Gusto mo ba'ng mag'abroad?
Kahit sino ang tanungin mo malamang ang sagot "Oo". Walang aayaw sa ganitong pagkakataon kapag napagbigyan ka. Isang malaking hakbang para makamit ang mga pangarap ng isang tao. Bakit nga ba hindi? Baka sakali. Malay mo. Bukas. Aalis ka na pala.
Mas pipiliin mo nga namang lumipad sa kung saan mang destinasyon makaalis lang ng pilipinas.
Bakit? Madaming dahilan para mamalagi ka sa lupang sinilangan ngunit isang dahilan lang ang katapat niyan para mapag'isip isip mong layasan ang bansang iniibig mo ng lubusan, ang "KAHIRAPAN".
Kahit anu mang anggulo mo tingnan at pag'aralan ang mga aspeto at pananaw ng isang OFW. Hindi natin sila maiintindihan kung di mo susubukan mangingbang bansa din.
Sumiklab man ang kaguluhan sa dayuhang lugar na kinalalagyan ng mga kapwa natin pilipino. Magkabombahan man ang mga nagaaway na magkabilang partido sa bansang na pinili nilang pagsilbihan. O sa madaling salita kahit ikamatay pa nila ang pagtratrabaho doon hindi mo sila basta basta mapapauwe ng ating bansa. Kahit libre pa ng gobyerno ang shuttle service niyo pag'uwe. Hind sila basta basta uuwe. Not unless na nakatakas lang sila sa mga kamay ng mga bandito.
Bakit nga ba? Ganun na ba katindi ang kahirapan sa pilipinas? At parang mas matindi pa sa mga bomba, armas, o anumang kaguluhan para ipagpalit ang kanilang kaligtasan h'wag lang maranasan ang hagupit ng sikmura ng tiyan. Mas matindi na ba ang pinsala ng poverty kaysa mga bomba atomika? Mukha nga. Sa kirot pa lang ng tiyan na mararanasan mas masahol ka pa sa binombang hirosyima o nagasaki noong World war II.
Ganito na kasigla at kayabong ang kahirapan ng ating bansa. Na kahit ultimo kamatayan ay yayakapin ng mga kapwa natin magkaroon lang ng magandang kinabukasan ang mga pamilyang naiwan nila.
Ika nga, ayon sa akin, "There is no greater WAR than POVERTY."
Mahirap makipaglaban sa nangangalit ng sikmura ng tiyan. Mahirap makipagtalo sa dinadaing ng katawan. Hindi ko sinasabing naging matagumpay ako sa bawat sinuong ko pakikidigma laban sa kahirapan dahil hanggang ngayon ay isa pa rin akong maralita.
Minsan ko na ding ninais na mangibang bansa. Naisakatuparan ko na nga ito. Abot kamay ko na sana ang magandang kapalaran sa lupain Kimchi pero may mga bagay na di umayon sa pagpunta ko sa dayuhang lugar. Nabigo ako, at di lang ilang milyong beses akong nabigo sa bawat tinahak kong direksyon. Ngunit masasabi kong ang pangingibang bansa ang pinakamalaking kabiguan na aking natamo at alam kong madami pang kabiguan ang kasunod nito. Kung anu man yun, saka ko na ito panghihinayangan.
Sa ngayon, kung tatanungin ako? Oo, nakakapanghinayang pero ganoon talaga. May mga bagay na di nakalaan para sa akin. I'm just looking on the positive side and as well think that everything happens for a reason. Magandang pampalubag at pampaluwag ng loob di'ba?
Madami akong natutunan sa sasaglit na panahon na nasa lugar ako na iyon. Mga pakiramdam. Kaisipan. Pananaw. Dahilan. Paraan. Lahat bumagsak sa akin gang sa di ko kinaya. Naging mabigat ang trabaho. Iba sa inaasahan ko. Di kinaya ng katawan ko. Sumuko ako. Madami ako natutunan. Binaon gang sa paguwe ko sa Pinas. Tinaga ko sa isip ko ang lahat ng hindi ko makalimutan. Ngayon, araw araw ko naiisip ang mga nangyari sa akin sa ibang bansa. Nagtatanong ang pagkatao pero di ako nawalan ng pagasa na makakaalis muli at magiging maganda ang aking mapupuntahan.
Sabi nila...
Sa iyong pangingibang bansa napakadali ihanda ng mga gamit na dadalhin mo pero bago mo ihanda ang maleta mo magisip ang tanungin kung handa na ba ang sarili mo.
--------------------------------------------------------------------------------------
Komento. Boto. Salamat.

BINABASA MO ANG
"RESUME" Trabaho.Sweldo.Endo
Non-FictionPopulation > Work = Millions of unemployed Pinoys. Saksihan ang mga iba't ibang trabaho, taong may trabaho, trabaho ng mga walang trabaho, at kung paano nila winawaldas ang sweldo.