Chapter 7 "Jealousy"

141 21 1
                                    

"Ate Ghen?!" gulat na gulat na bati ng kapatid ni Liberty na si Briz ng makita na pumasok sa bahay nila ang kaibigan ng ate.

"Hi Briz," bati ni Ghen na sinuri siya ulo hanggang paa. "Wow. Ilang buwan lang tayong di nagkita pero feeling ko ang laki na agad ng pinagbago mo."

Napahawak si Briz sa batok. Kung manlambot ay parang bulate na binudburan ng asin. "T-Tama ka ate Ghen. B-Binata na ako. At ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganap na binata."

Napakunot noo si Ghen dahil sa pagtataka. Anong kinalaman niya sa pagiging binata ng kapatid ng kaniyang kaibigan? "Anong ibig mong sabihin?"

Kaya agad ng sumabat sa usapan si Liberty. "Hoy tae. Umalis ka nga sa daraanan namin. Nakaharang ka."

"Anong tae ka dyan?" aambahan palang siya ni Briz ay tinulak na siya ni Liberty paalis, palm shoving his face. "Ahhhh aray aray!"

"Wag mong pansinin ang abnoy na yan," ang sabi ni Liberty saka hinatak si Ghen patungo sa kwarto niya.

Nang makapasok sila sa kwarto ay narinig nilang sumigaw si Briz, "Liberty of the people! Bruha ka!"

"Ganyan ba talaga mag-away ang magkapatid? Ako lang kasi ang nag-iisang anak kaya hindi ko alam," Ghen chuckled.

"Ghen."

"Hmm?" Saktong paglingon niya ay isinandal siya ni Liberty sa pader. She locked her between her arms. "Ohhhh!" Ghen gasped, gulat na gulat sa ginagawa ng kaibigan.

"Isipin mo, lalaki ako," ang seryosong pahayag ni Liberty.

Kahit nagtataka ay tumango si Ghen. "Oh tapos?"

"Anong mararamdaman mo kapag ginawa sayo 'to ng lalaki?" pag-uusisa ni Liberty.

Akala ni Ghen ay nagbibiro lamang ito. Subalit kitang-kita niya ang seryosong titig ng dalaga. Kaya naman, sinubukan niyang sumagot ng matino. "Syempre, matatakot ako."

"Tama!" Lumayo si Liberty ng walang hinto sa pagturo sa kaniya gamit ang hintuturo. "Takot. Takot lang ang mamaramdaman mo."

"Pero kung gusto ko 'yung lalaki, imbes na takot, makakaramdam ako ng kilig," pagpapatuloy ni Ghen.

Binawi ni Liberty ang nakaturong daliri. "P-Panong kilig?"

"Tipong kakabahan, na parang sasabog ang puso."

Exactly. Iyon na iyon ang naramdaman ni Liberty kanina lamang! Ang ibig bang sabihin ay totoo ngang may gusto siya kay Renz?

"HINDI KO SIYA GUSTO!" sigaw ni Liberty na sumabunot sa sariling buhok. "IMPOSIBLE! ISA 'YONG KABALIWAN!" Tumalon ito sa kama at nagtakip ng ulo gamit ang unan.

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon