Mayahirap man.

87 4 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nagsusulat ako ng ganito.

Pero di ko man alam ang dahilan.

Isa ito sa bumabagabag sa estado ng pamumuhay ko.

Kung may pagkukulang ang nasa gobyerno. Huwag mong isiping sila lang ang may sala. Pagkat tayo din ay may ambag sa kalagayan ng bansa.

Minsan naisip ko nang huminto sa paghabol sa mga munting pangarap ko. Sa bawat kabiguan na natatanggap ko pinanghihinaan ako ng loob.

Pero ano na lang ang mangyayari kung pati pangarap ko ay tatanggalin ko. Mawawala na rin pati konting pagasa na balang araw ay makakaupo ako sa isang malambot na sofa habang may hawak na pizza, de latang softdrinks at nanonood ng pelikula sa aking mini theatre.

Wow sa pakiramdam!

Para ka lang uminom ng malamig na tubig sa kalagitnaan ng mainit na araw. Refreshing.

Sa ngayon, magtitiis muna ako sa kung anung meron ako.

Nakaupo sa monoblock na sofa.

Habang kumakain ng hinging food trip sa kakilala. Softdrinks na halagang six pesos. Habang nanonood sa tv naming mas madalas pa kumurap sa mata ko.

Wow sarap sa pakiramdam.

Para ka lang uminom ng malamig na tubig na galing sa gripo sa kalagitnaan ng mainit na araw at walang electric fan. Nakakacholera at diarrhea.

"Kung ikukumpara mo magagawa mo din ang ginagawa ng maluluhong mayaman sa pinakasimpleng paraan nga lang."

Mayaman = Mahirap.

Hey! My daddy bought me the latest sony portable playstation (PSVita). Gift niya sa akin dahil i'll graduate na in elementary. Too bad he wont be able to come im my graduation day.

Pati si mommy hindi din makakapunta. They are too busy in our business.

Kasama ko lang ay si Yaya at yung Driver. After non, Uwi sa bahay diretso sa bedroom ko.

Lalaruin ko yung Gift ni daddy.

Walang regalo si tatay sa akin. Binilhan lang nila ako ng sampaguita. Kala ko nga para sa santo sa bahay dahil dininig na yung dasal nila na makatapos ako ng elementarya.

Isasabit nila sa akin pagakyat ko ng stage..

Pagkatapos nun kakain raw kami sa labas.

Labas ng bahay. Nagluto raw si nanay ng mga paborito kong pagkain. Si tatay naman inimbitahan ang mga ninong ko magiinuman raw sila at ipagpupunyagi ang munting nakamit ko.

Pareho silang pupunta sa araw na yun. Kumpleto ang pamilya.

Pahiramin mo na lang ako ng PSVita mo aa.

Sa mayayaman pinupunan nila ang pagkukulang nila sa pamamagitan ng mga materyal na bagay na maibibigay nila.

Todo sa pagpapayaman. Abala sa pagpapalago. Di na nagkakaroon ng family image.

Sa mahihirap, konting tagumpay lang ang makamit ng anak halos ipagsigawan ng magulang sa buong barangay.

Kung pwede nga lang nila ipaadvertise sa radyo, tv, dyaryo gagawin nila. Pero sigurado sa Social networking sites nakapost yan.

Sabihin mang mababaw ang mga bagay na ito. Nakakatulong ito sa pagbuo ng isang magandang samahan ng pamilya.

Natutukan ang bawat isa. Walang dapat punan na pagkukulang na pagmamahal maliban sa kakulangang pinansyal. Masaya pa din kahit kapos at hikahos.

Oo. Ang pera ang nagpapaikot sa mundo. Ang pera ang sagot sa karamihan ng problema natin.

Pero di pera ang nagpapasaya ng bawat isa sa atin.

kaya nga. Ang pera ay may tao at ang tao walang pera.

Nakukuha pa ring maging masaya ng taong mahirap.

Taong mahirap lang ang nagsasabi ng "Eto'ng piso. Bumili ka ng kausap mo." Kapag di niya gusto ang isang tao.

Samantalang sa mayayaman.

"Eto'ng limang libo. Itumba mo si ganito."

May tinituro sa atin ang pera.

Kadalasan kasamaan ang natutunan natin.

Kung papipiliin ang mahirap. Gugustuhin niyang maging mayaman pero may langit pa din siyang madadama sa kahirapan.

Kung mayaman ka. Hindi mo gugustuhing maghirap.

Impyerno para sayo ang langit nila.

Di mo nanaisin tumuntong s lupang tinutungtungan nila.

Madami ang pinagkaiba ng dalawang panig. Madaming bagay din ang ipinagkapareho pero iba pinupunto. Depende na lang kung paano mo tratatatuhin ito.

Parehong may langit pero magkaiba ang itsura.

Parehong may impyerno pero para sa mahirap pwede nilang ituring na langit ang impyerno.

A/N...

Boto, Komento ang kailangan ko.

Wag kang puro basa.

Maging tagasubaybay ka.

Wag kang mamilit na magupdate ako ng wala sa panahon.

Kailangan ko muna ng katahimikan.

Sa banyo pinakatahimik. Hindi naman ako pwedeng magkuta doon.

Salamat!

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon