"Ayan naka-set up na lahat! Kuya salamat po talaga." Sabi ko dun kay kuya na tumulong sa akin mag set-up.
Ang ganda ganda talaga sa lugar na napili niya. Sigurado ako na magugustuhan niya lahat ng ito.
Yung pagkain kaya namin sosyalin ako pa nagluto! Fried anchovies sautèd in garlic. O diba sosyal na sosyal pakinggan! Tapos yung inumin namin Nestea Cranberry flavor.
Nagtext na siya sa Nokia 3310 phone ko na parating na daw siya kaya inayos ko na yung dress ko na kakulay ng balat ko. Diba sosyal din ng phone ko sikat na sikat. Nakikita ko din to sa ibang story dito sa wattpad eh.
Nakita ko na siyang kumakaway nasa malayo pa lang. Hala shet! Ang gwapo niya talaga...
Umayos ka nga Rie! Pa-demure lang dapat.
"Hi Rie. Anong meron? Ang ganda ah? Pati ikaw. Bagay sayo yang black na dress mo nagmumukha kang maputi kahit papano." Sabi sakin ni Ji.
"Grabe Ji mapagbiro ka talaga. Sige upo ka na." Tapos umupo na kami parehas.
"Wow! Sakto gutom na gutom na ako. May pa-dilis ka mayora ah!"
"Hui! Wag mo naman ako ibuking sa readers. Sabi ko sosyalin yung pagkain eh." Bulong ko sa kanya.
"Bakit? Basta luto mo sosyal. So matanong kita ano bang meron?" Sabi ni Ji habang patuloy sa pagkain.
"Kasi Ji gusto ko na sana sabihin sayo ito eh ano kasi..." sabi ko sa kanya ng biglang tumunog yung telepono niya.
"Wait lang Rie ah?" Nakaupo pa din siya sa upuan niya habang sinasagot yung tawag. "O ma, bat po kayo tumawag? Hala? Talaga po nandyan si Bi? Bat di po niya sinabi sakin? Ay oo monthsary namin. Pakausap po kay Bi..."
Teka? Bi? Bisexual? Ouch. Ang sakit. Monthsary? Baka naman sa bayaran ng renta? Teka pero? Bakit di ko alam yun?
Tapos ayun nag usap na nga sila ng pagkatagal tagal, lam niyo yung mga recently napopost sa fb na sobrang habang message para sa monthsary? Oo ganun din to kaso sa tawag nga lang. Nakabusangot na yung mukha ko habang kilig na kilig si gago.
Kinain ko na lang yung pagkain na nasa harap ko kasi isang oras na sila nag uusap. Naplano ko na future ko pati di pa din sila tapos. Nakain ko na din yung pagkain na nasa plato niya.
"Bye bi, oo bi punta na lang ako dyan sa bahay. Dun ka magssleep over? I love you. Rie pst! Rie gising!" Sabi ni Ji.
"Ay sorry Ji, ano yun?" Sabi ko
"Nasaan na nga ulit tayo. Ano yung sasabihin mo sakin? Sabihin mo na kasi magdedate kami ni Bi, dun siya makikitulog sa bahay mamaya." Sabi ni Ji sakin na munggagong kinikilig pa .
"Ano, wala. Sabi ko liligpit ko na tong lahat. Oo sabi ko nga. Bye Ji! Wag mo kong gawing ninang ng maaga ah?" Sabi ko sa kanya habang kunwaring nakangiti.
"Sige Rie ingat ka ah?" Tapos tinitigan niya ako at hinawakan yung kamay ko. "Salamat sa pagkain babye."
Tapos nakita ko siyang papalayo. Aba loko yun! Ginastusan ko kaya ito! Nakngtinapa! Dapat ikaw dishwasher dito! Walangya ka!
Pagkaalis ni Gio narinig kong kumukulog. "Nak ng teteng naman o! Bakit di ko ba inisip na kung papaano kapag ka umulan? Teka..."
Flashback
"Sure na po ba kayo na ayaw niyo po palagyan ng tent? Pano po pag umulan." Sabi nung kuyang kasama ko mag ayos.
"De okay lang kuya, romantic po kapag ka ganyan. Yung pag umulan po maglalaro kami sa ilalim ng ulan tapos mag aaminan kami sa isa't isa." Kilig na kilig kong sabi.
Reigna ka nga talaga.. Reigna ng kagagahan. Putspa pano to? Ang dami kong tatanggalin. Sayang pati yung christmas lights na ininstall. Dapat talaga fairy lights kaso lam niyo naman, magpapasko na.
Tinatanggal ko yung christmas lights ng biglang umulan.
"Tangna may milo naman o!"
Napahiyaw ako kasi nagulat ako ng naground ako tas nagsiputukan yung bumbilya. Nalaglag din ako pati sa hagdang kahoy. "Hype na yan, ang sakit pala magka-sparks." Pumutok din pati yung extension na pinagsaksakan ko ng christmas lights na binili ko lang yan kay aling Bebang sa halagang singkwenta. Hype na yan depektib pala yun.
Umuulan na nung oras na yun. Kumukulog, kumikidlat tapos may hangin din. Giniginaw na din ako. Kaso wala akong choice kung hindi iligpit dun kasi magbabayad ako ng isang libo sa baranggay. Nak ng teteng, pinanghanda ko na nga tong sahod ko sa punerarya para dito eh.
Well, hindi naman gaanong nagastusan kasi yung damit na suot ko hiniram ko sa isang patay dun sa punerarya. Bukas pa naman siya ililibing eh bakit ba?
"Pucha ka talaga Ji! Hype ka! Ano bang kulang? Minahal naman kita! Pagod na pagod na ako magayos nung dekorasyon dito!" Sinabi ko habang nakasalampak sa sahig at naiyak.
Pagod na kasi ako alam niyo ba yun? "Ginawa ko yung lahat para maging special tong araw na ito. Minahal kita ng buong puso. Hype ka talaga. Kahit limang araw ka ng hindi naliligo kaka-DOTA mo! Tapos kasing amoy na nung mga ineembalsamo kong patay yung hininga mo, kahit na yung uniform mong puti naging brown na! Alam mo ba nung nilabhan ko mga damit mo, nahirapan ako! Ang hirap tanggalin nung stains at paputiin lalo na at brand x yung ginagamit kong sabon. Ayoko na! Ako, si Reigna Flores de Mayo ay sumusumpang never na kong maiinlove sayo! Tandaan mo yan! Next time manghihinayang ka na iniwan mo ako! Maghihiganti ako!" Tapos biglang kumidlat at kumulog habang umiiyak ako na nakasalampak pa din sa sahig.
May dumaan dun sa tabi ko na may hawak ng payong. Napatingin ako kasi baka bumalik si Ji...
Pag angat ko ng ulo ko...
"Miss ito 200. Kailangan mo yan. Huwag mo lang ipang-rugby okay?"
-
BINABASA MO ANG
Little Miss Hopeless Romantic
Novela JuvenilSiya ay isang Reigna, oo Reigna ng mga sawi sa pag ibig. Kung bakit?Tunghayan na lang natin sa istoryang ito. Kung hindi, isasama niya kayo sa ieembalsamo niya dahil isa yun sa mga raket niya. Sino kaya ang Mr. Perfect para sa kanya? O sawi na naman...