VI

13 5 0
                                    

Madaming nangyari sa buong linggo ko. Ang dami ko ding naging raket sa linggo na ito kasi magpapasko na daw. Kung ano yung mga raket ko? Secret na yun. Kami ni Li, kung itatanong niyo hindi na kami nagkabati. Si Amy, wala pa ding sinasabi sa akin. Linggo ngayong araw. Tama, nasa simbahan kami tapos katabi ko si Amy. Taimtim kaming nakikinig sa misa ngayon.Kung ano man yung nililihim niya sa akin eh pinagdasal ko na lang na sana sabihin na niya. Wala kasi talaga akong idea kung ano natakbo sa utak niya kasi kapag kasama niya ako hindi niya ako masyadong kinakausap which is nakakapanibago?

Tapos na yung misa, papaalis na ako ng biglang..

"Ate, hi po. Ano po kasi ano daw po number niyo?" Tapos inabot sa akin yung Nokia 3310 na kulay itim.

"Sino nanghihingi baka nagkamali ka lang? Hindi ako nagbibigay ng number ko baka scam yan tapos nakaw load. Ayoko ng ganyan." Sabi ko dun sa bata.

"Dali na po ate please. Siya po nanghihingi o." Paglingon ko shemay... seryoso ba tong batang to? Eh kaso ngumiti si Jade hala? Totoo nga!

Tinype ko na lang ng mabilis yung number ko tapos inabot ko dun sa bata at nginitian. Ngumiti din ako kay Jade mula sa malayo. Buti nalang hindi ako maputi kung hindi malalaman niya na namumula na ako nakakahiya pa naman. Dapat pakipot muna ako.
-

Pagkauwi ko chineck ko yung telepono ko kung may nagtext.... wala. Baka busy? Oo tama baka busy.

Maglilinis muna ako ng buong bahay baka sakaling magtext siya sa akin?

Alas dose na ng tanghali wala pa din eh 9 am natapos yung misa ah? Baka naman pumunta sa susunod na parokya tapos inutusan ni Father? Sige konti pang hintay. Kakausapin ko muna si Amy.

"Amy! Makikikain ako!" Sabi ko habang nakatok sa pinto nila.

"Sandali lang! Daing lang ulam namin bahala ka sa buhay mo!" Pagbukas niya ng pinto nakita niya ako at agad pinapasok. Umupo ako kaagad dun sa lamesa nila since siya lang naman tao dito. May trabaho kasi mga magulang niya eh.

"Nasaan na pagkain?" Sabay ngiti ko sa kanya ng malawak.

"Ayan na! Sa harap mo."

"Ang sweet mo shet! May pa ice cream ka pa. Halatang bagong bili o, may yelo pa straight out of the freezer!" Pagkabukas ko nung container nadismaya ako. Oo nga galing freezer yung laman. Tilapia. "Traydor talaga tong lagayan ng mga ice cream eh nuh?"

"Masiba ka kasi. Ayan lutuin mo yan ng makakain na tayo. Bigla mo akong nilayasan pagkalabas natin sa simbahan eh."

"Oo na madam, magluluto na po ako." Pinirito ko na yung tilapia tapos kumain na kami.

"Bakit pala di mo ako kinakausap kanina sa simbahan? Tahi-tahimik mo. Hiningi lang number mo eh." Sabi ni Amy habang kumakain kami ng nakakamay.

"Eh ikaw! One week kang hindi nakikipag usap ng matino diyan sa akin. Ano bang meron?" Nilublob ko yung daliri ko dun sa palanggana na panghugas ng kamay tapos iwinisik ko kay Amy yung tubig.

"Ang bastos nento!" Winisikan niya din ako ng tubig.

"Ano nga kasing meron?" Winisikan ko siya ng dalawang beses.

"Eh ikaw bat hiningi number mo?" Nagwiwisikan lang kami ng tubig dun bawat salita namin.

"Hindi ko alam. Anong malay ko dun?"

"Sus. Kayo na ano? Umamin ka na ba?"

"Hoy Amelita! Hindi ako easy to get. Tigilan mo ako. Eh ikaw? May gusto ka ba sa kanya kaya ka kinilig sa sinabi ni Kim na bagay kayo last chapter?"

"Hindi ah! Sinabi ko lang na gwapo siya pero di ko siya crush!"

"Sus eh bakit ka namumula? Sabihin mo nga? Ano ako bulag? Bakit di ka makasalita? Talo ka pala eh!" Tatawa na sana ako ng bigla niyang ibuhos sa akin yung tubig na amoy malansa tapos may kanin kanin pa.

"Takte Amy! Ang lakas mo mapikon langya! Nakaka-wet ka mapikon!" Tapos pinunas ko yung kamay ko sa mukha ko. "So totoo? Crush mo siya? Pwede mo naman sabihin ng diretso hindi yung bubuhusan mo pa ako nung pinagsawsawan natin ng daliri kanina. Kadiri yun Amy. Ang lagkit!"

"S-sorry... sorry Rie. Hiramin mo na lang muna yung damit ko tapos maligo ka then pag usapan natin." Sabi ni Amy tapos inabot niya sa akin yung tuwalya niya. "Ang lansa mo na boi. Amoy tilapia ka na."

Naligo ako dun sa banyo nila ng mabilisan since naligo naman na ako kanina.

"Tapos ka na pala eh halika dito." Sabi ni Amy.

"So... spill it out. Anong sikreto mo?" Sabi ko.

"Kasi Rie ano eh.. yun nga gusto ko na siya.." Kumuha ako ng popcorn at shades tapos bumalik sa pakikinig. "Anong trip yan?"

"Ituloy mo lang."

"Hindi ko din alam papaano nag umpisa pero nung nakita ko siya nung dinala mo ako sa simbahan nagustuhan ko na din siya. Ang gaan ng loob ko sa kanya eh tapos nung kinwento ni Kim na mabait siya sa mga bata kasi kapag practice nila kinukulit niya yung mga bata tapos ayun." Sabi ni Amy.

Hinubad ko muna yung shades na sinuot ko bago magsalita .

"Alam mo kasi wala namang masama na magustuhan mo siya... yung masama eh naglihim ka sa akin. Isipin mo nga? Anong mararamdaman ko kung kunwari naging kayo ng hindi ko alam? Masakit diba? Kasi una bestfriend mo ako tapos gusto ko din siya. Kaya sabi ko sayo maging open ka sa akin." Sabi ko kay Amy habang kumakain pa din ng pop corn.

Niyakap ako bigla ni Amy, senyales na naiintindihan niya ako pati kung ano yung sinasabi ko. Sa wakas.

Kumain lang kami ng popcorn ni Amy habang nanonood ng anime sa kanila. Tapos nung magaalas sais na ng gabi umuwi na ako kasi babaeng Pilipina yata to! Bago mag alas sais dapat nasa bahay na.

Nung alas siyete kumain na kami ng hapunan nila mama tapos nung alas nuwebe natulog na kasi may pasok kami bukas.

Nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko. Siya na siguro to.

From: unknown number 1:43 PM

Hi. Ako nga pala yung nanghingi nung number mo kanina. Papatulong sana ako kasi crush ko yung kaibigan mo eh.

Nak ng tinapa. Late receive na nga yung phone ko ang saklap pa nung nabasa ko.

Little Miss Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon