Nasa loob ng bathroom si Liberty, malalim ang iniisip habang asalukuyang nagtotoothbrush sa harap ng salamin.
Bigla bigla ay sumigaw ito ng, "Pano ako papasok nito? Nakakahiya kay Kersys!" sabay mas inigihan ang pagsisipilyo.
"Hoy! Liberty of the people!" sigaw naman ng kapatid niyang lalaki mula sa labas ng banyo. Marahil ay naiirita na ang mga kapitbahay dahil sa sigawan ng magkapatid. "Lumabas ka na nga dyan! Taeng tae na ko! Wala ng ibang available, naliligo si papa at mama dun sa baba!"
Tumingin ng masama si Liberty sa pinto, "Tumigil ka nga! Di pa ko tapos!" pagmamatigas niya.
"Ba't ba ayaw mo sa c.r malapit sa kwarto mo?!"
"Barado 'yun!" pamimilosopo ng dalaga.
"Ano?! E nagsisipilyo ka lang naman eh! O? O? Naririnig ko yung pagtotoothbrush mo!!! Wag mong ikakaila!"
"Tumahimik ka na nga lang! Tiisin mo na!"
"Buset ka talaga! Ikaw ang may kasalanan kung ba't sumakit ng gan'to ang tiyan ko!"
"I DON'T CARE," mataray niyang tugon at saka ipinagpatuloy ang pagsisipilyo.
"Kainis! Di ko na kaya. Sa kapitbahay kaya pwede? Ah basta!" sigaw ng kapatid niyang lalaki bago umalis.
Liberty looks at her reflection. She remembered that man na parang talahib sa kaniyang mga mata.
"Lalaglag na ang pisngi ko because of stress. This is all because of that guy," she whispered. "Paano kaya ako makakabawi sa kaniya?"
Natapos ang buong gabi sa pag-iisip niya ng mabisang ganti. Napapaginipan pa nga niya kung paano niya ito ibinitin patiwarik at isinawsaw sa kumukulong tubig.
"Liberty! Bhe!" masayang pagsalubong ni Ghen kay Liberty na itinuturing niyang best friend. Kumakaway pa nga ito, dahilan upang ikahiya siya ng itinuturing niyang kaibigan.
"Wag ka ngang O.A sa tuwing nakikita mo ko," iritableng kwestiyon ni Liberty habang papalapit.
"Para namang di ka sanay sakin," may panunuyong tugon ni Ghen bago kinuha kay Liberty ang bag nito. Kung sa malayo titignan, mukha siyang personal na alalay ng masungit na madastra. " Kumain ka na ba?"
BINABASA MO ANG
"How To Tell A Lie?"
Teen FictionMabait, maganda, mayaman, busilak ang puso- iyan siguro ang mga katangian na inaasahan mong karakter ng ating bida. Ngunit, iyan ang iyong malaking AKALA. Dahil si Liberty Liara ay isang babaeng malayo sa perpektong imahe ng mga sikat na novelang iy...