VII

19 5 0
                                    

Yung nabasa niyo last chapter expectation lang yun. Eto talaga yung laman nung text.

"Hi, ako nga pala yung nanghingi ng number mo kanina sa simbahan. anong pangalan mo?"

Yan talaga yun, expectation ko lang yun kaka daydream na magkasama sila. "Uhmm ako nga pala si Reigna Flores de Mayo. Ikaw si Jade diba?"

Sending...

Hala? Bakit ayaw magsend? Anong oras na ba? Ay oo 9 pm na. Nako naman kung kailan nagreply si Jade tsaka naman. Nako nako! Ayoko na. Expired na pala yung promo ko. Hmmm... lalabas pa ba ako? Chineck ko yung bintana para kapag walang tao eh bababa ako kung may akyat bahay gang, ako baba bahay gang! Eh kaso mag isa ako kaya hindi siya gang.

Pagkasilip ko, nak ng teteng! Nandun yung nagaadik na tumingin sa bintana nung umuulan sa previous chapter. Nakatingin siya dito sa taas kasi napansin niya yata ako tapos ngumiti. Nginitian ko na lang siya ng pilit. Then may binato siyang papel dito sa bintana na naka-wrap sa isang bato... kinuha ko yung papel tapos binuksan.

My girl on the up window,

Like I the your smile even its made in china. I like you but dont you like me. I saw just another woman in love and I think I born for her.

Please release me.

Sumakit ng bahagya yung ulo ko sa nabasa ko. Dapat tinagalog na lang niya eh. Pagkabalik ng tingin ko sa labas ng bintana nakita ko siya na may kasamang babae na mukhang nagaadik din tapos naglalampungan na sila bigla. Yuck!

Binato ko sila nung bato na kasama nung papel sabay sabi ng "Nak ng tokwa! Kung maglalandian kayo wag dito okay? Ipapatokhang ko kayo!"

Ang bilis ng takbo nila takot matokhang eh. Habang ako tawa ng tawa. Hindi na lang ako magpapaload. Bukas na lang siguro baka maayos na yung phone ko bukas at makatanggap na ng text ng maayos.

Humiga na lang ako sa banig ko at tumitig sa kawalan. Nagiisip kung papaano ba yung magiging takbo ng usapan namin.

Naaalala ko na naman yung usapan namin ni Amy. Gusto niya din si Jade pero papaano na to? I-reto ko kaya si Amy? Wag na pala ang panget ng dating tsaka si Amy naman magagalit sa akin pag nagkataon. Ano ng gagawin ko?
-

Kinabukasan ang aga ko nagising para pumasok sa eskwela. Nasa 2nd year high school na pala ako. Masaya naman yung buhay ko sa eskwela tsaka mahina di ako sa math. Sa tingin ko common na mahina yung mga tao sa math or hindi interesante yung subject na yun para sa karamihan. Sinubukan ko naman na gustuhin eh. Kaso wala...

Nakakailang palo sa akin noon si Mama tsaka luhod sa asin kasi ang baba ng mga exam ko. Kaya ayun sinabi ko sa sarili ko na mage-excel na lang ako sa ibang subjects kaso sabi ko nga wala talaga pero atleast nakakasama pa din ako sa top 20 ng klase namin. Kasi 20 lang din naman kaming estudyante.

Pagkadating ko ng school namin.. Pucha. Ang haba ng pila! Anong oras na ba? 7:05 pa lang ah. Shet. Late na ako! Dali dali akong tumakbo dun sa disciplinarian namin na nasa unahan ng pila.

"Ay! Bastos naman eh singit!"

"Singit na nga mukha ka pang singit."

Tapos tumawa yung mga tropa magkakatropa ata na nasa bandang unahan ng pila ng mga late. Inirapan ko na lang sila tapos kinausap ko yung disciplinarian namin. "Sir, 5 minutes lang po akong late pwede na po ba ako pumasok sa room?"

"Hindi."

"Eh sir, magaattendance po sila sa room tsaka recitation po."

"Sinabi kong hindi! Hindi! Pumila ka na dyan sa linya at gumawa ka ng excuse letter na may pirma mo."

Pumunta na lang ako sa pila katulad nung sabi niya. Ano ba yan ang higpit nila masyado sa late nakakairita naman. 5 mins. lang naman eh. Tinext ko yung mga kaklase ko na late ako since yun naman sabi nung disciplinarian namin. Hmmm... May plano akong gagawin mamaya.

Sobrang haba ng pila dito na sa tingin ko papatapusin yung first subject ko kaya naisipan ko na makipagtext muna sa mga nasa klase. Lakas mangistorbo eh.

1 message received.

"Goodmorning. Kumain ka na ng breakfast mo ah? Ingat."

Hala! Si Jade nagtext! Ang sweet niya. Nakakakilig! Mag ingat daw ako. Sa tingin ko namumula na yung pisngi ko. Ay hindi pala ako maputi!

"Oo, kumain na ako. Na-late nga ako eh nasa pila ako ng mga late. Im Reigna Flores de Mayo. Ikaw anong pangalan mo? Diba Jade?" Reply ko yan sa kanya.

"Oo, Jade.. Jade Salvacion. Ang saklap naman ang tagal mong napila diyan. Sana nandyan ako para may kakwentuhan ka."

"Okay lang yun. Nga pala, ikaw ba? Kumain kana? Wala ka bang pasok?"

"Meron kaso wala pang teacher eh."

"Ang bait mo naman ang aga mo pumasok."

"Hindi naman. I want to know you more. Magkwento ka lang sakin."

"Ikaw muna. Teka bakit mo pala hiningi number ko?"

"Ano kasi... uhmmm.. nagandahan ako sayo."

"Mambobola. Baka naman naduling ka lang tapos dun sa kasama ko ikaw talaga nagandahan?"

"Sayo nga. Ikaw yung nakasalamin diba? Tsaka black na t shirt at mahabang palda na pink?"

"Oo, ako nga. Ayos. Magpasalamin ka na ang labo ng mata mo."

Hindi ko man aminin pero kinikilig ako nung sinabi niya na maganda ako. Siya lang nagsabi nun sakin. Despite the fact na hindi naman talaga. Yung buhok ko kulot na hanggang balikat tapos may bangs pa ako eh ang liit naman ng noo ko. Pagkatapos ang taba ko, pango ako, maliit ako at maitim ako. Para akong drums o gasul. Manang ako magdamit at may salamin din ako. Tama si Li, ma-pimple din ako at makikita mo yung bakas ng nakaraan ng mga tigyawat ko sa mukha ko kapag natitiris ko sila sa sobrang inis ko.

Hindi ko alam kung mafflattered ako o maiinis nung sinabi niya na maganda ako. Pero mas nangibabaw yung kilig. Biruin niyo naman kasi yung ganung lalake? Na matangkad, singkit ng konti, kayumanggi, matangos yung ilong, matipuno tsaka ang ayos ng buhok niya. Maliban pa dun eh nagsisilbi din siya sa simbahan. Nakakahiya nga sa kanya na sinasabihan niya ako ng maganda ako eh.

Tumunog yung telepono ko tapos sinagot ko yung tawag.

"Reigna.. tandaan mo ikaw ang Reigna ng kagandahan.."

-
A/N:  Hi guys! So thank you dun sa mga sumusubaybay sa kwento ni Reigna. Si Jade na kaya yung magiging Mr. Perfect niya? O hindi dahil gusto din ni Amy si Jade? Ano pa kaya yung mga magiging trabaho ng Reyna ng iba't ibang raket at ng mga sawi?Tunghayan sa mga susunod na chapter!

Don't forget to Vote, Comment and Follow.

P.S. Hindi naman ako nangangain eh.

Little Miss Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon