Umuulan sa labas at nakatitig lang ako sa may bintana. Oo tama, tulad nung mga usual na nakikita niyo sa mga movies at love stories. Pero yung story namin, tapos na.
Paglingon ko sa likod ko nakita ko yung mga picture ni Ji sa headboard ng banig at karton ko,napaluha na lang ako.
"Hayup ka talaga, ang mahal din magrenta sa computer shop para i-stalk yung facebook profile mo lintik kasi naka-private pa man din. Buti nakuha ko itong mga pictures mo. Mahal din magpadevelop akala mo ba? eh walong piso yung 3r. 143 yung photos mo dito." Humagulgol ako. " 143 times 8 mo! Sige nga! Tapos gaganituhin mo lang ako!" Dinuro duro ko yung pictures ni Ji.
May nakita akong maliit na kahon sa may lamesa ko. Laman ito ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin kay Ji. Nandito din yung pinakaunang bagay na binigay niya sa akin..
"Hi Ji, ito nga pala si Reigna. Kapatid siya ni Li. I hope na magkasundo sana kayo." Sabi ni Kia habang nakangiti.
Hala... ang gwapo ng kapatid ni Li. Nagliliwanag siya. Ang puti niya tapos ang tangkad nakasalamin din siya at... at... gusto kong mahimatay..
"Hi Reigna, ang cute mo naman. Sana maging okay na kayo ni Li. Tara lunch na tayo." Sabi ni Ji.
"Sana nga po." Tapos pa-cute kong sabi sa kanya.
Kumain kami ng matiwasay nun. Sobrang saya namin. Crush ni Kia si Ji nun at crush ko si Li, magpapatulong sana ako kay Ji paano paamuuin si Li kaso ako yata yung napaamo ni Ji. Mas bet ko na yata yung mga mas matanda sa akin.
(Sa gitna ng pag iimagine ko, biglang may matandang nagrarugby na tumingin sa akin sa taas sabay kumindat. Nge, hindi naman mga ganyan katanda.)
"Kuya Ji, gusto mo ba ng malinamnam na mangga ko? Maglalaway ka dito." Sabi ko sa kanya habang binabalatan yung hilaw na mangga. Medyo uneasy yung itsura niya pero napapayag ko siya. Hmm magkasing asim na kayo ng mangga ko!
Kumagat siya sa mangga ko at nakita kong medyo napangiwi siya.
May dugo! May dugo! Hala! Bakit? Anong meron sa mangga?! Bakit may dugo!?
"Ji! Hala bakit may dugo? Sorry talaga Ji." Sabi ko kay Ji habang hinihimas yung likod niya.
Pagkatanggal ko ng mangga sa bibig ni Ji, nakita ko yung ngipin niya na kumalas, hindi yata kinaya ang mangga ko.
Nagmumog na si Ji tapos idinura yung excess blood kung saan.
"Nasaan na yung ngipin ko? Sorry talaga nakakahiya. Ibabato ko yung ngipin ko sa bubong namin eh." Sabi ni Ji.
"Akin na lang ito. Ako na magbibigay sa tooth fairy." Sabi ko.
"Huh? Seryoso ka?" Sabi ni Kia.
"Oo, tropa kami nung tooth fairy eh. Kaya akin na.." Sabi ko tapos nakuha ko na din yung ngipin ni Ji.
Grabe talaga yung araw na yun pero dun talaga nagsimula kung papaano ako nainlove kay Ji, si Ji kasi hindi ako nagkakakuha ng pasa pasa sa kanya di tulad nung kay Li. Si Li kasi cariño brutal yung trip eh. Siguro ganun lang talaga siya manligaw. Hinahampas niya ako, tapos kinukurot ano pa ba? Ayun sinasabi niya daw na choco na may ice batok ko then kamukha ko daw yung mga baboy sa angry birds. Mas perfect description daw yung belly pot pig. Kung ano yun? Search niyo na lang. (Atleast swerte sa mga Chinese. Maghanap na lang kaya ako ng Intsik?)
Simula nung araw na yun close na kami ni Ji, yung sa nangyari kahapon aamin na dapat ako eh. I mean isang taon na din itong feelings ko para sa kanya. Kung alam niya lang... edi sana kami pa din at hindi nung maarte naming kapitbahay. Nalaman ko lang kani-kanina noong nakita ko silang nakapayong at naglalampungan sa ilalim ng puno.
Eto pa yung isang bagay sa box ko na pinakanakapagpaalala sa akin kay Ji..
"Reigna! Tamad tamad mo! Puro ka video games at anime dyan!" Sabi ni mama.
"Eh ma, may pera ba ako sa ipapagawa mo?" Sabi ko sa kanya.
"OO! Nandito na yung customers mo. Maglabada ka na! Tsaka dalian mo dahil yung isa ako nagsasabi sayo, mahihirapan ka talaga." Sabi ni mama. Tapos pagsilip ko sa baba nakita ko na yung mga customers ko sa baba na nakapila.
"O! Magsipila kayo ng maayos! Ikaw? Anong ipapalaba mo?" Sabi ko dun sa maarte naming kapitbahay.
"Eh itong mga t back ko at bra lang. Pakiayos ng laba ah?" Sabi niya tapos inilista ko na.
"Next!"
"Ahhh. Ako itong mga uniporme ko lang."
Tapos...
"Ikaw! Anong papalaba mo?" Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Ji na nakangiti pero napawi din yung ngiti ko kasi napangiwi ako sa amoy ng labahan niya.
"Uhmmm, itong one week na labahan ko. Dadagdagan ko na lang bayad." Tapos ngumiti siya..
-
"Huhuhu. Bakit ko ba tinanggap itong mga labahan na ito mayghad. Amoy alimuom." Maluha-luha kong sabi."Ji, bakit ganito amoy nung labahan mo? Jusko. Di ka na ba natayo sa upuan mo pag nagdo-DOTA ka? Buti na lang talaga at gwapo ka."Hi, salamat sa paglalaba ng mga damit ko ah? Ito pala yung extrang bayad at saka yung isa pang extrang bayad eh... magdate na lang tayo." Sabi ni Ji habang nakangiti.
Pademure kong nilagay sa tenga yung buhok ko at tumango sa kanya.. ayiiieeee! Chance ko na to."Oh sure. Ako na lang bahala ah?" Sabi ko kay Ji.
"Uhmmm bakit kulang ng isang brip to?" Sabi niya. Pinagpawisan ako ng malagkit shet.
"Nalaglag kasi sa kanal habang naglalaba ako eh. Sorry." Sabi ko.
"De okay lang. 8 pm ah? Sa may tabing ilog." Ngumiti siya tapos umalis na.
Yung date na tinutukoy niya eh yung nabasa niyo sa chapter one. Kaya sabi ko nga tapos na yung kwento namin ni Ji. Nakakaiyak talaga. Minahal ko siya eh. Pero hindi naman yung pag-alis ni Ji yung pinakainiiyakan ko eh. Yun yung dahil may gwapong lalake na napagkamalan akong pulubi... hindi lang pulubi kundi adik din.
-
BINABASA MO ANG
Little Miss Hopeless Romantic
Novela JuvenilSiya ay isang Reigna, oo Reigna ng mga sawi sa pag ibig. Kung bakit?Tunghayan na lang natin sa istoryang ito. Kung hindi, isasama niya kayo sa ieembalsamo niya dahil isa yun sa mga raket niya. Sino kaya ang Mr. Perfect para sa kanya? O sawi na naman...