BAU (Business Ang Una)

11 1 0
                                    


Isa ka ba sa umasa? Umasa na mahal ka.
Na mahal ka ng kumpanyang pinapasukan mo.

Sa malawakang pagpapatupad nang ECQ o Enhance Community Quarantine, san ka napabilang?

Pinili mo ba'ng manatili sa bahay para iwasan ang pandemya?

O pinili mo'ng pumasok para kumita ng pera?

Anu man ang pinili mo sa dalawa parehas na may pinagdaanan yan. Alam kong humantong ka sa isang desisyon na sa tingin mo ay makakabuti sayong pamilya pero may isang banda na kailangan mong bitawan.

Ika nga nila. Whatever choice me make, there is always a struggle.

"Istragol is real." Kumbaga.

Pinili kong manatili sa bahay sa kadahilanang may mga kasama akong pwede kong mailagay sa panganib.

Nanghinayang man ako sa kikitain ko pero di ko kayang may mangyare sa anak ko. Sa isip ko, di ako pababayaan ng diyos.

Binabagabag man ako ng mga parating na Judith. Tiwala ako na malalampasan ko ito.
Madami sila pero iisa lang ang pangalan.

Madami ang kumpanyang sasabihing empleyado ang priority nila. Isa to sa mga bola na di mo basta basta matatanto hanggang mangyare na nga ang ating di inaasahan.

Sa loob ng higit na tatlong buwan, samu't saring kumpanya ang lumitaw ang tunay na kulay. Nakita natin kung sinu ang talagang may malasakit sa empleyado nila. Napatunayan natin na halos lahat negosyo ang inuuna.

Totoo ang kasabihan na "Huwag mong mamahalin ang kumpanya mo dahil mahal ka lang nyan kasi napaoakinabangan ka. Nugnit, sa oras ng sakuna mas pipiliin nilang isakripsiyo ang kaligtasan ng mga empleyado. Tawag nila dyan e Collateral damage. Kapag Casualties kasi may konting konsensya pa. Kapag Collateral Damage e part lang talaga ng business . Walang personalan, negosyo lang.

Kung iisipin natin, walang pupuntahan ang mga negosyo na ito kung hindi dahil sa mga empleyado. Tayo ang dahilan kung bakit sila yumayaman. Tayo ang dahilan kung bakit di tayo binibigyan ng halaga dahil we don't know our value to them. Dapat alam natin na king hindi dahil sa atin wala silang impok sa banko, pagkain sa lamesa, luho, at kapritso.

Alam ng mga kapitalista na ito na gagawin natin lahat para kumita kahit maliit lamang. Kasi alam nilang we settle for less.

Ganyan ang tingin ng mga yan sa ordinaryong manggagawa.

Tingin nila sa atin ay mga kasangkapan lang tayo sa negosyo nila.

Kaya kung ang kumpanya mo ay patuloy pa rin nag-o-operate, di mo sila kailangan pasalamatan. Sila ang higit na makikinabang dyan at hindi ikaw. Kakapiranggot na pilas ng pera lang ang binibigay nila sayo.

Hangaan mo yung mga kumpanya na nagpasweldo pa rin kahit walang pasok. Yung mga gumawa ng paraan para makapagoperate ang negosyo na ligtas ang mga empleyado. Yung mga nagpa Work from Home.

Yung inuna yung kaligtasan mo kesa sa kaligtasan ng negosyo. Yung kumpanyang pinahahalagahan ang buhay ng tao kesa mabuhay ang negosyo. Yung di tawag sayo ay Collateral Damage.

Dapat ang kumpanya may puso. Humanap ka ng kumpanyang may konsensya at di lang mabubulaklak na salita.

Patunayan nating di lang konting kwalta ang halaga ng ating buhay. Na marami kang pwedeng gawin kahit mawala sila.

Sa mga kumpanyang buhay ay mahalaga. Maraming salamat! Tatanawin na malaking utang na loob yan mg mga emoleyado nyo.

Sa mga kumpanyang negosyo ang mahalaga. Maraming salamat din at minulat nyo ang mga mata namin. Alam kong malapit na kayong magsara.

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon