Preso ka.

57 2 0
                                    

"Ang lugar-trabaho ay para sa mga handang mamatay at pumatay."


Lumipas ang kumulang 2 taon nanatili ako sa kaisa isang trabahong tumagal ako. Hindi ko rin alam kung paano nangyari pero ang alam ko lang ay tumagal ako dahil marami pa akong hindi alam.

Sa estado ng kumpanyang pinapasukan ko ngayon, delikado. Delikado dahil nauuso na ang pagpa'power trip ng mga nakakataas. Delikado dahil bawat galaw mo binabantayan. Nasa bingit ng kamatayan ang bawat empleyado.

Naranasan mo na ba ang maging isang bulate na binudburan ng asin?

Ganyan ang itsura mo kapag pinagtripan ka ng mga nakakataas. Wala kang magagawa kundi mangisay na lang.

Sa mga ganitong sitwasyon parang wala ng solusyon kundi sumabay ka na lang sa agos dahil kung pipigilan at kokontrahin mo parang sinabi mo na ring magreresign ka na.

Hindi naman lingid sa atin na nangyayari ito sa ating mga trabaho. Ang mga ganitong tagpo ay normal at natural na lamang sa iilan sa atin.

May kanya kanyang dahilan kung bakit sa mga espisipikong empleyado ito itinadhanang mangyari. Kung kabilang ka dito, bigti na. Now na!!!.

Sa update na to nag'imbita tayo ng isang panauhin na may katulad na karanasan sa kamay ng malulupit at mga insekyorang boss.

Ayon sa kanya, may listahan kung bakit may ganitong stage ng buhay sa workplace.

Ito ang mga gawain na dapat nating iwaksi para hindi maging kabilang sa mga manlalaro ng Game of death sa Workplace.

*Huwag masyadong talentado.

Iwasan ang pagiging masyadong bibo o biba sa workplace. It is safer to be on the entry level talent. Ma'iimbierna sayo yung nasa taas kung masyado kang pakitang gilas. Mainit sa mata ang ganitong work mode.

Mas magandang gumawa o magtrabaho ng sapat lamang para hindi ka nila gawing bulate na binudburan ng asin.

*Iwasan ang maging malapit sa mga boss.

May ibang dating kasi ito hindi lang sa ibang tao pati na rin sa mga kasama mo sa trabaho.

Unang una may tendency na magmukha kang feelingero na close na kayo na boss mo o hindi kaya maisip isip nilang na inaakala mo ay wala ng boundary sa iyo at boss mo at pwede ka na makisawsaw sa lahat ng usapan. Always be cautious as well with the things you say around them baka kasi ma' misinterpret nila.

At kapag pakiramdam nila na masyado ka ng at ease medyo nasagi muna yung thin line ng boundary niyo. Bigti ang aabutin mo.

Uminom ng Memo plus para bumalik ang memorya at matandaan mong hindi sila kaibigan o kabarkada sa loob ng opisina.

*Wag magbalatuba.

Madalas sa atin ang magpakitang gilas kapag may mga nakaharap ng mga boss at kapag wala sila ay panay pagpapahinga ang ginagawa natin. Halata naman na kahit sino sa atin ay nagkasala na sa ganitong gawain.

Pero dadating ang pagkakataon na mabubulingkong kang unggoy ka sa ganitong gawain kaya hanggat maaga tigilan na. Maging produktibo sa loob ng opisina para mas maraming matutunan.

Upang maging produktibo at hindi maisip na magbalatuba ay itaktak sa isip na binabayaran ng kumpanya para kumilos at hindi nagbabakasyon para magrelax. Mainam rin na kumain ng spinach para hindi lalamya lamya.

*Wag isiping unevictable ka.

Hindi ka si Vice ganda. Laging itatak sa kukote na anumang kilos ay may katumbas na IR or kung anu pa mang report o warning at kapag nakaipon ka na ng sapat na report. Ito ang magiging ticket pabalik sa HR kung san ka unang nagpunta nung ikaw pa ay nagaaply sa kumpanya mo.

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon