Chapter Seven

5.7K 114 0
                                    


"ANONG hindi ka makakauwi? Paolo, anniversary natin ngayon," galit at mataas ang tinig na paalala ni Jane.

"I never forget. Pero importante ang trabaho ko rito, Jane. Hindi ako puwedeng umalis," katwiran nito.

"Mas importante pa ba sa sixth anniversary natin?"

"Jane, please intindihin mo naman ako. Puwede naman tayong mag-celebrate ng anniversary natin pagbalik ko. I'm really sorry. I'll just make -"

"Bahala ka!" Hindi na pinatapos ni Jane ang sinasabi ni Paolo at pinatayan na ito ng telepono. She was really pissed off and disappointed. Madali lang sana niyang maiintindihan ang sitwasyon nito kung tumupad ito sa ipinangako sa kanya.

Mahigit dalawang buwan na sa Bicol si Paolo pero dalawang beses lang itong lumuwas sa Maynila para magkita sila at dalawang araw lang itong nagtagal at umalis uli. Halos hindi rin sila nakakapag-usap sa telepono dahil mahina ang signal sa construction site kung saan namamalagi si Paolo.

Tuloy ay hindi niya maiwasang mag-alala ni Jane sa kanyang nobyo. Batid niyang nami-miss lang niya ito nang sobra kaya siya nagkakaganoon at umaaktong irrational. Kung tutuusin, dapat ay sanay na siya. Noong mga unang taon ng relasyon nila at hindi pa ito department head si Paolo ay ilang beses na rin itong nadestino sa malalayong lugar, at siya naman ay nagtrabaho sa Seattle at matagal din bago sila muling nagkita.

Nanibago lang talaga siya nang husto sa sitwasyon nila, idagdag pa na hindi na rin sila lumabas nina Kate at Trisha dahil mas priyoridad na ng mga ito ang kanya-kanyang pamilya. Ang mga magulang naman niya, kung hindi pa siya ang bibisita sa Palawan o kinakailangang lumuwas ng mga ito sa Maynila ay hindi pa sila magkikita. At ang mga kapatid niya ay busy rin at halos hindi sila nagkakatagpo sa kanilang bahay. She was suddenly felt left alone kaya ganoon na lang ang inis niya kay Paolo.

Pagkalipas ng isang oras ay isang malaki at napakagandang flower arrangement na may kasamang mga balloons ang dumating sa opisina ni Jane. Siyempre pa ay padala iyon ni Paolo. Kahit papaano ay nabawasan ang inis niya at napasaya siya nito. But she needed his presence more than anything else. Nang subukan niyang tawagan si Paolo upang mag-sorry at magpasalamat ay hindi na naman niya ma-contact ang cell phone nito. Tuloy ay bumalik ang inis niya sa nobyo.

"JANE, makakarating ba si Paolo sa wedding ni Gabe bukas?"

"Malay ko sa kanya," nakasimangot na tugon ni Jane kay Kate habang nakatingin siya sa inilalagay na nail polish sa kanyang kuko sa paa ng manicurist ni Trudis. Naroon sila sa loob ng silid niya kasama si Trudis at dalawa pang staff na kasalukuyan ding nagpe-pedicure kina Trisha at Kate.

Inaanak ng mommy ni Jane si Trudis at malapit sa barkada nila. Miyembro ito ng third sex at pag-aari ang maraming branch ng kilalang salon na nagkalat sa buong Pilipinas. Nagpapaganda sila para sa kasal ni Gabe sa susunod na araw. Actually, lahat ng beautician ng isang branch ng salon ni Trudis ay nasa bahay nila dahil nagpapaganda rin at nagpapaguwapo ang halos lahat ng miyembro ng barkada nila at nagkalat ang mga ito sa buong kabahayan. Doon na rin matutulog sa kanila ang karamihan para sabay-sabay na magtungo sa simbahan bukas.

"Hindi mo alam?"kunot–noong tanong ni Trisha. "Hindi ba kayo nag-uusap sa phone?"

"Ilang beses pa lang dahil mahirap makahanap ng signal sa site nila."

"Gaano na nga katagal si Paolo sa Bicol, Jane?" tanong ni Kate na nagtaas ng tingin mula sa hawak na cell phone.

"Almost three months at parang wala na siyang balak na bumalik dito."

Stuck With Me - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon