"Manong, kung sasakay yan paparahin ka niyan."
Madalas kong sabihin sa tsuper yan sa tuwing bibiyahe ako papasok sa trabaho. Minsan gusto ko ng samahan ng "P*+@ng In@" para ipagdudulan kay manong na late na ako sa trabaho.
Pero hindi pwedeng irason sa tsuper yan dahil naghahanapbuhay din sila. Hindi lang ikaw ang anak ng diyos.
Kung pwede lang sabihin na "Pakibilisan kasi mahuhuli na po ako sa trabaho" pero mga iha't iho that's a no no.
Hindi ko mawari bakit bawat kanto ay kailangan nilang hintuan o bakit bawat taong makikita nila ay kailangan nilang alukin ng ruta nila.
"Baclaran tambo, baclaran coastal. Sucat, Lawton. Cubao ibabaw at Cubao ilalim."
Ni aninag ng taong lalabas sa bawat eskinita at kanto ay aabangan nila mapuno lang.
Naisip ko na iba na ang crisis sa bansa. Lubog na ang tao sa desperasyon na kumita ng pera.
Wala na rin pakialam ang driver kahit sino maisakay nila.
Paalala : Mga chikiting iwasan natin sumakay sa mga ganitong sasakyan. Nakakamatay.......
ng pasensya at dignidad. Please lang.
Karaniwan sa loob ng pampasaherong sasakyan ang mga kinaiinisan mong sitwasyon at tao.
Unang una sa lahat ay ang mga taong dedma lang sa pagaabot ng bayad. Yung animo'y napuno na ng tutule yung tenga nila na kahit ilang ulit mong sabihin at i'max ang volume ng boses mo ay wala silang pake. Kahit pa nakatapat na sa peslak nila yung kamay mo. Wala sila ni katiting na pakialam sa kamay mong pilit nagmamakaawa na iabot ang bayad mo.
Yung tipong parang logo ng basic phone na Nokia na kapag in'on mo yung dalawang kamay na magaabot pero yung kamay mo at kamay ng driver ay naka'hang lang kasi walang paki ang mga kasama mo sa Jeep na iabot ang bayad mo. Kainis d'ba? Kahit mangalit pa yang mga ugat mo kung walang alam sa pakikipagkapwa-tao ang kasama mo sa jeep, asa ka pa.
Sa mga ganitong sitwasyon. Ang tanging sulosyon ay iabot ang sarili mong bayad at pagkatapos magpasalamat ka. Doon mo makukuha ang atensyon ng taong walang pake dahil mararamdaman niya ang sarkastiko tawag pansin ng pasasalamat mo. Sabay ngiti sa kanya at ang ang ibabalik niya sayo ay flatline na tingin.
Paalala : Mga chikiting h'wag po natin tularan ang mga ganitong kawalang hiyaan sa loob ng kahit anung pampasaherong sasakyan."
Isa pa sa imbiernang totoong sa pampasaherong jeep ay ang mga pasaherong akala mo ay umarkila ng sasakyan kung makaupo. Habang nagsasakripisyo ang lahat para lang makarating sa kani'kanilang destinasyon. Ipit ipit ang mga nasa pagitan na kanilang mga hita para lang hindi makaperwisyo ng iba. Siya lang ang makikita mo na mistulang naka'VIP treatment sa lahat. Nakabukaka na parang pinapahanginan ang kung anuman ang nasa pagitan ng hita nila. Nasa kanila ang lahat ng kakumportablehan sa mundo.
Sa mga ganitong sitwasyon may paraan upang tablan sila ng konting hiya at magkaroon ng delicadeza de puta.
Subukan na maglitanya sa loob ng jeep na dapat Php3.50 lang ang ibinayad mo o kalahati lamang ng bayad mo dahil isang pisngi lamang ng puwet mo ang nakaupo. Makikita mo ang hustisya pagkatapos sabihin ito at makikita mo rin ang paglambot ng matitigas na mukha ng mga taong gumagawa nito.
Paalala : Mga chikiting Ang mga ganitong gawain ay isa sa mga problema ng bansa, ang kakapalan ng mukha. Wag natin tularan para umunlad ang bansa.
Isa pa sa mga kinaaayawan natin sa Jeep ay ang mga taong sasakay at pilit isisiksik ang sarili sa bukana ng babaan. Yung iuuwang yung puwet nila sa tapat ng mukha mo hanggang sa malibadbadran ka at wala na lang magawa kundi ang umusog para magparaya.

BINABASA MO ANG
"RESUME" Trabaho.Sweldo.Endo
NonfiksiPopulation > Work = Millions of unemployed Pinoys. Saksihan ang mga iba't ibang trabaho, taong may trabaho, trabaho ng mga walang trabaho, at kung paano nila winawaldas ang sweldo.