"A PENNY for your thoughts."
Napakislot si Jane at napalingon kay Trisha nang marinig ang tinig nito sa kanyang tabi.
"Admit, Jane, naiinggit ka kay Kate, no?" sabi pa ni Trisha.
"Of course not," may katotohanang deny niya.
Kasalukuyang silang nasa reception ng kasal ni Kate at ng pinsan ni Jane na si Kuya Jay-Jay na ginanap sa grand ballroom hall ng Monteclaro Hotel sa Ortigas na pag-aari ng pamilya nila. Sister–in–law ni Trisha si Kate at parehong childhood best friends ni Jane ang dalawang babae.
Halos patapos na ang reception nang mga oras na iyon at sina Jane at Trisha na lang ang naiwan sa table nila. Hinahanap lang ni Jane ng tingin ang nobyo niya at nagkataon na napatingin siya sa mga bagong- kasal na kasalukuyang nagsasayaw sa platform kasabay ng ilang magkakaparehang bisita kaya nasabi ni Trisha na naiinggit siya sa mga ito.
"Ows?" hindi naniniwalang sabi ni Trisha. "Inamin sa akin ni Kate na nainggit sila ni Jay–Jay noong ikasal kami ni Ken."
Napaingos siya sa narinig. "You can't blame them, inunahan n'yo kasi silang magpakasal, eh. At hindi ka pa siguro aalukin ng kasal ni Ken kung hindi ka nabuntis, 'no," sarcastic na sabi niya. Sa tagal ng pagkakaibigan nila nina Kate ay normal lang sa kanila na maging sarcastic sa isa't-isa paminsan-minsan.
"Of course not," mabilis na deny rin ni Trisha. "FYI, Ken proposed to me first before I admitted to him that I was pregnant," nagmamalaking pagbibigay-alam nito.
"Whatever. Pero hindi talaga ako naiinggit kina Kate," giit niya.
Si Trisha naman ang napaingos. "Eh, kailan naman ang kasal n'yo ni Paolo, aber?"
Si Paolo ang boyfriend ni Jane at limang taon na silang mag-steady.
Hindi siya nakasagot at ibinaling ang tingin sa mga bagong kasal. No doubt the newlyweds were the happiest couple in that room. Masayang–masaya rin siya dahil sa wakas ay opisyal nang miyembro ng pamilya nila si Kate. Pero wala talaga siyang nararamdamang inggit tulad ng sinasabi ni Trisha sa kanya. Marahil ay dahil hindi pa siya handa sa sinasabi nilang "tahimik na buhay" kaya ganoon ang nararamdaman niya kahit pa dalawang taon na silang engaged ni Paolo.
"Hindi na ako makapaghintay na maging legal na miyembro ka na ng Escobar at Rosales Family, Jane," nakangiting sabi pa ni Trisha na nakatingin na rin sa mga bagong kasal. Pinsan ni Trisha si Paolo sa father side. Pareho silang twenty-eight ni Trisha at tatlong taon ang tanda ni Paolo sa kanila.
Hindi pa rin kumibo si Jane. Siya namang paglapit ni Paolo kasama ng best friend nitong si Ken na asawa ni Trisha. Like Trisha and Kate, childhood friends din ni Jane ang dalawang lalaki. Magkakabarkada kasi ang mga magulang nila magmaula pa noong high school ang mga ito kaya silang mga naging mga anak ay naging magkakaibigan din at nakabuo sila ng isang malaking barkada kasama ng mga kapatid nila at mga pinsan.
"Hey, Jane, hihiramin ko muna ang asawa ko," sabi ni Ken na kay Jane nakatingin. Mabilis na tumango si Jane. Binalingan ni Ken ang asawa. "I've found an old friend here, sweetie, ipapakilala kita sa kanya. I think, makakatulong siya sa bubuksan mong cooking school."
Isang international chef, former celebrity chef, published cookbook writer, at restaurant owner si Trisha. Nagpaplano na itong magtayo ng sariling cooking school nang biglang mabuntis at magpakasal kay Ken dahilan para maisantabi muna ang career nito at bigyang priyoridad ang magiging pamilya nito.
"Okay," tugon ni Trisha na kaagad tumayo at humawak sa braso ng asawa.
Hawak ang isang flute, naupo si Paolo sa iniwang silya ni Trisha pagkaalis ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Stuck With Me - Published under PHR
RomanceMy First Published Novel under Precious Heart Romances. "Walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka." Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasab...