Trulalu lang

129 2 0
                                    

"Love your Job but not your Company. Cause you'll never know when your company STOPS loving you."

It makes sense di'ba?

Sa dami ng trabahong pinasukan ko. Iniisip ko kung anu ba ang pinahalagahan ko. Yung trabaho ba? O yung kumpanya ko?

Sa dami ng pananaw na mayroon ang isang tao ukol sa trabaho hindi mawawala ang kasabihan na kung "hindi ka masaya sa trabaho mo umalis ka."

Tama nga naman, pero...

- Sa hirap ng buhay ngayon ang hirap makahanap ng trabaho. Magtiis ka nalang kung hindi ka masaya.

- Sa dami ng bayarin na naka'atang sa'yo , saan ka kukuha ng pambayad? Magtiis ka nalang kahit di ka masaya.

- Sa dami ng umaasa sa'yo, anu'ng mangyayari sa kanila kapag umalis ka sa trabaho mo. Magtiis ka na lang kahit di ka masaya basta't masaya ang kanilang mga sikmura.

- Sa dami ng pangangailangan mo at gusto mo, paano ka na lang? Wala na nga'ng natitira sa sweldo mo aalis ka pa. Magtiis ka na lang kahit di ka masaya. Parang tiis ganda lang yan di'ba?

Ang taas ng demand kapag may trabaho ka. Ang dami nating naiisip na pagkagastusan. Halos lahat ng ating demands ay imbento na lang natin.

Kumbaga, parang kabuteng umusbong lang yan nung umulan.

O kaya let's put it in a nakakadiri way.

Ang demands ay parang.

Kapag wala kang makain. Di'ba wala ka ring idudumi. E may trabaho ka na ngayon, ang dami mong gustong kainin. Ayun, madami ka ring idudumi.

Kaya wag ka nang magtaka kung bakit kailangan mong mahalin ang trabaho mo.

Madaming pagkakataon at oportunidad kang makukuha at halos karamihan dun ay sasayangin mo. Sa bandang huli mo na lang malalaman na madami mang biyaya ang natatanggap mo pero hindi sa lahat ng pagkakataon at oportunidad na yun papabor ang tadhana sayo.

Kaya mahalin mo ang trabaho mo kung alam mong masaya at pinapagaan nito ang buhay mo pero kung hindi maghanap ka na ng iba.

At huwag na huwag mong subukang mahalin ang kumpanya mo dahil hindi mo alam kung mahal ka din nila.

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon