Sweldo naman diyan

78 4 0
                                    

Matagal tagal na rin akong di nakakapagsulat. Inisip ko na may gawin namang iba bukod sa pag-upo sa monoblock na sofa namin. Humanap ako ng ibang gawain na alam kong magiging kapaki-pakinabang ako pero nandito pa din ako. Hindi na ko nakatayo sa sofang ito. Hindi na ko na matatakasan 'to.

Natatandaan ko pa noong una akong nakapagtrabaho. Walang ibang pumasok sa isip kundi makuha ko ang una kong sweldo.

Sa bawat araw ay araw araw din akong nagiisip kung magkano ang aking sasahurin. Wala pa man nga din yung sweldo e ang dame ko nang nabili sa isip ko. Gusto kong bumili ng damit, sapatos, cellphone, at kung anu ano pa.

Pero di pala ganun. Hindi ibig sabihin na kapag nakapagtrabaho ka e mabibili mo agad ng gusto mo.

Sa kakaisip ko ng gusto kong bilihin ang dami kong napamili na (sa isip ko lang).

May kakilala ako na kapag sumuweldo na ang unang naiisip ay mag'inom.

Siyempre hindi magiging HAPPY ang inuman kapag walang kasamang tropa.

Kaya naman tuwing akinse at katapusan ay taimtim siyang hinahantay ng barkada.

Mas matindi pa sa buwanang dalaw kung mag'inom kaya naman masaya ang barkada kapag dumadating na siya.

Puwede na siyang maging patron ng mga lasenggo. Gawan din ng petsa ng kapistahan para mas disenteng tingnan.

Ang ending...

Lasing siya.

Lasing din ang barkada.

Lasing din ang bulsa niya.

-------------*************-------------

Magic Salary.

Ito yung suweldo na pagkadating ng araw ng sahuran e sinsabing ubos na. Minagic ang pera ( Poof! ). Wala na. Kala mo magic sugar na nilalagay sa palamig.

Meant to be Salary

Ito yung sahod na nakasulat na ang tadhana. Yung nakaprenda na sa bayarin ang pera.

Salary in Super Duper Advance.

Ito yung suweldo na di pa man dinn napagtratrabahuhan e nagastos na. Yung laging nababale. Nagmamadali e. Nagmamadaling maubos.

Mas maganda pa ring magtabi ng kahit kakaunting bahagi ng sasahurin para sa hinaharap na pangaingailangan. Pagiimpok o pagiipon ang nagpayaman sa marami. Paggamit sa di lang matalino ngunit sa madiskarte ring paraan para naman hindi lang napupunta sa walang sense ang kinitang pera.

Wag mo na akong tanungin kung ginagawa ko rin ba yung mga pinagsasabi ko.

Wala naman akong trabaho ee.

Wala namang akong sasahurin e.

D'yan ka na nga.

--------------***********--------------

Boto at komento naman. Para sa pagbabago ng bayan. kahit konti lang.

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon