Nagstart na yung party dito sa amin bago yung foundation day namin bukas. Pinayagan ng school makapasok yung mga outsiders kaya medyo madaming tao dito.
Nasa round table lang ako, hindi para kumain kung hindi para magserve sa kanila ng pagkain. Sayang din kasi yung 1k eh.
Naguusap usap na yung mga estudyante tapos si Amy hindi ko pa din nakikita tapos si Jade walang paramdam. Baka narealize na din nun na ang chaka ko pala talaga.
Magtatanggal na din ako ng pictures niya mamaya sa kwarto ko. (Leche sana yung mga crush ko bayaran bawat picture nila na pinupunit ko. Kasalanan kasi nila ito eh. Hindi nila ako pinupursue. See previous chapters.)
"Ms. pahingi pa nga ng isang cocktail diyan." Tawag sa akin ng isang babaeng estudyante dito. Maganda siya actually. Naka-black din siya na dress tapos kalat kalat na mascara niya. Mukhang yung tag tetrenta sa bangketa or galing sa tindahan na puro made in china.
"Miss, napasobra ka na yata? Kanina ka pa hingi ng hingi. Walang nalalasing sa juice." Sabi ko tapos inabot ko sa kanya yung isang baso ng "cocktail" daw kahit juice lang talaga. Feeling sosyal school ko eh.
"Pake mo ba? Eh problemado kasi ako eh." Tapos nakita ko na medyo maluha luha na siya. "Putspa nakakahiya kasi talaga yung ginawa ko sa harap ng crush ko eh." Hagulgol na naman niya.
" Crush lang yan. Tuloy pa din dapat ang buhay. Ako nga ang dami dami ko ng heartbreaks buhay pa din ako. Just love your life. Tsaka gaga. Pagpatuloy mo lang yang paginom mo para maihi ka. Ano ba yung problema mo? Pwede mong i-share sa akin yan kasi dati akong nagaadvise sa mga tao tapos may bayad." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"Weh? Baka nga?" Sabi niya ng may pagaalinlangan. Jusko sa dami kong naging trabaho tingin niya talaga hindi ko pa pinatulan tong pagaadvise?
"Naalala mo yung ms hopeless romantic na writer sa school publication? Ako yun. Wag ka maingay. Ito nga yung isa sa mga problema na pinadala sa akin eh."
(Tayo po ay magbabalik tanaw sa isa sa mga pinakanakakatouch na letter na sinend sa akin.)
Dear Ms Hopeless Romantic
Hindi ko alam bakit ako sayo humihingi ng advice kung ikaw mismo hopeless romantic
Mayroon po kasi akong crush. Sobrang galing niya po kumanta tapos po bokalista po siya ng grimoire
Ang dami niya pong fans tapos po lahat ng pagpapapansin ginawa ko na kaso wa epek po talaga eh. Tapos po one time po nalaglag po yung pustiso ko sa harap niya nakakahiya po talaga. Ano po ba ang dapat kong gawin?Nagmamahal,
Ateng hindi kapit ang pustiso."Laptrip talaga yang sinend niya sa akin. Shet! Ang epic nalaglag pustiso niya sa harap ng crush niya. Pakshet. Kaso hindi ko na nareplyan si ate kasi lunchbreak daw pinapublish yung newspaper. Baka daw hindi kayanin nung mga kumakain mabuga nila sa kaharap nila yung pagkain. Tanga naman nun. Hindi ba uso yung pandikit para sa pustiso niya?" Sabi ko pa habang tawa ng tawa.
Tinitigan ako ng matagal nung ate na umiiyak. Pagkatapos sumama bigla yung tingin niya sa akin.
"Ako yun."
Natahimik ako ng mga 1 minute dun.
"Ay hala. Ate, sorry." Sabi ko habang nakayuko. Tumingin ako sa paligid tapos tsaka ko lang narealize na ang dami ng nakatingin.
Tumakbo si ate palayo sa akin.
"Ateeee! Pustiso mo po nalaglag na naman!" Pinulot ko gamit yung panyo ko yung pustiso niya na nalaglag. Ibabalik ko na lang siguro sa ibang araw kapag hindi ko siya naabutan.
Hinanap ko si ate sa iba't ibang kwarto dun sa pinagganapan ng pre-foundation party.
Pero habang hinahabol ko si ate may narinig akong dalawang tao sa isang room. Nagtago ako at pilit kong inaaninag kung sino sila pero wala akong makita. Kaya pinakinggan ko na lang.
"Bakit mo ginawa yun? Papaano kapag nahuli tayo ng bestfriend ko?" Sabi nung babae. Hala. Anong nangyayari? Gusto ko sana umalis pero my tsismosa instinct is kicking in. Kaya dinikit ko lalo yung tenga ko sa pinto.
"Di ba mahal mo naman ako? Yun yung importante. Mas mahal kita kaysa sa kanya." Sabi nung lalake. Sus ate papaasahin ka lang niyan katulad sa bestfriend mo.
"Oo pero matagal na kaming magkasama. Para ko na siyang kapatid. Ayokong gawin ito sa kanya. Mahal ka niya." Sabi nung babae.
"Eh anong magagawa ko? Tao lang ako, nagmamahal. Hindi nga lang sa kanya. Hindi mo mapipilit ang mga bagay bagay. Tsaka hindi ko din siya maihaharap sa mga magulang ko kung sakali." Sabi nung lalake. Papaanong hindi maiharap yung babae? Kawawa naman yung pinag uusapan nila.
"Bakit?"
"Kasi kung tutuusin hindi naman kasi siya maganda. Ang childish niya pa. Tsaka nung ikaw yung una kong nakita tumibok na puso ko at hindi na mababago yun."
Pagkatapos nun tumahimik na bigla. Mukhang nag iisip isip na sila.
Naiiyak ako para dun sa pinaguusapan nila na bestfriend nung babae. Porket hindi maganda, hindi maihaharap sa parents? Anong kagaguham yun? Baka may ibang traits naman yung babae na mas maganda. Teka? Bakit ba ako nasasaktan?
Paalis na sana ako ng biglang...
"Hala? Ano yun?" Dinig kong usapan nung dalawang tao sa loob nung kwarto kung saan ako nakinig. Nagpapanic na ako shet. Bwiset na pustiso ito! Nalaglag bigla! Kung kailan paalis na ako.
Pinulot ko na lang yung pustiso gamit yung kamay ko kahit nakakadiri kasi wala akong choice.
Sinubukan kong maglakad na lang ng mabilis.
"Anong ginagawa mo?"
-

BINABASA MO ANG
Little Miss Hopeless Romantic
Genç KurguSiya ay isang Reigna, oo Reigna ng mga sawi sa pag ibig. Kung bakit?Tunghayan na lang natin sa istoryang ito. Kung hindi, isasama niya kayo sa ieembalsamo niya dahil isa yun sa mga raket niya. Sino kaya ang Mr. Perfect para sa kanya? O sawi na naman...