Chapter Four

5.6K 102 8
                                    

"SIGURADO akong mahihirapan kang magpapayat kapag nakapanganak ka na," natitigilang komento ni Jane habang pinapanood si Kate sa magana nitong pagkain. Pagkatapos nilang mag-shopping ay nagtungo sila branch ng Amelia's sa loob ng mall para mag-lunch. Isang seafood restaurant ang Amelia's at isa lamang ang branch na iyon sa mga restaurants na pag-aari ng pamilya ni Jane.

"I don't care basta gutom kami ng baby ko. Saka ko na lang poproblemahin ang pagpapayat kapag nakapanganak na ako," bale-walang sabi ni Kate habang ngumunguya ng fried prawn.

"Kate, have you seen yourself in the mirror lately? Alam mo ba na malapit ka nang maging balyena," prangkang sabi pa niya. Nag-aalala siya kay Kate, tabain kasi ito. Noong dalaga pa ito ay alaga nito ang sarili sa pag-eexercise at pagda-diet kaya napanatili nito ang voluptuous body.

Imbes na ma-offend ay tinawanan lang siya ng kaibigan. "Jane, normal lang sa buntis ang tumaba. It doesn't matter naman dahil maganda pa rin naman ako, 'di ba? And I'm not worried kung hindi kaagad ako pumayat kapag nakapanganak na ako. Head over heals in love yata sa akin ang kuya mo," mayabang na sabi nito.

Napangiti siya sa narinig. She knew about it. Si Kate lang ang nag-iisang babaeng minahal nang sobra ng pinsan niya. Kaya nang hiwalayan dati ni Kate si Kuya Jay-Jay dahil sa maling akala ay tila nawalan ng direksyon ang buhay ng kanyang pinsan.

"Ang gusto ko nga magkaroon kaagad ng kapatid si Frankie kapag nakapanganak ako, eh," patuloy pa ni Kate.

"Frankie?"

"Yeah, boy or girl Frankie ang magiging nickname ng baby. He will be Jason Frank Monteclaro the Fourth if it's boy at Amelia Kimberly naman kung babae," paliwanag nito.

"Ahh..." tumatango-tangong tugon ni Jane. Isusunod pala ang pangalan ng magiging pamangkin niya sa pangalan ng mga grandparents nila ng Kuya Jay-Jay niya. "Pero Kate, hindi ka pa nga nakakapanganak kasunod kaagad ni Frankie ang iniisip mo. Baka malosyang ka kaagad n'yan," hindi sang-ayon na pananakot niya.

"Of course not. Magaling mag-alaga ang kuya mo at kukuha rin naman kami ng mga yaya para makatulong ko."

"Pero paano ang business mo?"

"It's fine, magaling at mapagkakatiwalaan ang staff ko."

"Kahit na. What if mapabayaan o malugi?" Kahit hindi naman maselan ang pagbubuntis ni Kate ay nagpasya itong ipagkatiwala muna sa assistant ang pamamahala ng events management firm nito para maiwasan ang ma-stress.

"Nangyayari naman talaga ang bankruptcy kahit saang negosyo, eh," pabale-walang sabi nito bago uminom ng mango juice.

"At okay lang sa'yo 'yon?"

"Siyempre hindi. Bago naman siguro mangyari 'yon ay maaagapan ko. At nand'yan naman si Jay-Jay para tumulong sa akin kapag nagkaproblema ako."

Nawalan siya bigla ng sasabihin si Jane kaya minabuti na lang niyang ituon ang atensyon sa kinakain.

"Jane," pagkuwan ay untag ni Kate. Mula sa kanyang plato ay nagtaas ng tingin si Jane. "Ang tagal n'yo nang engaged ni Paolo, hindi ka pa rin ba talaga handang mag-asawa?"

Mabilis siyang umiling. "I still can't see myself as a wife or a mother, Kate," pag-amin niya. "Pakiramdam ko ang dami ko pang kailangang malaman at matutunan sa buhay. Kapag naiisip ko rin na tataba ako kapag nagbuntis o iiwanan ko ang trabaho ko for my family, para akong mai-stress out. Hindi ko rin ma-imagine na magkakaroon ako ng limitation sa lahat ng gusto kong gawin dahil may asawa na nga ako at mga anak."

Natawa si Kate sa narinig. "Grabe, kawawa naman pala si Paolo."

"Sinabi mo pa. Thankful nga lang ako dahil inuunawa n'ya ako, eh."

"But for how long, Jane? Baka mamaya, bigla siyang makakilala ng iba na willing magpakasal sa kanya. Ikaw rin," pananakot nito.

"Hindi magagawa ni Paolo na ipagpalit ako sa iba," confident na sabi niya.

"Ibang magbiro ang tadhana, Jane. Paolo is not getting any younger and so are you. Halata naman na gustong-gustong na niyang magkapamilya. Hindi mo ba kayang mag-sacrifice para kay Paolo?" tanong pa nito.

"Of course I can. I'll do anything for him, Kate, as in anything. Pero hanggang inuunawa ako ni Paolo, sasamantalin ko ang pagkakataon para mag-mature pa at ihanda ang sarili ko sa married life."

Bumuka ang bibig ni Kate, halatang may sasabihin pa ito pero hindi na itinuloy. Sa halip ay muli nitong itinuon ang atensyon sa pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagkasundo silang bumisita sa bahay nina Trisha at Ken. Nag-takeout muna sila ng paboriting dish ni Trisha at nagtungo na sa bahay ng mag-asawa. Natawagan na rin ni Kate ang asawa na doon na dumiretso pagkatapos ng trabaho para sabay nang umuwi sa bahay ng mga ito sa Corinthian Gardens.

Wala sa bahay si Ken at nasa opisina pa nang dumating sila. Nadatnan nilang pinapaliguan ni Trisha ang mag-iisang taong gulang na anak nito sa loob ng banyo. Nang biglang tumunog ang cell phone ni Trisha ay kaagad inako ni Kate ang pagpapaligo sa pamangkin nito. Si Kate na rin ang naglabas kay Kent sa banyo para bihisan.

"O, natahimik ka na d'yan," puna ni Trisha kay Jane matapos nitong makipag-usap sa caller nito. "Gusto mo nang magka-baby, 'no?" tudyo pa nito nang mahuli siya nitong pinapanood si Kate sa ginagawa nitong pagbibihis kay Kent.

Napaingos si Jane sa narinig. "Loka ka talaga. Magpakasal nga ayaw ko pa, magka-baby pa kaya."

"Akala mo lang 'yon, but deep inside naiinggit ka rin sa amin ni Kate."

"Tama!" pagsang-ayon ni Kate na abala pa rin sa pagbibihis kay Kent.

Kunwari ay wala siyang narinig. Dinampot niya ang nakitang parenting magazine sa ibabaw ng mesita at binuklat-buklat. Umayos pa siya sa pagkakaupo sa coach.

"Jane, hindi ka pa rin ba handa sa married life?" tanong pa ni Trisha habang umuupo sa gilid ng kama.

Umikot ang mga mata niya sa narinig.

"Hay naku, tinanong ko na 'yan sa kanya kanina. Hindi pa rin daw," mabilis na tugon ni Kate.

"Naku, Jane, ha, baka naman hinihintay mo pa na magkaroon kayo ng matinding problema ni Paolo bago mo gustuhing pakasalan siya," sabi ni Trisha.

"Who said I didn't want to marry him? Engaged na nga kami matagal na, 'di ba? Masama bang gustuhin ko munang ihanda nang mabuti ang sarili ko sa married life bago magpakasal?" nagsisimula nang mainis na sagot ni Jane.

"Pero si Paolo naman ang pakakasalan mo, Jane," katwiran ni Trisha. "Hindi nakakatakot i-give up ang single life mo at i-risk ang buong buhay mo kasama siya. At tulad namin ni Ken, I'm sure aalalayan n'yo ang isa't-isa sa mga adjustments na mangyayari sa mga buhay n'yo."

Hindi naman natatakot si Jane na isugal ang buong buhay sa piling ni Paolo kapag nagpakasal na siya rito. Yes it was Paolo, her good friend and her almost perfect lover. Ang ikinakatakot lang niya ay kung kailan kasal na sila ay saka pa sila magkakaproblema nang matindi dahil na rin sa mga differences na hindi nila magawang lagpasan dahil hindi nila iyon napagdaanan bago sila naging mag-asawa. Batid niyang maraming mag-asawa ang nakararanas ng ganoon kapag kasal na kaya nauuwi sa hiwalayan ang relasyon ng mga ito. Kaya gusto niyang mag-mature pa at ganoon din si Paolo.

"Oh, please, huwag n'yo akong i- pressure," sa halip na sagot ni Jane at sinarili lang niya ang nasa isipan. "Anyway, bakit ba sa inyo pa rin ako nagdididikit, eh, pareho na kayong married? Dapat pala si Francine o si Denise na ang sinasamahan ko dahil mas makaka-relate ako sa kanila," tukoy niya sa iba pa nilang mga kaibigan na mas bata sa kanila.

"Loka, sa amin ka nga dapat magdidikit dahil hindi magtatagal mag-aasawa ka na rin. Kami ang magtuturo sa 'yo para maging handa ka sa married life at magpakasal na kay Paolo," tugon ni Kate na noon ay kandong na si Kent.

Hindi na siya kumibo dahil alam niyang may punto si Kate.

Stuck With Me - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon