Chapter Twelve

12.6K 258 22
                                    

NAGMULAT ng mga mata si Paolo. Nagisnan niya ang sariling nakahinga sa isang malaki at malambot na kama sa isang marangyang silid. Naka-medyas pa siya at suot pa niya ang faded jeans at polo shirt na natatandaan niyang suot niya kagabi.

Disorient na inilibot niya ang tingin sa paligid. Bahagya pang nanakit ang ulo niya dahil sa nainom kagabi. Napakunot-noo siya nang hindi niya maalala kung nasaang silid siya o kaninong bahay siya naroroon. Gayumpaman ay pamilyar sa kanya ang istruktura ng silid. Marahil ay nasa bahay siya nang isa sa mga kaibigan niya.

Napaupo si Paolo sa kama habang inaalala sa isip ang nangyari kagabi. Dalawang araw siyang nagkulong sa condo unit niya at hindi rin siya pumasok sa trabaho dahil pinagkaabalahan niyang tapusin ang disenyo ng sports club center na balak ipatayo ng mga magulang nila ni Ken at ng iba pang kaibigan ng mga ito. Ilang araw na rin niyang iniiwasan ang lahat. Hindi niya binabasa ang mga text o sinasagot ang mga tawag sa cell phone kahit pa mula sa kanyang pamilya dahil batid niyang uusisian lang siya ng mga ito sa ginawa niyang pakikipaghiwalay kay Jane.

Gabi na nang matapos si Paolo at naisipang magtungo sa Friend Jungle Bar and Restaurant para mag-relax. Ilang minuto na siyang nakaupo sa harap ng bar counter nang lapitan siya ni Miakka. She flirted with him again pero wala siyang balak patulan ang babae. Nagulat na lang siya nang mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Jane at tinarayan si Miakka dahilan upang umalis ito.

Hinarap siya ni Jane at muli siyang nagulat nang marubdob siya nitong halikan. Halos kapusin na siya ng hininga nang bitiwan siya nito. When she kissed him again and encouraged him to kiss her back, she broke the kiss and left before he could even respond.

Hahabulin sana ni Paolo si Jane nang biglang tumunog ang cell phone niya. Sandali siyang nakipag-usap sa engineer ng bagong project ng Builders at nang lumingon siya ay si Fran ang nakita niya. Inanyayahan siya nitong sumama table ng mga kaibigan nila na kasama pala ni Jane nang gabing iyon. Dahil batid niyang nakaalis na si Jane ay naki-join siya sa mga ito.

Madaling-araw na nang maghiwa-hiwalay sila. Pero maaga pa nang nauna nang umalis si Anthony dahil susunduin pa nito si Janine sa ospital.

At katulad ng madalas mangyari sa kanya ng mga nakaraang araw ay nalasing na naman si Paolo. Naalala pa niyang muntik na siyang mag-walk out nang buksan ni Lance ang topic ng tungkol sa paghihiwalay nila ni Jane. Pinigilan lang siya nina Ethan at mabilis na iniba na ang topic. As much as possible, ayaw na niyang pag-usapan pa iyon. He had decided to end up his long time relationship with Jane. Sana tanggapin na lang ng lahat ang desisyon niya. Hindi na niya alam kung sino ang nag-uwi ng kotse niya. Pero sigurado siyang sa kotse ni Fran siya sumakay kasama si Francine.

Nagpasya si Paolo na bumangon na. Shower at matapang na kape lang ang kailangan niya at magiging okay na siya. Sa kanyang pagtayo ay humawak siya sa bedside table at hindi sinasadyang natabig niya ang picture frame na nakapatong doon. Muntik nang mabasag ang frame kung hindi niya mabilis na nasalo.

Ganoon na lamang ang panggigilalas niya nang makita ang kanyang mukha at ni Jane sa picture frame. Kapwa sila nakangiti; hubad-baro siya at naka-sleeveless top naman ang dalaga. Natatandaan niyang kuha ang larawang iyon sa isang resort sa Camariñes Sur nang isama niya si Jane sa Bicol.

May kung anong humaplos sa dibdib niya habang nakatingin sa magandang mukha at nagniningning na asul na mga mata ni Jane. Noon niya napagtanto kung gaano siya nangungulila rito. Nagbalik sa isip niya ang sinabi nito kagabi bago siya hinalikan nito.

"I'm still your fiancée, Paolo. Hindi ako makapapayag na basta mo na lang akong hihiwalayan."

Mapait na ngumiti siya. Base sa ikinilos ni Jane kagabi, masasabi niyang mahal na mahal talaga siya nito at ayaw nitong mawala siya. Yes, she loved him, no doubt about that. But not enough to marry him. Iyon ang mapait na katotohanan na kailangan niyang tanggapin.

Stuck With Me - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon