Regularization. Yes!

31 2 0
                                    


Tumagal din ako sa huli kong pinasukan na trabaho (sa awa ng diyos). Hindi ko man inaasahan na aabot ako sa ganitong tagpo e kahit papaano napagtiyagaan ko pa din na manatili o dapat ko bang sabihing napagtiyagaan ako ng kumpanyang pinasukan ko. No choicena siguro sila.

Basta alam ko perpekto ako sa ganitong uri ng trabaho. Kabisado ko na ang opening at closing spiel. Lagyan ko lang ng konting Okay and all right; yes or no. Budbod ng slang at accent. Englishero na ako.

Lumagpas ako ng anim na buwan sa pakikipagpatintero sa fuck you at bullshit ng mga kano. At sa walang patumanggang pagtanggap sa diskriminasyon na gusto nilang kumausap ng ahenteng tagalugar nila. Ang sarap sa una na mapakinggan na galit na galit sila sa kabila ng linya.

Sa di ko mawari waring dahilan ay naramdaman kong (parang) pangpropesyunal na ang napasukang kong kumpanya. Ngunit, sa pagdaan ng panahon napagtanto ko ang mga bagay kung bakit halos sa karamihan ay nagtiyatiyagang magtagal sa kani kanilang trabaho.

Anu nga ba ang rason para manatili at pinipilit mong lumagpas sa anim na buwan.

*Permanenteng trabaho.

Sa kabila kabilang pagaanunsyo sa telebisyon na sapat ang trabaho sa ating bansa ang taas pa rin ng unemployment rate ng mahal nating bayan.

Madami pa rin sa ating ang propesyunal na holdaper, snatcher, akyat bahay, scammer. Miyembro ng budol budol, salisi atbp. Kung itatantos natin mas marami pa ring walang trabaho.

" Kahit anung dami ng trabaho sa bansa kung hindi naman kwalipikado ang isang tao mananatili pa rin itong isang bakanteng posisyon."

Walang kumpanya ang tatanggap kung isa ka dati sa mga propesyon na nabaggit sa taas. Walang magtitiwala sayo. Walang tsansa na ibibigay sayo para kumita ka ng marangal.

Malayo ang estado ng pinas sa ibang bansa dahil sa kanila kahit papano binibigyan ng pagkakataon ang isang tao. Anu pa man ang nagawa mo sa nakaraan. Kita mo. Kahit papaano.

Kahit papano pinagkakatiwalaan yung tao na kung ikukumpara mo sa atin na walang kahit papaano.

"Manatili ka na lang na propesyunal sa sarili mong paraan."

* Facility and vicinity.

masarap magtrabaho kapag lahat ng kailangan mo ay provided ng kumpanya.

Halos lahat nandoon na. Libreng kape, wifi, recreational room, court, gym, pantry, atbp.

Pakiramdam ko heaven na. Sana. Eto na ba ang kahit papano ko? Sana.



"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon