"HON, HINDI ka pa ba buntis?" malambing na tanong ni Paolo kasabay ng paghawak nito sa tiyan ni Jane sa ilalim ng kumot.
Napakagat-labi si Jane sa narinig. Kumalas siya sa nobyo, ibinalot ang sarili sa kumot at naupo sa kama.
"Magkaka-baby na ba tayo, Jane?" puno ng pananabik na muling tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot. "Imposible ang sinasabi mo, Paolo, dahil nagpi-pills ako," pag-amin niya.
"What?" bulalas ng binata, napabalikwas pa. "Nagpi-pills ka?" salubong ang mga kilay na pag-uulit nito sa sinabi niya.
Tumango siya.
"Shit!"
"Paolo, be reasonable naman. Hindi pa tayo kasal."
"Dahil ayaw mong magpakasal sa akin," mataas ang boses na sumbat nito.
"Alam mong hindi totoo 'yan!" apela niya. "Konting panahon lang ang hinihingi ko sa 'yo."
"Konting panahon? Damn it, Jane. Ni hindi ko alam kung gaano katagal 'yang konting panahong sinasabi mo."
"Paolo, please, huwag mo naman akong i-pressure."
"I'm not doing that,"anito at bumaba ng kama at nagsimulang magbihis.
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"
"I'm just telling the truth. Maghirap maghintay nang matagal, Jane."
"Napapagod ka na ba?" kinakabahang tanong niya.
It took time before he answered. Tinapos muna nito ang pagbibihis bago humarap sa kanya. "Malapit na, Jane. Sana lang hindi dumating 'yong araw na magsawa akong ialok ang pangalan ko sa 'yo." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Naglakad palabas ng silid at pabagsak na isinara ang pinto.
DISMAYADONG dire-diretsong ininom ni Paolo ang whiskey na kakasalin lang ng bartender sa kanyang baso matapos mabasa ang text ni Ken sa kanya.
Ayon dito ay hindi ito makakasunod sa bar ng Monteclaro Hotel sa Ortigas na kanyang kinaroroonan dahil hindi nito maiwan ang mag-ina nito dahil may sakit ang anak. In fact, hindi nakapasok sa trabaho si Ken. Ken asked him to come over para mapakag-usap sila kung may problema siya pero hindi na siya nag-reply.
Gayumpaman ay naintindihan ni Paolo ang kaibigan. Alas-diyes na rin naman ng gabi. Hindi na maganda para sa isang married man na kasama pa rin ang kaibigan nang ganoong oras. Nawala rin sa isip niya na hindi na pala sila tulad ng dati na puwedeng yayain ang isa't-isa kahit saan at abutin pa hanggang umaga dahil pamilyadong tao na si Ken kahit pa sabihing close siya kay Trisha.
Gusto lang naman niya ng makakausap at bigyan na rin siya ng advice sa frustration niya kay Jane. Hesitant naman siyang i-text si Jay-Jay dahil pinsan nito si Jane, idagdag pa na kabuwanan na ni Kate. Siguradong hindi nito iiwan ang asawa. He can call any of his friends anyway, the boys in particular, pero ayaw na niyang malaman ng lahat ang problema niya.
It had been two hours since Paolo left Jane in his condo. Pero hindi man lang siya tini-text o tinatawagan ng nobya para makapagpaliwanag pa sa kanya. Sumama talaga ang loob niya rito sa sinabi nitong gumagamit ito ng contraceptives para hindi magbuntis. Sinadya pa naman niyang hindi gumamit ng proteksiyon sa tuwing magtatalik sila dahil ang akala niya ay okay lang kay Jane na magkaanak sila at later on ay magpakasal na rin.
He felt cheated and rejected. Hindi tuloy niya naiwasang isipin na nabigla lang si Jane noong tinanggap nito ang marriage proposal niya. At ngayon ay napapagtanto na nitong hindi talaga nito kayang magpakasal sa kanya. Katibayan na ang ilang beses na nitong pagtangging itakda na ang kasal nila.
BINABASA MO ANG
Stuck With Me - Published under PHR
RomanceMy First Published Novel under Precious Heart Romances. "Walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka." Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasab...