Pansamantala nating puputulin ang palabas na ito para sa ating nagbabagang balita.
Tooot.
Pasok!
Isang sama ng panahon ang namumuo sa karagatan pasipiko. Dulot ito ng pinagsama sama hanging malamig at mainit.
Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na oras. Ang low pressure area na ito ay tatawaging F@#$&* pagpasok sa PAR ( Philippine Area of Responsibility ) sa mga susunod na araw.
Asahan nating lalakas pa ito habang tinatahak ang karagatang pasipiko bago pumasok sa ating bansa.
Ayon sa PAGASA ay wag na raw tayong umasa na lilihis pa ito. Asahan natin na di maniniwala ang ating mga kababayan at mananatili sila sa kanilang mga tahanan sa kabila ng abiso ng kani'kanilang lokal na pamahalaan na magsilikas na sila.
Antabayanan ang mga susunod na Update ukol sa sama ng panahon.
Toooot.
************************************************
3 araw ang lumipas.
Tooot.
Kinansela na po ang pasok sa lahat ng school levels. Ito ay dahil sa bagyong F@#/!&* na pumasok sa ating bansa.
Itinaas na ang storm signals sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Yehey!!!
Tooot.
*********************************************
Bakit ba bukod sa pinsalang dulot ng mga bagyong dumadaan sa ating bansa ay may nakikita pa rin tayong mabuting bagay na hatid nito?
Ikaw? May pasok ka ba?
Bukod sa lamig na hatid ng bagyo. Ginhawa sa pakiramdam na naiibsan nito, anu pa nga ba ang makikita nating buting dulot nito?
Sa kabila nang samu't saring trahedya na kaakibat nito ay sadya namang napakapositibo ng isang pinoy para makita ang gandang dulot nito. Tanung ko, ikaw? May pasok ka ba?
Ordinayong maririnig mo ang kagalakan ng isang magulang sa tuwing makakansela ang klase sa mga paaralan. Anu nga bang tipid ang dulot nito sa tuwing di nila kinakailangan magbigay ng baon. Ang hindi nila alam ay mayroon nang make up class na pinapatupad ngayon para mahabol ang mga aralin na di natalakay nung mga araw na walang klase. Dagdag trabaho ito hindi lang sa mga guro kundi para sa mga magulang na akala nila ay nakaligtas na sila sa pagbibigay ng baon. Anung klaseng trabaho yan?
Ikaw? May pasok ka ba?

BINABASA MO ANG
"RESUME" Trabaho.Sweldo.Endo
SachbücherPopulation > Work = Millions of unemployed Pinoys. Saksihan ang mga iba't ibang trabaho, taong may trabaho, trabaho ng mga walang trabaho, at kung paano nila winawaldas ang sweldo.