III

15 5 0
                                        

"Psssst! Taba! Ui!"

"ANO?!"

"Sungit! Akala ko ba crush mo ako?"

"Nung di ka pa tinutubuan ng sungay oo! Ano bang kailangan mo?"

"Wala lang. Wala ka kasing gana kumain nakakapanibago baka pumayat ka!"

"Pake mo ba Li? Ayaw mo nun? Pag binugbog mo ko uli di ka na tatalbog sa kin?"

"Di nga ako sanay!"

Yung kausap kong tukmol diyan. Oo si Li yan kinukulit niya na naman ako mukhang tanga. Di ko kasi pinapansin yung pangangalabit niya gamit yung paa niya. Okay lang naman atleast walang amoy di katulad nung mga damit ng kuya niya. Amoy isang buwang walang ligo. Pwe! Bakit ko ba kasi naging crush yun?

"Alam mo Li, kung wala kang mapagtripan mag aral ka na lang ng Biology. Bobo mo pa naman dun."

"Atleast hindi ako panget at mukhang pwet ng kaldero.

"Hindi naman ako bobo, that's all that matters. Pag nakagraduate ako with flying rainbow colors, makakapagtrabaho ako tapos pwede na akong mag gluta."

"Ang taba mo pa din. Mapimples ka pa. Kaya di ka magustuhan ng mga lalake eh."

"Okay lang atleast hindi ko kasing sama yang ugali mo. Kahit papaano hindi naman ako insensitive at nakikiramdam ako sa kapwa ko."

Maiiyak na sana ako ng bigla akong hatakin ni Amy. "Li, hiramin ko muna tong gagang to ah?"

"Sige lang, kahit wag niyo pang pabalikin dito." Sabi ni Li.

Dinala na nila ako sa ako sa may cafeteria tapos bumili siya ng turon at softdrinks.

"Ano ba problema mo?" Sabi ni Amy. "Kainin mo na yan. Libre ko nga yan eh."

"Wala akong gana." Sabi ko. Tapos sumalampak ulit yun ulo ko sa lamesa.

"Ah ganun ah? Isa. Dalawa. Tignan mo kahit si Li hind sanay na ganyan ka jusko." Tinitigan ko lang si Amy tapos papaiyak na ako.

"Eh kasi Amy ano eh... crush ko na kasi si Ji..." naibuga bigla ni Amy yung iniinom niya sa mukha ko na mas lalong nakapagpaiyak sa akin. Sinisinghot ko na nga lang pabalik uhog ko eh.

"Ay bes sorry. Sino ba? Yung kapatid ni Li?" tapos pinunasan ni Amy yung mukha ko na nabugahan niya ng juice.

"Shet. Ang refreshing in fairness. So yun nga. Oo siya nga. Eh kasi ang gwapo niya tapos mas mabait siya kay Li eh." Humikbi hikbi muna ako tapos pinunasan yung uhog ko gamit yung kamay ko. "Wala ka bang tissue?"

"Ay sorry. Eto o." Tapos inabot ni Amy yung table napkin na isang pack.

"Sabi ko tissue?"

"Pwede na yan. Ang arte eh. Tuloy mo chika mo." Sabi ni Amy.

"Tapos ayun. Ang dami kong effort... pwede basahin mo na lang yung chapter one at two?" Sabi ko.

"Sapak gusto mo? Nilibre na mga kita ng pagkain eh." Seryoso niyang sabi.

"Ayun nga, naging crush ko siya kasi ang gwapo niya tapos ayun mas mabait siya kay Li. Sobra akong nag effort, sa paglalaba pa lang ng mga brip at damit niya jusko day! Tapos nagkasparks kami nung mga plug ng kuryente tapos nanghiram ako ng damit sa patay."

"Okay lang yan." Pang aalo niya sa akin.

"Why did he do this to me! I cant take it anymore!" Sabi ko sabay iyak ulit. "Pero pinaka hindi ko matanggap eh yung may gwapong lumapit sakintapos nag abot ng 200."

"Woah! Inabutan ka ng pera? San kayo pumunta? Tell me the juicy details." Nagningning yung mga mata niya.

"Inabutan ako ng pera kasi akala niya pulubi ako at wag ko daw ipang-rugby."

"Pffttt! Mukha ka palang nasinghot ng rugby eh hahahaha!"

"GAGA! Namumula mata ko nun, pero hindi ako adik. Umuulan lang tapos umiiyak ako! Ang talino mo din eh nuh?" Tumigil na siya kakatawa ng marealize niya yung mga sinabi ko sa kanya. "Tsaka na-bitch slap ako ng katotohanan na si Li, yung kaya niya lang gawin sakin is inisin ako at pahirapan yung damdamin ko. Kanina alam mo ba sobrang napuno ako. Gusto ko sana ipalaklak sa kanya lahat ng sabong brand x na ginamit ko para sa mga damit ng kuya niya eh. Alam ng nasasaktan yung tao eh."

"Oo nga nandun na tayo pero tandaan mo, kaklase pa din natin si Li kaya hindi mo siya maiiwasan. Yung kay Jo madali na lang eh."

"Oo nga Amy, willing naman ako kag move on sa kanya eh." Sagot ko kay Amy habang nakangiti.

Bumalik na kami ni Amy sa klase kasi may tatlo pa kaming subject para sa araw na ito. Pagbalik ko sa lamesa may nakalapag na papel.

Taba,

Sorry at tsaka eto yung mga tsokolate para sayo. Lumusog ka sana.

Hype na yan. Di ko talaga medetermine kung seryoso siya sa pagsosorry o hindi eh. Pero okay na din atleast marunong siyang magsorry.

"Pst! Miss! Lapit ka nga dito." Napakunot yung noo ko kasi hindi ko alam kung ako ba yung tinatawag niya.

"Huh? Bakit?" Sabi ko na may halong pagtataka.

"Ano kasi. Nagkamali ako ng table na nilagyan ng letter eh. Sorry miss akin na po yung letter. Sorry po ulit and have a nice day!" Sabi nung lalake.

"WALA NG NICE SA DAY KO!" Binatukan ko siya bigla sa sobrang inis ko. "Ipalamon ko sayo yang papel eh. Libreng tsokolate na sana binawi mo pa!'

Pagkatapos sa table pala nung isa kong chubby na kaklase ilalagay yung sulat. Umasa ako. Bastos! Okay na sana kami ni Li walangya naman..

-

Little Miss Hopeless RomanticMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon