"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

Gusto ko sana lingunin kaso mukhang alam ko na kung sino yung nagsasalita... kung sino din yung kasama niya sa kwartong naiwan nilang bukas.

"Ano... ah.. nagpupulot ako ng mga kalat dito. Ito kasi yung trabaho ko dito eh. Gusto ng school na maayos yung lahat ng kwarto. Pasensya na sa istorbo." Sabi ko sabay pulot nung pustiso na pahamak.

Dali dali akong naglakad palayo sa kanila ng bigla kong mapansin na ang lagkit na ng kamay ko. Nakakadiri, hawak ko nga pala yung pustiso ni ate hindi ko na naibalot sa panyo.

Pinasok ko na naman isa isa yung mga pintuan dun sa lugar na yun. Tapos pagpasok ko sa isang pintuan na gawa sa kahoy na may magagandang disensyo na nakaukit, nakita kong nakadungaw sa may balkonahe si ate na may ari ng pustiso.

Nung una ayaw ko muna siya guluhin kasi nga ang ganda ng tanawin dun. Nakikita mo yung bituin pati yung buwan tapos ang ganda ng dekorasyon dun sa fountain ng school kasi parang umiilaw yung tubig kaya naman nilapitan ko siya sabay sabing,"Pasensya na dun sa mga sinabi ko kanina. Alam ko na sobra kang napahiya sa lahat ng tao. Dapat di ko ginawa yun. Ang immature talaga. Pasensya ulit."

Lumingon siya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin pero bigla niya akong niyakap."Salamat dun sa pagpapahiya mo kanina." Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin tapos ngumiti siya sa akin. "Sinundan kasi ako ni Li. Tapos ni-reject niya ako."

"Ano namang masaya sa pagreject niya sayo?" Sabi ko ng may halong pagtataka.

"Kasi first time niya ako kinausap at mas lalo ko siyang hinangaan dahil dun. Ngayon malinaw na sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kanya. Naisip ko yung mga bagay bagay habang nandito ako. Oo aaminin ko nakakaiyak at masakit kasi hindi pala siya yung para sa akin pero kakayanin kasi baka dumating na yung nakalaan para sa akin. Hindi ko lang pala siya nakikita kasi nabulag ako sa kaka-fan girl ko kay Li." Sabi ni ateng pustiso.

"Ako din gusto ko pala magpasalamat sa yo dahil dito sa pustiso mo." Nilabas ko yung pustiso na hawak ko tapos binigay ko sa kanya. "Sorry nalagas yung isang ipin kasi nagmamadali ako kanina. Pasok na ulit tayo sa loob." Naglakad na kami pabalik sa party at business as usual, tinuloy ko pa din pagiging waitress ko sa loob.

Nagsimula na yung tugtugan sa loob. Kumakanta si Li sa stage. Oo, siya yung vocalist ng grimoire na tinutukoy nung ate kanina na nakalimutan ko itanong yung pangalan.

"Ang galing niya ano?" Sabi nung ate na nalaglagan ng pustiso habang nakangiti at kilig na kilig.

"Oo." Napangiti na lang ako tapos biglang lumingon si Li sa pwesto namin at ngumiti.

"Horeshet! Nakita mo yun? Ngumiti siya hala!" Sabi ni ate na nagtatatalon pa. Dyusko ate kung alam mo lang yung ugali niya sa classroom.

-

Tapos na yung party kaya nagliligpit na kaming mga naging staff dito. Mga alas-dose na natapos yung party kaya pagod na pagod na din ako at inaantok.

Maya-maya habang nililigpit ko na itong mga upuan nase-sense ko na may nakatingin sa akin mula sa malayo kaya naman nilapitan ko yung lugar kung saan ko napapakiramdaman yun.

"Hello? May tao ba diyan?" Habang palapit ako ng palapit dun sa kwarto na kung saan ko naramdaman yun ay kinakabahan ako lalo na at mag-isa na lang ako. Nasa labas na yung ibang staff kasi binuhat na nila palabas yung ibang gamit.

Hindi. Kaya ko ito. Matapang ako. Hindi totoo yang mga multo na yan kung sakali.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang nalaglag. "Sino ka? Ipakita mo ang sarili mo."

"Psst! Psst!"

"Lumabas ka hindi ako takot sayo!"

"Pssst!"

Lumapit pa ako bigla sa kwarto ng biglang may humatak sa akin at tinakpan yung bibig ko.

"Wag kang maingay kung ayaw mo na gumawa ng eskandalo sa labas. Hindi ko din tatanggaling tong kamay ko kung may balak kang tumili. Kilala mo na ba ako?"

Tumango na lang ako bilang pagtugon.

"Papaano ka nakapasok dito? Tsaka bakit ganito na ka-late nandito ka la din?" Tanong ko sa kanya habang papunta ako sa sofa na nandun.

"Nandito ako kasi gusto sana kita makita." Sabi ni Jade at tumabi na din siya sa akin. Tinamad na din siguro tumayo.

"Gusto makita? Pagkatapos mong hindi magtext sa akin ng ilang araw? Tsaka hindi naman kita nakita dito sa party ah? Sino muna nagpapasok sayo?"

"Kalma. Sunod sunod yung tanong mo. Si Amy nagpapasok sa akin dito."

Nung narinig ko na si Amy nagpapasok sa kanya kumulo na yung dugo ko. Tama nga hinala ko.

"Lumayas ka na dito bago ka makita ng mga guards o ako mismo magpapadampot sa iyo."

"Reigna..." Sinubukan niya akong yakapin pero wala na siyang talab sa akin. Hindi naman ako ganun ka-tanga eh. Alam ko kung ano yung narinig ko. Hindi naman ako bingi eh.

"Hindi na kita pipilitin pero sana bukas puntahan mo ako sa park na malapit dito. Hihintayin kita. Alam ko din na pagod ka na eh." Hinalikan niya ako bigla sa pisngi at lumabas siya sa bintana tapos bumaba siya sa baba mula sa balkonahe.

Pagkatapos niyang makababa, umakyat naman siya ng mabilis sa gate at nakalabas na siya. Kumaway pa siya pagkalabas niya.

Aba loko to ah? Dati bang akyat bahay gang itong taong to? Nagnanakaw ng halik amp.

Medyo nagulat pa ako sa nangyayari pero mayroon pa ding natitirang tanong na bumabagabag sa akin. Pupuntahan ko ba siya at magpapakatanga o hindi na lang at papabayaan ko siya ng hindi man lang lumalaban para sa kanya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little Miss Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon