MAY ngiti sa mga labing sumakay si Jane sa kotse ni Paolo. Alas-kuwatro pa lang ng hapon nang umalis siya ng opisina dahil sa kahilingan ng nobyo niya. Nanalo kasi ang Builders sa bidding ng isang malaking construction project na si Paolo mismo ang nag-represent sa bidding procedures kaya masayang-masaya ito at gusto nitong mag-celebrate sila. She was so happy for him too at sa success ng Builders. Ilang date din nila ang na-cancel dahil sa proyektong iyon.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya matapos nilang magsalo sa may- katagalang halik.
"You'll see," nakangiting tugon ni Paolo at pinaandar na ang kotse.
Nagsuot ng seatbelt si Jane at hindi na nag-usisa pa. Nang tahakin nila ang daan patungong South ay nagka-ideya na siya na sa Tagaytay sila pupunta. Hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil pagkalipas ng halos isang oras ay papasok na ang sinasakyan nila sa gate ng rest house ng pamilya ni Paolo.
Isang early dinner sa verandah na over-looking sa Taal lake ang naghihintay sa kanila.
"Let's spend some quality time together," nakangiting sabi ni Paolo habang inaalalayan siya sa pag-upo.
Kapwa nila na-enjoy nang husto ang dinner habang masayang nagkukuwentuhan. Matagal din nilang hindi nagawa iyon. Si Jane man kasi ay naging abala rin. Bukod sa trabaho niya ay pansamantalang nalipat sa kanya ang trabaho ni Kuya Jay-Jay bilang presidente ng MNGC dahil nasa honeymoon pa rin ito at si Kate sa Amerika. At tila wala pang balak umuwi kahit halos dalawang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng kasal.
Monteclaro & Narvantez Group of Companies was a family–owned and controlled business organization. Sa mother side ng pamilya ng daddy ni Jane ang Monteclaro at sa father side naman ang Narvantez. Binubuo ng hotel group, resorts, bars, restaurants at non-profit foundation na nagkalat sa buong Pilipinas at ilang siyudad sa Washington State sa Amerika ang mga negosyo ng MNGC.
Isa namang cardiologist ang mommy ni Jane. Tulad ng daddy niya ay retirado na rin ang kanyang ina at sa resort nila sa Palawan na nakabase ang mga ito kasama si Lola Amelia.
Apat silang magkakapatid, si Jane ang panganay. Sumunod ang kambal na sina Justin at BJ, tatlong taon ang tanda niya sa dalawa. At apat na taon naman tanda niya sa bunso nilang kapatid na si Janine. Kasama ni Kuya Jay-Jay at mga pinsan nila na nakabase sa Seattle, sina Jane at BJ ang magkakatulong na namamahala sa mga negosyo ng pamilya. Habang pareho namang medical student sina Justin at Janine.
Medical student din ang nakababata at nag-iisang kapatid ni Paolo na si Anthony. At tulad ni Paolo ay isang licenced architect ang daddy nito at general surgeon naman ang mommy nito.
They continued talking and cuddling for hours in the same place. Later on ay nagyaya si Paolo na magsayaw sila kahit na walang tugtug. Natatawang pinagbigyan ni Jane ang nobyo. They danced while laughing and end up passionately kissing on top of the bed. Pareho na silang topless nang bigla siyang matauhan.
"Why?" iretableng tanong ni Paolo nang kumawala si Jane sa nobyo.
"I'm sorry, Pao, I'm still not ready for this." Tumayo siya at mabilis na pinulot sa sahig ang damit niya at nagsimulang isuot.
Tumayo rin si Paolo at nilapitan siya. "C'mon, Jane, ang tagal na ng relasyon natin. Engaged na rin tayo, hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin ready?"
Moderna nang manamit at mag-isip sa lahat ng bagay si Jane. Pero pagdating sa intimacy ay makaluma at konserbatibo pa rin ang pananaw niya, pero hindi naman siya prude at naive. They had been in that situation countless times. Hindi naman siya nangangarap na maging virgin bride. Talaga lang matibay ang self–control niya at hindi pa siya handa sa consequences na puwedeng mangyari kapag ipinagkaloob na niya ang sarili sa nobyo. She was lucky that Paolo was always in control and respect her.
BINABASA MO ANG
Stuck With Me - Published under PHR
RomanceMy First Published Novel under Precious Heart Romances. "Walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka." Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasab...