Hired or Fired. Economic crisis

108 4 0
                                    

Trabaho ang kailangan ng bansa para umunlad ito.

Kung maraming trabaho....

Lahat posibleng makapagtrabaho (Depende na lang kung mas gusto mong tumambay buong buhay mo).

Kung ang bansa natin ay pinuputakte ng di mabilang na trabaho pwede ka nang maging choosy.

"Sagana tayo sa MANPOWER."

Bihasa gumawa ang Pinoy ng tao.

(Mainit man o malamig ang klima)

Baka ikaw na ang mangayaw sa kabi'kabilang bakanteng posisyon.

Walang magugutom kung madaming trabaho.

Matutustusan ng bawat tao ang pangangailangan nya, ng pamilya nya, pwede pa siyang tumulong sa kapwa.

Uunlad ang Perlas ng Silangan.

Gaganda ang pamumuhay sa bansa natin.

Hindi na kailangang mangibang bansa para lang magpaalila sa mga banyaga.

Hindi na kailangang magpanggap ng kababayan natin na sila'y banyaga at itatwa ang sarili nilang bansa.

Pakonti konti tayong aangat, di pwedeng agad agad. Lahat ng bagay dumadaan sa mahirap na proseso.

Walang madyik sa biglaang pagunlad. Mga pulitiko lang ang gumagamit ng hokus pokus sa pagunlad, sa sariling pagunlad nila.

"Tandaan mo. Lahat ng mahika may DAYA."

Hindi kasiya'siya ang pagunlad ng hindi mo pinaghirapan.

Ang mga taong nandadaya ay silang mga nakangisi kapag nangiti.(kala mo may pasasabugin na bomba)

Kung marami nga lang sanang trabaho sa Pinas. Kaso hindi e.

"Sagana tayo sa MANPOWER, Kulang tayo sa trabaho."

Kung madami man ang trabaho sa bansa natin hindi pa din sigurado ang iba sa atin na makakapagtrabaho.

Dahil karamihan sa atin kulang sa kaalaman. Mga di nakapag'aral. Mga elementary ang natapos. NO READ NO RIGHT pa ang iba.

Kawawang bansa. Pinutakte ng problema.

Gumaganda raw ang ekonomiya natin base sa SONA ng Presidente.

Pinakita niya sa pamamagitan ng Visual aids na ginamit niya.

Pumapowerpoint si PNoy.

Dun makikita ang iniangat (raw) ng bansa. Iniangat sa nakalipas na taon na nanungkulan siya.

Gumamit siya non dahil sa kahit sino'ng maupo sa tronong kinalalagyan niya ngayon at kahit anu'ng sabihing pang pagunlad ang nakamit kani'kanilang administrasyon.

Hindi ito nadama ng mga Pilipino.

Nang mga mahihirap na Pilipino.

Walang ibang nakaramdam nito kundi ang mga nakaupo sa gobyerno.

Manhid na ang Pinoy.

Sa katagalan ng panahon na tayo'y sadlak sa kabi'kabilang krisis. Nagkakalyo na ang buong katawan ng mga Pilipino. Manhid na.

Walang makakadama ng pagunlad na sinasabi nila kung hindi lang rin naman ito umaabot sa mga higit na nangangailangan.

Pakiwari ko nga e mga Langaw, Lamok, at Daga ang siyang masagana ang ekonomiya.

Sagana ang mga langaw, patuloy ang pagdami ng basura. Sandamakmak ang mga taong tumatae kung saan'saan. Sa ilog, estero, sa liblib na lugar, Minsan nakaplastik pa dahil itetake out.

Kahit san magpunta ang langaw meron silang makikita na mapakinabangan. Kaya bumbastik din ang mga sakit na nakukuha natin, Maunlad ang kanilang ekonomiya.

Ang mga Lamok.

Kala mo mga doktor andame nilang ginawang pasyente.

Halos magoverload ang mga Ospital. Parang nagconcert lang sila...

"Dengue Outbreak."

Lalagnatin ka kapag nanood ka nito.

Ang mga Daga.

Oh so gross!!

Nagboboom ang economy nila kapag baha. Parang mixer sila ng drinks. Ihahalo lang ang ihi nila sa tubig baha and voila! Isang inuming nakakalasing at nakakapagpadala sa ospital o kaya sementeryo.

Leptospirosis ang tetegi sayo.

Kung di man madama ang mga sinasabing pagunlad at lubog na ang buhay sa kahirapan. May mga paraan para makayanan pa.

Lunukin mo ang bulok na sistema.

Tanggapin mo ang katotohanan.

Nakakalungkot man isipin. Ito'y isang maliwanag na katotohanan na kailangan tanggapin.

Tanggapin na tayo'y sinesesante ng mga nakapwesto sa mga bagay na dapat ay inilalaan nila para ekonomiya natin.

A/N...

Boto, Komento, kahit maging Kritiko.

Maging tagasubaybay at ipromote sa mga kakilala niyo.

Milyon milyong salamat.

Pakipasa na lang sa mga interesadong kapwa mo.

Baka sakaling may mapulot siyang munting basura sa utak ko.

"RESUME" Trabaho.Sweldo.EndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon