IF SHORTLISTED?

295 5 0
                                    

Ang susunod na pahina ay nangyayari sa totoong buhay.

Sa karamihan ng Pilipino ay naranasan ang ganitong trahedya.

At base na rin sa karanasan ng may akda.

Interviewer: Thank you for applying. We will just call you for further evaluation but there's no assurance.

Nakaka'LSS yung sinabi ng interviewer. Heartfelt harmony. The interviewer just broke my heart to pieces.

Naranasan mo na ba ang pasimpleng rejection sayo ng kumpanyang inaaplayan mo?

Yung alam mo nang di ka natanggap pero para silang ahente ng kung ano na gumagamit ng mga mabulaklak na salita para di halata na di ka tanggap at di masyadong masakit para sayo.

Nakakapanlamig ng pakiramdam ang mga ganung tagpo.

Para kang binuhusan ng slurpee.

Text message...

Hi! Good day. This is rose of Banco de oro. You are shortlisted for the Marketing Assistant position. You are scheduled for initial interview this coming (Date, Time, Address). Please be in your Business attire. To comfirm reply with your Name..

End of message...

Alam mo ba ang ibig sabihin ng SHORTLISTED?

Iilan sa mga napili.

Kumbaga iilan sa karamihan.

One of the chosen.

Tandaan mo. Iilan lang sa napili.

Dahil sa natanggap na text message para sa nalalapit na interview gumising ako ng maaga.

Maagang maaga.

Ligo, Bihis, Kaen, Larga.

Pagdating ko sa aking destinasyon.

Wow!!!

Iilan lang raw sa napili. Pero sa pagkakakita ko para kameng nasa audition ng Willtime Bigtime sa dame ng aplikante.

Para lang akong manonood ng isang patok sa takilya na pelikula. (Mga tipong Premiere Night)...

O kaya mga entry movie sa Metro Manila Film Festival.

Yung andyang iniinterview yung mga manonood pagkatapos ng pelikula.

Interviewer: How's the movie?

Viewer1: Wwwooohhh!Suuuleet ang pera nyo!

Viewer2: Ang ganda! Ang galing talaga ni Bea Alonzo at John lloyd Cruz.

Viewer3: Sana may Part II.!

Viewer4: Makakarelate kayo. Promise!

Muntikan na din akong mapahiyaw sa dame namin. Mapahiyaw ng buntong hinga.

Shortlisted raw. E parang listahan ng utang sa tindahan yung haba ng pila.

Pero lahat ng nasa mahabang pilang yun.

Nagtitiis.

Nagtyatyaga.

Nagpapakahirap.

Nagpapakapagod.

Nagpapawis.

Naglalagkit.

At nagpapakalimahid.

Habang suot ang mga pangexecutive nilang porma.

Mukhang nakamake up.

Buhok na nakatali at naka'gel.

Para sa trabahong iilan lang ang matatanggap at sandamakmak ang uuwing amoy anak ng araw.

Dun ko lang napagisip'isip na...

Nahahati pala sa dalawang kategorya ang Shortlisted.

Yung mga pinalad na matanggap.

At yung mga pinalad na hindi.

"Find a job you love and you will never have to work a day"...

Hindi ko na matandaan kung sino nagsbi niyan pero may punto siya.

Tagalugin ko aa..( Ala Tito Sen?)

"Hindi mo mararamdamang nagtratrabaho kung mahal mo at gusto mo ang trabaho mo"...

Kung masaya ka nga naman sa ginagawa mo di ka makakaramdam ng pagod.

Hindi lahat nakakatagpo ng trabahong ikasisiya niya. Karamihan dyan No Choice na lang. (Choosy ka pa ba kung magugutom ka lang).

Naging choosy ako sa trabaho. Ayan tuloy hungerstrike ang Peg.

(walang trabaho).

Scavenger mode sa gabi. Food hunting sa mga bahay bahay ng kamag'anak.

Mambabatchoy- Term used for persons who get their food from leftovers and waste of fastfood chains and restaurants.(Hindi pa ko kabilang mga yan. Wait pa ng ilang years).

"Tapusin mo ang nasimulan mo para sa susunod alam mo na ang gagawin mo sa bagong trabaho"...

Marami nang nakaranas ng di mabilang na rejection sa paghahanap ng trabaho.

Ang masasabi ko lang ay wag kang panghihinaan ng loob dahil yan ang maglalayo sayo sa trahahong inaasam mo. Kung di ka kabilang sa mga pinagpala sa ngayon, Tandaan mo na hindi nauubos ang biyaya.

Sa susunod baka masambot ka din.

Malay mo.

A\N

Boto, Komento, Kritiko ay pinauunlakan.

Maging tagasubaybay kung maaari.

Malaking tulong sa may akda ang bawat salita.

Magbabasa ka lang. Walang mawawala.

Susunod na kabanata:

Hired or Fired.

THANKS!!

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon