IV

14 5 0
                                    

Ilang araw na din matapos nung insidente kay Ji at Li eh naisipan kong magsimba...

Nakakapanibago diba? Normal na tao lang din naman ako ano ba? Naisipan ko na din magsimba kasi pagkatapos ng misa eh libing nung inembalsamo ko.

Oo, yung hiniraman ko nung bestida na kulay itim. Gipit lang talaga ako nun pasensya naman na.

Ano nga ba yung cause of death nitong ibuburol?

Eh dahil lang naman sa rakista kasi itong babaeng ito at mahilig din siya sa madilim, kumbaga palaging nakapatay yung ilaw niya. Eh malabo din mata niya. (Hindi ko alam kung nagtitipid sila sa kuryente o naputulan sila.) Tapos ayun pagpasok niya sa banyo hindi niya napansin na kinalat nung damuho niyang kapatid yung shampoo nila sa sahig. Ayun nabagok. Ang tanga lang talaga nung pagkamatay niya.

Pero mas katangahan naman yung pagkamatay dun sa isang anime series na napanood ko, nalaglag siya sa hagdan tapos bumukas yung payong niya tapos tumusok sa leeg.

Ayoko ng gawing detalyado. Naaawa ako sa mga kumakain.

Pero naisip ko, may namamatay ba sa umiikot na pinto? Alam niyo yun? Yung kapag ka napabilis yung ikot tapos nastuck ka dun paikot ikot ka lang? (Assignment niyo yan para sa araw na ito kasi kahit ako hindi ko din alam yung sagot. Magbigay din ng mga katangahang ways para mamatay yung mga tao maliban sa paglaklak ng isang galon ng tubig sa isang araw para sa xbox one.)

As Im pacing the pew on the church corridor.. I mean habang naglalakad ako papunta dun sa upuan dun sa simbahan nabadtrip ako bigla kasi umuulan eh.

Nagumpisa na yung misa. Yung usual na kung papaano yung pagsisimba ng mga katoliko ganun.

Nagsermon lang naman yung pari eh tapos tungkol sa pagiging mabait sa kapwa at pagiging mapagbigay ganun lang naman.

Patapos na yung misa tapos palabas na ako ng simbahan ng biglang...

"Hala sorry miss." Inangat ko yung ulo ko para makita ko kung sino yung nakabangga sa akin. Amoy kandila.

Hala kang bata ka ang gwapo. Tinitigan ko lang siya saglit tapos nung ngumiti siya natauhan ako. "Ah eh hindi okay lang."

"Sure kang okay ka lang ah?" Sabi nung taong Kandila.

"Oo, okay lang ako ngiti mo pa lang." Sabi ko sa kanya ng wala sa sarili.

"Ano ulit yun? Ay sorry mauna na pala ako hahanapin na ako ni Father eh. Sorry ulit." Tapos umalis na siya.

Ang bilis niyo naman pong ma-reach ng prayers ko.

Ngumiti na lang ako ng pagkatamis-tamis tapos lumabas ng simbahan kasi pupuntahan ko pa yung ililibing mamaya since kukunin ko din yung full payment nila.

Nakikita kong umiiyak yung mga tao dito, yung iba naman nagsusugal yata? Basta may mga deck of cards sa lamesa nila tapos yung iba kumakain ng tinapay at umiinom ng kape.

"Mam, oras na po. Dadalhin na po namin sa simbahan yung labi niya." Sabi ko dun sa nanay nung namatay.

Medyo naaawa din ako sa kanila kapag nakikita ko silang ganito eh. Yung malungkot tapos iniiyakan yung namatay nilang kamag-anak.

Dinala na namin sa sasakyan yung patay tapos umupo ako sa may tabi nung driver na galing punerarya na pinagtratrabahuhan ko, si Kuya Ernesto.

Swerte na din ako kahit papaano kasi katabi ko si Kuya Ernesto. Gwapo din naman siya eh, ang dami ngang babae sa amin na inaabangan siya magbasketball kaso hindi ko siya ganun ka-type.

Nagsimula na yung prusisyon nila papuntang simbahan since sa likod nun sementeryo at dun ililibing ito.

Tumugtog na yung instrumental ng kantang Tanging Yaman at mabagal na pinapaandar ni kuya yung karo tapos nagsisiiyakan sila sa likod. Ako naman eh sa sobrang bagot nakikipagdaldalan na lang kay kuya.

"Kuya, grabe talaga yung pagkamatay nito ano?" Sabi ko.

"Oo nga eh. Kung kailan namatay tsaka sila nagpalagay ng ilaw." Sabi ni Kuya.

"Kuya, ano bang tipo niyong mga lalake?"

"Yung maganda since yun yung una naman talagang mapapansin. Pero mas gusto namin kung mabait ganun."

"Preference mo lang yan nuh?"

"Oo, preference ko. Bakit ba?"

"Kasi kuya may natipuhan ako sa simbahan eh."

"Sino? Yung pari dun na pogi?"

"Kuya naman, patawa ka. Hindi, yung kasama niya."

"Hala? Eh alam mo ba kapag sinasama ng mga pari sa mga pupuntahan nilang simbahan eh ibig sabihin magpapari yun? Kumbaga training nila yun."

"Paano mo po nalaman lahat ng yan?"

"Baka kasi sakristan ako dati diba? Kaya Reigna, wag yun. Masasaktan ka lang okay?"

"Opo kuya."

Tapos nakarating na kami dun sa simbahan at umupo na lahat ng nakilamay sa kung saan mang pwesto nila naisin tapos nagsalita na isa isa yung mga kamag anak at kaibigan nila pero naiyak ako sa eulogy ng mama niya.

"Anak, mahal na mahal kita alam mo ba yun? Ginagawa ko lahat para sa inyo. Para hindi niyo maramdaman ng kapatid niyo na kulang kayo kasi sumakabilang bahay yung tatay niyo. Sobrang bait mong anak sa akin pero sa sobrang bait mo bakit ka ba nagtipid masyado sa kuryente? May pambayad naman tayo anak eh." Naiiyak na sabi nung mama niya. "Anak, kung gusto mo naman palagyan ng ilaw yung bahay ayos lang naman eh! Tsaka hindi naman ibig sabihin na hindi ako nauwi eh gipit tayo, may pambayad tayo dapat kasi nag ilaw ka na lang para nakita mo yung shampoo na nagkalat sa sahig! Sana buhay ka pa ngayon."

Sa oras na yun hindi ko talaga alam kung iiyak ako o matatawa. Lintik na pagkamatay naman kasi yan eh. Okay respeto sa namatay at sa namatayan.

Nakuha ko na din yung full payment pagkatapos ng libing. Yes! May pangbili na ako ng gluta! Pero siyempre set aside ko muna yun iniipon ko talaga to buti na nga lang may raket eh.

Paglingon ko eh nakita ko ulit yung amoy kandila. Ngumiti siya sa akin mula sa malayo tapos sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na kasama niya yung pari kanina tapos sumakay sila dun sa kotse at umalis na.

Ngumiti siya sa akin tapos nakausap ko siya kanina. Hindi na din siguro masama. Hindi pa naman siya pari diba?

-

Little Miss Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon