This is it pansit! Ngayon na yung performance namin nila Li! Excited na talaga ako since alam ko hindi naman ako ganun ka-galing sumayaw eh. Natatapak-tapakan ko pa nga siya nung practice eh. Partida waltz lang naman sasayawin namin.
Kung itatanong niyo yung about sa pagsundo sa akin ni Jade? Hindi ko alam kung anong nangyari dun since hindi siya pumunta.
Sinusubukan ko tanungin siya kung bakit pero iniiba niya yung usapan. Pagod lang siguro yun kasi finals tapos may ginagawa pa siya sa simbahan.
Sabi niya pupunta daw siya dito ngayon eh para manood ng performance namin pero tinetext ko siya kanina pa walang reply.
Siguro isusurprise niya ako? Ang feeling ko naman masyado.
Friends lang kami nun. Oo friends lang talaga since nagpalit siya ng profile picture niya tapos may kasama siyang babae dun.
Araykobe! Pero sabi niya tropa lang daw sila at nililigawan niya yung babae. Nukayayun? Kaya after nun friends na lang talaga kami.
Mabilis ba talaga ako palitan?
"Bakla! Tapos ka na make up-an! Nagenjoy ka naman masyado!" Tapos tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Ang galing talaga nentong baklang to mag make up. Bale light lang ginawa niya. Kinilayan niya ako kasi kilay is life daw. Tapos naka-mascara ako then yung foundation na ginamit niya mataas yata coverage since di ko na nakikita pimples ko. Tapos nilagyan na ako ng liptint lang para kahit kumain daw ako makapit pa din.
Paano ko nalaman yan? Malamang nageembalsamo nga ako ng patay diba? So minemake upan sila bago ilibing. Yung buhok namin naka-bun lang tapos may ilang strands na kinulot tapos nakalaglag sa harap tapos black na dress since black and white daw
"Bakla! Salamat! Ganda ko na o!"
"Minsan lang yan! Hahahaha." Sabi niya.
Tapos biglang pumasok si Liam sa lugar kung saan kami minemake upan.
Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa.
Ang gara ng itsura niya ngayon kasi naka suit siyang itim din.
Nakatulala siya saglit tapos biglang nag ayiieee si bading. Nagulat siya tapos sinabing.. "Ang panget mo mukha kang bading."
Ayy? Ano bang banat yun Liam?Umasa ako eh. "Ikaw din sa wakas di ka na mukhang taong grasa."
"Tara na nga! Magsstart na yung performance!" Hinatak niya ako tapos tumakbo na kami paalis.
Pagkahinto namin pinitik ko noo niya. "Anong magsstart performance? Eh memakeupan pa yung dalawa?" Tinitigan niya lang ako ng masama tapos may inabot na pagkain sakin.
"O, kumain ka muna baka pumayat ka." Sabi niya tapos may inabot na pan de coco at tubig.
"Cheap nento pan de coco tsaka tubig lang."
"Okay na yan. Arte nento eh. Para di ka magutom mamaya."
"Oo na! Taena thank you pre. Kunin mo yung isa dito di ako ganun katakaw."
Tapos kumain lang kami habang hinihintay yung iba pa. Okay na din na ganto set up namin ni mokong. Masaya naman kami eh.
-
Sumilip ako mula sa backstage para malaman yung dami ng tao tapos shet na malagkit.Bakit ang dami? Akala ko ba maliit na party lang ito? Pisti. Kinakabahan ako.
Kung nagtataka kayo kung ano itong performance namin eh dahil sa Valentine's Day ngayon kaya naisipan nila na bago yung rakrakan na mga event eh may magsasayaw ng waltz para sweet daw kaya after nito puro mga rakista na magpeperform basta ganun.
BINABASA MO ANG
Little Miss Hopeless Romantic
أدب المراهقينSiya ay isang Reigna, oo Reigna ng mga sawi sa pag ibig. Kung bakit?Tunghayan na lang natin sa istoryang ito. Kung hindi, isasama niya kayo sa ieembalsamo niya dahil isa yun sa mga raket niya. Sino kaya ang Mr. Perfect para sa kanya? O sawi na naman...