NAG-ALALANG kaagad na nagtungo si Jane sa St. Francis General Hospital matapos makatanggap ng tawag sa isang isang police officer. Ayon sa pulis ay naaksidente ang kapatid niyang si Janine. Bumangga sa sinusundang kotse ang kotse ni Janine matapos banggain ng nakasunod ditong sasakyan.
Conscious at nasa loob ng isang cubicle sa Emergency Room si Janine nang dumating si Jane. Kasama ng kapatid niya ang isang doctor at isang nurse, at nilalagyan ng doktor ng cast ang kaliwang braso ni Janine. Ayon sa doktor ay ligtas naman ang kapatid niya. Negative ang resulta ng mga tests na isinagawa rito subalit nagkaroon ito ng maliit na sugat sa ulo, mga pasa at galos sa katawan.
Nakahinga nang maluwag si Jane at nagpasalamat sa Diyos sa nalaman. Gayumpaman ay kailangan pa rin i-admit si Jane para obserbahan.
Nailipat na hospital suite si Janine at nagpapahinga nang dumating si Paolo kasama si Anthony. Janine and Anthony were close. Parehong sa iisang medical school nag-aaral ang dalawa. She was glad they came even she didn't phone them. Marahil ay si BJ ang nagbalita kina Paolo at Anthony dahil ito lang naman ang tinawagan niya kanina at inutusan na rin na magbalita sa mga magulang nila ng nangyari kay Janine. Nasa resort din nila sa Palawan si Justin at nagbabakasyon.
Nang ngitian si Jane ni Paolo ay hindi na niya napigilan ang sarili na yumakap sa nobyo. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito mula sa Cebu. Niyaya niya itong lumabas upang makapag-usap sila.
"I'm really sorry, Jane," sabi ni Paolo nang makaupo sila sa sofa ng deserted reception area ng palapag na iyon. "I don't know what happened to me that night, it's just ..." Napabuntong–hininga muna ito bago nagpatuloy. "Promise, hindi na talaga 'yon mauulit. I've missed you, nahihirapan na talaga ako sa pambabale-wala mo sa akin. Please forgive me."
Pigil na pigil ang ngiti sa mga labi ni Jane habang pinagmamasdan si Paolo. He was so cute. Ang amo ng mukha nito na tulad ng isang angel. Naniniwala siyang sincere ang kanyang nobyo sa paghingi ng tawad at hindi na talaga ito uulit.
"Okay, you're forgiven," nakangiting deklara niya.
"Talaga?" tila hindi makapaniwalang sabi pa ni Paolo.
"Oo sabi."
"Yes! Yes! I love you so much, honey." Mabilis siya nitong niyakap. Gumanti rin siya nang mas mahigpit na yakap.
"I love you, too. I've missed you," pag-amin niya.
"I've missed you more."
Nang magbitiw sila ay inangkin ni Paolo ang mga labi ni Jane. Kaagad namang tumugon si Jane sa halik. Masaya pa silang lumabas ng ospital upang bumili ng pagkain at inumin bago nagbalik sa hospital suite ni Janine.
"REALLY, si Anthony at Janine na?" amused na sabi ni Kate nang ikuwento rito ni Jane ang nalaman nila ni Paolo tungkol sa kanilang mga kapatid.
It was Friday. Hindi pumasok sa trabaho si Jane at sinamahang mag-shopping si Kate ng maternity dress at ilang gamit ng magiging pamangkin niya. Almost five months na ang ipinagbubuntis ng cousin-in-law niya.
"Yes, magkasamang silang nagtapat sa amin ni Paolo kagabi lang. Nagulat nga kami. Hindi namin alam na nagkaka-developan na pala ang mga kapatid namin," kuwento pa niya habang tinutulak ang pushcart na naglalaman ng mga nagustuhang baby dresses ni Kate.
"Eh, 'di ba nga pagkatapos maaksidente ni Janine hatid-sundo na siya ni Anthony sa ospital at sa university. Baka dati na silang nagkakagustuhan, ngayon lang nila inamin."
"I think so."
"And how do you feel about it? Ano'ng sabi ni Paolo?" tanong pa ni Kate.
BINABASA MO ANG
Stuck With Me - Published under PHR
RomanceMy First Published Novel under Precious Heart Romances. "Walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka." Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasab...