Ang pangalan ko ay Liberty Liara. "Isa akong simpleng babae na may pangarap na gustong maabot. Mabait ako, inosente at may busilak na puso. Hindi ko alam ang anumang bagay may kinalaman sa pagmamahal kaya nangangarap akong maramdaman ang bagay na ito sa tamang panahon."
Ang tatlongpu't siyam na mga salitang aking binitiwan sa paunang salita ay isang malaking KASINUNGALINGAN. Kaya naman ang tunay na deskripsiyon ng aking pagkatao ay iyong malalaman kung babaligtarin mo ang mga ito. Oo. Isa akong sinungaling, walang modo at parang may galit sa mundo.
Kung tutuusin, mas bagay akong maging kontrabida sa isang istorya ng pabebeng mga karakter na nagliligawan. Pero dahil para sa akin ang libro na ito, kailangan mong pagtiisan ang aking pagiging maldita.
Tungkol saan ba ang aking kwento? Tungkol ito sa pagmamahal ko sa isang lalaki. Huwag kang umiling at mandiri. Kahit ang mga katulad kong masama ang ugali ay may karapatan din na maglandi.
Iyon nga lang, ang paraan ng aking paglalandi ay ibang-iba sa mala-Cinderellang karakter na iyong iniisip. Because I will do everything even if I need to lie.
How to tell a lie?
Simple lang. All you need is to follow my lead.
BINABASA MO ANG
"How To Tell A Lie?"
Teen FictionMabait, maganda, mayaman, busilak ang puso- iyan siguro ang mga katangian na inaasahan mong karakter ng ating bida. Ngunit, iyan ang iyong malaking AKALA. Dahil si Liberty Liara ay isang babaeng malayo sa perpektong imahe ng mga sikat na novelang iy...