ah! Ang lalaki na nila! Sa bagay, maliliit pa sila noong huli silang napasyal dito."

"Magandang hapon po mang guito". Pagbati ko.

Isang magandang ngiti ang sinagot nya sa akin. Ganoon lang din ang ginawa nila kuya zach.

Nang natapos ang batian ay nagpasya na kaming ihatid ni mang guito sa bahay kung saan kami naninirahan.

Maganda at halos walang pinagbago ang loob ng bahay. Puros kahoy ang lahat ng ginamit ng itinayo ito. Lahat ng muebles purong gawa sa kahoy o di kaya at mga antigo ng mga sinauna kong mga lolo. Tituturing nila mommy na ancestral house ito. Sobrang nakaka feel at home ang awra ng bawat sulok ng bahay.

"Mom, where's my room po? Halos hindi ko na kasi matandaan kung saan. Its been along time since we went here." Sabi ko habang nililibot ng aking mata ang kabuuan ng sala.

"Is it ok baby kung magkakasama kayo ng kuya mo sa isang room. Yung master's bedroom ang gagamitin nyo. Maglalagay nalang ng isa pang bed para magkasya kayo. Yung isang room kasi ay occupied na ng mga lumang gamit."

Saglit akong nagisip bago ako tumango.

Nagpunta ako sa master's bedroom para makapagpahinga. Nabungaran ko sila kuya zach na kasalukuyang inaayos ang bed na gagamitin na dito pansamantala.

Nahagip ako ng mata ni kuya zach pagkatpos nilang pagtabihin ang mga gagamiting kama.

"Ali, dito ka sa single bed matutulog. Don naman kami ni zach." Aniya sabay turo sa mga bed.

Ngumiti ako at tumango.

Masyado akong napagod sa byahe. Kahit nakatulog ako ay parang kulang.

Once A Fuck Girl Named AlianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon