Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pakikibaka sa teleserye ng totoong buhay.
In short, bagong simula.
Saan ka ba naihatid ng nakaraang taon?
Ano ang sinakyan mo para makarating sa taon na ito?
Anong bago sayo nang bumaba ka sa sinakyan mo nung nakaraang taon?
Naging mabagal ba ang pag'andar ng auto mo? O katamtaman lang? Naging rollercoaster ba ang buhay mo para marating ang sumunod na yugto?
Anu ang bagong sisimulan mo?
Andaming tanong. Madaming sagot. Ang importante lang naman e naging masaya ka ba na narating mo ang sumunod na taon?
Kung Oo. Magsimula ka ulet ng bagong pagtatagumpayan. Dagdagan mo pa ang mga karangalan at kaunlaran na natamasa mo. Alam mo na ang mga sangkap para tapusin ang taon na ito na may bago kang mapapala at may bago kang sisimulan.
Hindi ka na magkakamali sa bawat hakbang na gagawin mo kasi alam mo na kung paano patakbuhin ang pinakamalaking kumpanya mo. Ang buhay mo. Alam mo na kung paano hahawakan ang manibela at kambyo. Alam mo na kung kelan ka pepreno. Dahil diyan. Bilib ako sayo. Saludo.
Kung medyo medyo lang. Huwag kang malungkot kaibigan. Alam kong ginawa mo'ng lahat ng paraan medyo nabitin nga lang. Nagalinlangan ka pa kasi. Umabante ka kung aabante ka. Wag kang magdalawang isip at wag mo masyadong isipin ang pangit na kalalabasan ng mga hakbang. Lumingon ka sa magandang bahagi para di ka mabahala sa mga di magandang kalalabasan.
May maunlad kang patutunguhan kaya may masisimulan ka pa din sa pagpasok ng taon na ito. Ngayon alam mo na ang sangkap sa pagpapatakbo ng malaking kumpanya mo. Konting sipag at tiyaga pa ang makikita mo ang kumukulo at umuusok mong nilaga. Makakahigop ka na ng mainit init na sabaw ng buhay. Pagpapawisan ka rin.
Kung hindi naman at medyo naging mabagal ang iyong pag'andar, huwag ka sumambakol. Hindi mapupunan ng pagmumukmok ang mga bagay na hindi mo napagtagumpayan. Kinulang ka lang sa mga kinakailangan mo upang maisakatuparan mo ang mga adhikain mo. Alam kong kapos ka sa lahat ng bagay at isang malaking dahilan yun kung bakit hindi nakamit ang bagay na pinagsikapan mo. Bakit di mo simulang pagtagumpayan muna ang mga maliliit na bagay. Yung alam mong di ka kakapusin sa mga sangkap ng buhay.
Alam mo ang direksyon na tatahakin mo e. Nabitin ka nga lang sa kagamitan dahil sa kahirapan. Huwag kang magalala kasi di naman palaging ganito ang buhay e. May mangyayaring maganda sayo. May nakalaan na oportunidad para sayo kaya wag ka nang sumimangot. Baka di na mabura sa mukha mo ang bakas ng nakaraang taon at mapag'iwanan ka ng panahon. Ikaw din. Bahala ka.
Sa pangkalahatan, walang sinuman ang makakapagsabi kung san ka patutungo o kung kelan ka hihinto. Ang importante alam mo ang direksyon ng buhay. Alam mo kung paano ang galawan sa mundong kinalalagyan mo ngayon. Ikaw lang maaaring magdikta at magdesisyon sa mga kilos mo. Sobra, sapat o kulang man ang mga sangkap mo. Tandaan mo na may kahihinatnan pa rin ang lahat ng sinimulan mo.
Hindi naman masamang madapa. Konting galos lang yan para indahin mo. Mas maiging isipin mong nakatawid ka at nakarating ka pa rin sa kabilang dulo ng paglalakbay mo. Anumang kondisyon o estado ang kinalalagyan mo ngayon ang importante buo ka pa din. Makakalaban ka pa din sa kahit anung hamon kahit alam mong wala kang laban basta't pumalag ka pa din.
Huwag mo ring kakalimutan ang tumawag sa taas. Siya ang pinalaking bahagi sa pakikibaka natin sa buhay. Tumawag ka lang. Kahit san ka man napahinto siguradong nandyan siya.
BINABASA MO ANG
"RESUME" Trabaho.Sweldo.Endo
ספרות לא בדיוניתPopulation > Work = Millions of unemployed Pinoys. Saksihan ang mga iba't ibang trabaho, taong may trabaho, trabaho ng mga walang trabaho, at kung paano nila winawaldas ang sweldo.