"Pst! Bakit di na kayo nagpapansinan ni Li?" Sabi ni Amy sa akin umagang umaga.

"Nag away kasi kami. Teka ano bang bago dun? Tapos nagalit na talaga siya sa kin dun sa nangyaring away na yun. Wala na nga akong pake sa kanya eh. Nakita ko na din kasi na ililipat siya ng afternoon shift at sila na din nung kaibigan ko." Sabi ko kay Amy na kalmadong kalmado habang ginagawa yug assignments ko.

"Wait? Weh? Sinong kaibigan?" Tinitigan ko siya at inismiran. Alam niya na yun. "Ah okay gets ko na, siya? Tama ba? So papaano nangyari?"

"Pinakilala ko tapos natipuhan nila isa't isa tapos ayun sila na."

"Ang bilis, in fairness."

"Bayaan mo sila. Samahan mo nga pala ako magsimba this upcoming Sunday."

"Himala? Bakit? Anong nangyari?"

"Nalusaw ako nung holy water? Joke lang. Ano kasi maliban sa mabait na ako ngayon eh.. ayun may nagustuhan ako." Pahina ng pahina kong sabi sa kanya.

"Ano? Lakasan mo."

"May nagustuhan ako! Ano kasi ganito yun. Nabangga niya ako tapos ano may itsura siya tapos ano amoy kandila." Sabi ko sa kanya ng hiyang hiya

"Amoy kandila? Ay sabagay nasa simbahan. Sige sasamahan na kita."

"Salamat talaga bessy!" Tapos niyakap ko si Amy ng mahigpit.

-

Fast forward na tayo sa Linggo since boring yung school life ko. Ako na nagsasabi sa inyo. Pinapabasa kami lagi ng makapal na Biology book tapos quiz agad agad. Right minus wrong pa at... teacher na mura ng mura sa mga estudyanteng maingay sa labas kapag nagkaklase siya. Since Rated G ang story na ito hindi ko na ieelaborate.

"Rie, siya ba yun?" Bulong ni Amy sa akin habang nakaupo kami.

"Wag ka ngang maingay. Oo be siya nga yun. Hala nakatingin siya dito." Bago pa ako kiligin kinurot na ni Amy tagiliran ko.

Simula nung araw na nakita ko siya, yung buong misa eh nahati sa pakikinig kay Father tapos konting pagsulyap sa kanya. Namumula nga ako kasi nakatingin din siya dito or baka dahil nasa unahan kami? Okay lang mag-assume safe naman eh.

Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Eh kasi maliban sa sabi ko nga gwapo siya eh ang bait bait niya since tinutulungan niya yung pari? Naging habit ko na tuloy na bandang last batch ng mga tao lumabas kasi gusto ko pa siya tignan. Okay lang yun kasi si Amy nakikupag usap pa dun sa kaibigan niya sa choir.

Wait? Kaibigan sa choir? Nagliwanang yung mata ko at nagbukas bigla yung bumbilya sa utak ko dahil sa naisip ko. Ang talino mo talaga!

"Mam palitan ko lang po ulit yun bumbilya ng utak niyo, pundido na po kasi." Tapos may mama na nagpalit ng bumbilya sa utak ko.

--

Naglalakad kami pauwi ni Amy ng maikwento ko yung tungkol sa kanina.

"Amy, anong masasabi mo sa kanya?" Sabi ko.

"Gwapo siya beb in fairness."

"Ay talaga ba?"

"Oo."

"Ay be, diba may kaibigan ka sa choir? Tanungin nga natin yung info tungkol sa kanya, kung pwede lang naman. Lilibre kita sandwich. May drinks din."

"Wait lang. Ayan o papunta na siya. Hi Kim!" Nakangiting sabi ni Amy kay Kim.

"Hi Amy tsaka Reigna." Nakanguting sabi din ni Kim. "Anong meron?"

"Ano kasi may tatanong daw si Rei-"

"Hindi, tanong talaga ni Amy yun. Ano daw pangalan nung kasama ni Father? Yung pumasok sa sacristy kanina?" Sabi ko kay Kim.

"Ahh.. Si Jade yun. Kasama ni Father yun kahit saan siya pumunta. Bakit? crush mo ba yun Amy?" Tanong ni Kim.

"Hindi ah!" Pagdedepensa ni Amy.

"Sus, magugustuhan ka nun ganda ganda mo Amy eh ayiiee gusto mo ipakilala kita?" Tapos iwinasiwas ni Kim yung buhok ni Amy. "Haba ng hair, sakristan na pala mga type mo ayieee. Papakilala kita next time." Pangiting sabi ni Kim.

"Aalis na kami. Salamat sa information ah?" Sabi ko kay Kim tapos tumango na lang siya.

"Baliw ka bakit ganun yung sinabi mo kay Kim?" Sabi ni Amy.

"Una sa lahat be sabi mo gwapo si Jade, pangalawa bagay kayo ganda ganda mo eh ayiieee." Pangaasar ko.

"Gaga ka talaga."

"Sige na aalis na ako ah? May raket ako eh."

"Dalian mo baka bumangon na yung mga patay!"

"Naliligo na sila sa formalin bago pa sila bumangon loka loka!"

Pagbalik ko sa bahay, naghiwa na ako ng mga isasahog ni nanay sa spaghetti.

Ano ba naman yan Jade, hindi pa nga kita nakikilala may nagkakagusto na agad sayo. Bakit ganun? Palagi na lang. Kailan ba may magkakacrush sa akin? Naiiyak na ako.

"Ang sakit sakit. Ang sakit sakit." Humahagulgol na ako.

"Tanga papaanong hindi masakit eh naghihiwa ka ng sibuyas tapos nahiwa mo na din yung daliri mo. Tumayo ka nga dyan para kang gaga. Akin na yang kamay mo." Sabi ni mama tapos..

"ARAY MA! Ang hapdi! Ang hapdi!" Binuhusan niya ng alcohol yung nahiwa kong daliri.

"Yan kasi! Bakit kasi tatanga tanga ka na naman? Akala mo chef ka na eh." Sabi ulit ni mama. Kaya pinunasan ko yung mata ko.

"Aray! Mama aray!"

"Jusko po ikaw na bata ka hindi ko na alam gagawin ko sayo. Lutang ka pa yata kakanood ng cartoon cartoon mo!"

"Ma, anime po yun hindi cartoons."

"Anime, cartoon pareho lang ginuhit yun! Hala sige umakyat ka na lang matulog ka ha? Para naman tumangkad ka kahit konti."

"Ma, hindi na ako tatangkad. Fixed na yung height ko. Cute naman ako okay na yun."

"Walang maitim na cute."

"Eh bakit yung panda?"

"Anak, yung panda may puti pa din."

"Oo na po. Galing niyo po talaga magmotivate. Akyat na po ako." Tapos umakyat na ako.

Pagkahiga ko dun sa higaan ko, napaisip ako. Crush ba talaga ni Amy si Jade na taong kandila? O nakikiget along lang siya sa pinagsasabi namin? Pero okay lang naman eh. Maganda naman si Amy, gwapo si Jade? Pwede na.. ang ganda ganda nila tignan. Habang ako? Wala pa din. Ang saklap naman. Okay lang yan, magiipon na lang ako para sa future ko. Magnenegosyo na lang ako at saka magiging masaya forever. Pero crush ba niya talaga si Jade? Bakit wala siyang sinasabi sa akin?

Little Miss Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon