VIII

6 0 0
                                        

Na-stun ako sa sinabi niya. Oo literal na na-stun alam niyo yung parang sa skill ni Earth Shaker at Sven? Ganun. Kung sino sila, maglaro kayo ng Defense of the Ancients.

"Ano ulit Jade?" Usal ko.

"Sabi ko Reyna ka ng mga magaganda."

"Gusto mo dalhin na kita sa opthalmologist? Ay wait. Ako na pala yung magpapapirma dito. Next time na lang ha? Bye." Tapos binaba ko na kaagad yung telepono.

Tapos may nakita akong text galing sa kanya.

"Hindi mo man lang ako pinatapos magsalita. Lovelots ingat ka."

Hala? Anong kabaliwan na naman to Jade? Pa-fall ka din eh.
-

"Ang lapad ng ngiti mo ah? Anong meron? Tsaka kanina mo pa hawak yang cellphone mo?" Sabi ni Amy.

"Ah eh wala!" Tapos tinago ko sa likod ko yung phone ko.

"Patingin nga sino ba yang katext mo? Bat di ka nagsasabi sakin?" Tapos tinatry niya kunin yung telepono ko kinikiliti niya ako pero strong ako di ako papakabog. "Rie! Si Jade o!" Tapos lumingon ako at yun nakuha niya na nga yung cellphone ko. Nakita kong tinignan niya yung messages ko.

"Ano Amy sorry.. hindi ko sinabi tungkol-"

"Ah okay lang yan. Bagay naman kayo eh. Tsaka bakit hindi mo sinabi about dyan sakin?"

"Kasi sabi mo diba gusto mo siya? Kaya hindi ko na lang sinabi sayo."

"Keep it up! Okay lang ako baliw."

"Talaga ba?"

"Oo, ay nga pala, habang wala ka eh nagkaroon ng bunutan para sa Foundation Day. Kasi sasayaw daw parang ganun bago yung party.. Naisipan nila na ipartner ka kay Li."

"Ayos ah, bunutan pero naisipan nila? Ang lupet ah."

"Actually nagbunutan talaga kaso since wala ka at nagkulang ng isa naisip nila na kayo daw."

"Ah dapat kasi nilinaw mo. Papaano yun? Hindi pa kami bati ni Li eh. Hindi ba siya nagprotesta o ano?" Sabi ko.

"Hindi na lang siya umimik nun eh. Edi mag-ayos kayo hindi na pwedeng palitan eh. Ang awkward naman kung magkasama kayo sa practice tapos hindi kayo bati diba?"

"May point ka dyan Amy." Tapos tinignan ko si Li sa upuan niya at saktong lumingon siya sa kinaroroonan ko.

Tumayo ako para lapitan si Li. Ako na lang magsosorry... palagi naman eh kahit kasalanan niya talaga. Ang gulo din kasi ng mokong na ito eh. Di ko alam takbo ng utak niya kung tutuusin.

"Hoy lalake. Sorry na." Sabi ko.

"Babae ganyan ba magsorry?" Sabi niya habang nakakunot yung noo.

Bumuga muna ako ng hangin bago ako nagsalita.

"Liam Encarnacion... Sorry na. Bati na tayo."

"Kailan ba tayo nagkabati?"

"Never yata? Parang hindi ko pa naranasan na bati tayo."

"O alam mo naman pala eh. Sorry na din dun sa mga nasabi ko sayo. Basta ayun. Alam mo na ba yung tungkol dun sa presentation natin sa foundation day?"

"Oo, nabanggit ni Amy."

"May practice daw mamaya kaya ayusin mo sarili mo mamaya."

"Tanga, papawisan ka din magaayos pa? Lupet mo din eh."

"Oo na. Basta umattend ka kundi lagot ka na naman sakin."

"Wow ha? Kapal ng mukha eh. Oo na."
-

Pagkatapos ng klase namin eh magpapratice na daw kami since 1st day pa lang naman ng practice mabilis lang muna yung practice since may 5 days pa kami para magpractice at tsaka limang minuto lang yung kanta. Kayang kaya daw namin yun. Taas ng tiwala niyo sa amin ah? Eh puro kaliwa paa namin. Tsaka alam nila na may raket pa ako mamaya.

"So yung sasayawin niyo para sa foundation day ay..." Syempre di ko sasabihin kasi surprise na yun para sa mga readers. Try niyo na lang i-comment kung ano sa tingin niyo yung sasayawin namin para sa foundation day. Joke lang siyempre pero surprise na din yun. Sabi pala yan nung kaklase ko na magiging choiro? Coreo? Choreographer namin. Basta ayun. Tama naman siguro yung spelling.

Nagstart na kaming sumayaw sayaw nakatingin lang ako kay Li habang sumasayaw. Ang gwapo talaga ni Li..

"Li.. Liam.." Sabi ko tapos..

"Aray!" Napabitaw sa akin si Liam at hinawakan yung paa niya."Rie ano bang problema mo?!"

"Hala.. sorry.. sorry talaga aayusin ko na." Yuko ako ng yuko sa kanya para magsorry tapos tinignan ko yung paa niya. Buti nalang hindi ganun kalakas pag apak ko sa paa niya. Na-space out kasi ako.

"Okay lang. Tara na balik na tayo sa pagprapractice." Nginitian niya ako tapos sumayaw na ulit kami.

Ngayon eh nagbibigay na ako ng atensyon sa mga steps kasi baka matapakan ko ulit siya.

Tinitigan naman niya ako ngayon at naconscious ako bigla at mas lalo kong inayos yung pagsayaw ko.

Sa totoo lang magaling siya magdala ng partner sa pagsasayaw sayang nga lang eh in a relationship na siya ngayon. Sa relasyon kaya magaling siya magdala?

Pinaikot niya ako habang hawak niya yung kamay ko tapos pumalakpak na bigla lahat.

"Whooo!! Tapos na din ang first day natin. Pack up na tayo ngayon at thank you kasi ang dadali turuan nung mga napili hindi tayo magkakaproblema basta may consistency tayo sa practice." Sabi nung kaklase namin. "Kaya natin ito! fighting!"

Tapos nagpalakpakan ulit kaming lahat.

Pagkatingin ko sa phone ko may nakita akong limang bagong mensahe.

"Hi, nasaan ka ngayon? Kumain ka na?" Pangalawa. "Bakit di ka nagrereply?" Pangatlo. "Namimiss na kita ui." Pangapat. "Nakauwi ka na?" Last. "Gusto mo sunduin kita?"

Na-shock naman ako dun sa huli at muntik ko na maibuga yug iniinom kong tubig.

AKO?! SUSUNDUIN NI JADE? SERYOSO BA YAN?

"Hi Jade, sorry nagpractice kasi kami ng sayaw para sa foundation di ko naman pwede na basta na lang iwan yung partner ko eh." Sabi ko.

Nagreply kaagad siya.

"Partner? Sinong partner?"

"Si Liam."

"Sino si Liam? Tsaka sweet ba yung sayaw niyo? Sigurado ako kaliwa paa nun at natatapakan niya yung paa mo."

"Magaling siya sumayaw actually. Nadadala niya ako kapag sumasayaw siya. Ako nga yung kaliwa yung paa actually. Siya yung natapakan ko ng hindi sinasadya kulang lang siguro ako sa practice."

Nagring yung telepono ko at agad ko namang sinagot yun..

"Jade?"

"Susunduin kita bukas na bukas din." Matapang niyang sagot sa akin na lalong nakapagpagulo sa utak ko.

Little Miss Hopeless RomanticMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon