Chapter Five

5.5K 111 3
                                    


"ORDER what you want mga, bro, ako'ng bahala."

Napataas ang isang sulok ng labi ni Paolo sa sinabi ni Gabe. "Sure. Minsan lang manlibre ang hari ng kakuriputan kaya sasamantalahin talaga namin," tugon niya. Nasa isang private room sila ng Friend Jungle Bar and Restaurant sa El Pueblo nang gabing iyon dahil sa imbitasyon ni Gabe. Kabilang ang lugar na iyon sa bar and restaurant group ng MNGC na pinamamahalaan ni BJ. Sa branch na iyon madalas ang hangout nila dahil cozy at relax lang ang theme ng lugar.

"Para saan ba talaga 'tong all male bonding natin?" kunot-noong tanong ni Ken sa pinsang si Gabe. "Sabi mo may sasabihin kang importante kaya hindi pa ako umuuwi sa mag-ina ko."

"Oo nga, bro. Hinihintay na ako ni Kate, hindi 'yon matutulog hangga't wala ako," sabi naman ni Jay-Jay.

"Grabe naman kayo, ngayon nga lang ako nagyaya ng all boys night out, tapos ganyan pa kayo," kunwari ay nagtatampong sabi ni Gabe.

"Ang arte nito. Ano ba kasi ang sasabihin mo?" tanong naman ni Ethan.

"Okay sasabihin ko na," sandaling nag-pause si Gabe bago nagpatuloy. "Bel and I are getting married!" masayang anunsyo nito.

Sandaling nagdaan ang katahimikan dahil sa nakakagulat na pangyayari.

Si Lance ang unang nakapag-react. "Ang playboy na si Engineer Gabriel Jason Yuzon, mag-aasawa na?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"That's true, bro. Magpapakasal na talaga kami ni Bel."

"Bro, nabuntis mo ba si Bel kaya ka biglang magpapakasal?" tanong naman ni BJ.

"Well, she's almost two months pregnant," nakangising pag-amin ni Gabe.

"Magpinsan nga talaga kayo ni Ken," napapailing na sabi naman ni Anthony.

"But bro, you're just twenty-three! You don't have to marry Bel, just because you made her pregnant," pagtutol ni BJ na kilala ring playboy.

Biglang may lumipad na binilot na tissue sa mukha ni BJ mula kay Jay-Jay. "Huwag mo ngang i-pollute ang isip ni Gabe. Palibhasa sanay ka sa hit and run, eh," sita nito sa pinsan.

"I'm serious, I'll marry, Bel. Mahal ko talaga s'ya, eh. The moment I realized I'm in love with her, I knew she was the one for me. Nagkataon lang na magkaka-baby na kami kaya mapapabilis ang pagpapakasal namin."

"You're really in love, Gabe," ani Ken. "Ganyan din ako dati noong nasa ganyang kaming sitwasyon ni Trish kaya susuportahan kita d'yan."

"Yeah!" tugon ni Gabe. Nakipag-high- five ito at nakipagtapikan ng balikat kay Ken. Nagsunuran na rin ang iba at binati si Gabe.

"So kailan ang big day?" tanong ni Ethan nang magbalikan ang lahat sa kani-kanilang upuan.

"As soon as possible, bro, sa firm ni Ate Kate ko ipapa-organize ang kasal namin."

"Pero si Paolo na dapat ang next in line sa pagpapakasal dahil isa siya sa pinakamatanda sa barkda natin," sabi ni Fran, sabay baling kay Paolo. "Matagal na kayong engage ni Ate Jane, 'di ba? Ano pa ba talaga'ng hinihintay n'yo?"

"Kami na naman ni Jane ang pinansin n'yo," nakasimangot na tugon ni Paolo. "Huwag n'yo nga kaming i-pressure, baka mamaya hindi na magpakasal sa akin 'yon dahil sa kapupuna n'yo."

Talagang nakaka-frustrate ang pagtanggi ni Jane na itakda na ang petsa ng kasal nila. Nabibingi na rin siya sa paulit-ulit na tanong ng lahat kung kailan ba talaga sila magpapakasal. Pero wala naman siyang magagawa kung hindi pa talaga handa ang kanyang nobya. Ayaw naman niya itong i-pressure kaya mas nilalawakan na lang niya ang pang-unawa kahit pa kung minsan nilulukuban siya ng matinding takot na baka maulit sa kanila ang kinahantungan ng relasyon ng daddy niya at mommy ni Jane.

Stuck With Me - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon