DecemPerks

66 2 0
                                    

Disyembre na nga pala. Ibig sabihin malapit ng matapos ang taon. Huling yugto na nang pakikipagbuno sa krisis sa taon.

Ano kaya ang nakalaan sa atin sa susunod na taon?

Ops. Ops. Ops.  Steady ka lang diyan. Bago mo isipin ang susunod na taon may biyaya ka pang matatanggap ngayong buwan. Dahil magpapasko na e marami sa atin ngayon ang masaya lalo na yung may mga trabaho. Congrats. May mga naisip na ba kayong bibilhin sa mga matatanggap nyo.

Bago natin tapusin ang paghihirap natin sa taon na ito. May isang bagay na dapat kang ikasaya ng lubos at karapat dapat na ipagpasalamat sa lumikha. Dahil sa matinding pagpupunyagi mo sa loob ng labin'dalawang buwan ay naisip din ng kumpanya mo na pabuyaan ka.

The 13th month pay.

Isang buong buwan na sahod. Kung mayroon mang inaasam ang bawat manggagawa sa buwan ng disyembre, ito na yun. Para ka na ring nagtrabaho ng labing tatlong buwan sa loob ng isang taon. Akalain mo yun. Isang malaking bagay na mabigyang pansin ng kumpanya mo ang pagsisipag at pagtiya'tiyaga mo sa kanila kahit parehas kayong di magkaunawaan dahil sa dami ng nirereklamo mo sa kanila na sa kasamaang palad e kahit saang trabaho ka man magpunta ay hindi mawawala ang mga pagkukulang nila. Natural na ang mga problema na ito tulad na lang ng maling pagpapasahod, late na sahod, O.T.T.Y., no increase o kahit anu pa man na pwede nating masilip sa kanila pero kahit ganun pa man e babawiin nila lahat ng kanilang pagkukulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng 13th month pay, oh db? Resolba na lahat ng reklamo. Kaso late pa din ang pagbibigay nito. Yung tipong kinabukasan e bisperas na ng pasko kaya urat na urat ka pa din but on the brighter side masarap pa din sa pakiramdam makatanggap ng salapi.

At kung di ka pa nakuntento dyan e stay put and steady pulso ka lang cause there's more. Ang BONUS.

( Credits to Aegis )

Kaya't ibigay nyo na!!!

Sa aming ang christmas bonus.

Pati na 13th month pay.

Para lahat okay na okay.

Ganun din. Isang buong buwang sahod din. Ang bonus ay parang pwidi pero dipindi. Pwidi kung maganda ang tinakbo ng kumpanya sa loob ng taon. Dipindi sa kumpanya kung magbibigay sila kahit maganda ang tinakbo ng kumpanya sa loob ng taon.

Ngayon pa lang ako nakaranas ng 13th month pay. Sarap sa feeling kahit puchoo puchoo lang. Kahit dumaan lang siya sa palad ko. Fulfilling pa din.

Madaming mayaman kapag buwan ng december. Hindi naman maiiwasan e, minsan lang kasi sa isang taon. Kaya keri lang. Minsan lang naman magwaldas e. Db?

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon