Nang magising ako, ang una kong naalala ay yung apology letter na hindi ko natapos. "Renz! Bakit hindi mo ko ginising?!" reklamo ko na agad na dinampot ang ballpen. Pero... "Uh? Nakatapos ba ako kanina sa pagsusulat?" I slowly looked back at him na nakadukdok sa lamesa at natutulog. Pati yung yellow pad niya, tapos na niyang sulatan. Then, that means, siya rin ang tumapos ng sa akin.
Ayoko sa lalaki na ito. Pero minsan, nagugulat ako kapag nagpapakita siya ng kabaitan.
"Well, kasalanan mo naman kung bakit tayo nandito."
Nag-inat inat muna ako bago tumayo. I was about to leave him behind but I saw a permanent mark sa gilid. Biglang nabuhay ang demonyo kong dugo. Kinuha ko ito saka dinrowingan siya sa mukha ng nunal na kasing laki ng pellet gun bullet. Di ko naiwasang matawa sa 'itsura niya. "Pffffft~" kaya bago pa man ako mahuli ay umakma na akong tatakas.
"Hmmm," he groaned sabay hatak sa kamay ko. Kaya naman aksidente akong napaupo sa lap niya. "Pagkatapos kitang tulungan, tatakasan mo ko?" ang sabi niya bago dahan dahang ibinukas ang mga mata.
Seeing him up close, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata niya. Its reminded me of a cat. Matangos ang ilong nito at proportion ang hugis ng labi. Nang mapako ang tingin sa labi niya ay napalunok ako. From his lips, my eyes then went to his mole. Yup. Sa nunal na ginawa ko.
"Wahahahahahaha!" sabay naming pagtawa ng malakas. Nang ma-realize na pareho naming pinagtatawanan ang isa't isa ay sabay rin kaming napahinto.
"Ba't ka tumatawa? May ginawa ka bang kalokohan?" he asked.
"W-Wala ah," pagsisinungaling ko. "Eh ikaw, bakit ka rin tumatawa?"
"N-Nothing. Nakakatawa lang talaga ang itsura mo."
Tumayo ako mula sa pagkakakandong at inayos ang palda. "Ikaw na ang magpasa ng yellow pad. Aalis na ko."
I walked out. Ilang minuto lang, sumusunod na sakin si peklatin dala-dala ang dalawang yellow pad na sinulutan naming ng apology letter. Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway. Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong namin ay nagtatawanan. Pinagtatawanan siguro nila yung pekeng nunal na nilagay ko sa mukha niya. Malamang nagtataka na siya kung bakit siya pinagtatawanan.
I looked back at him. Pero imbes na magtaka ay natatawa rin ito. Huminto ako sa paglakad, pati narin siya. Sakto naman ay nakita ko ang sarili sa reflection ng itim na bintana mula sa office. Renz also saw his reflection by the glass at my back.
"May nunal din ako!" I gasped after seeing my reflection.
"What the hell, sinulatan mo rin ako ng nunal?!" reklamo naman niya.
So pareho pala kaming nag-drawing-an ng nunal sa mukha. Kainis. Kahit kailan talaga, walang nagpapatalo samin pagdating sa kalokohan.
Kinuskos ko ng daliri ang nunal na ginawa niya. Fortunately, natanggal naman ito. Samantala, sa kaso ni Renz, kahit anong kuskos niya, hindi mawala wala ang tinta ng pentelpen.
"Walangya! Pentelpen ang pinang-sulat mo dito no! Naku kung di ka lang babae!" Inambahan niya ko ng suntok, na hindi naman niya tinuloy. Tumakbo siya palayo habang nakatakip ng mukha.
BINABASA MO ANG
"How To Tell A Lie?"
Ficção AdolescenteMabait, maganda, mayaman, busilak ang puso- iyan siguro ang mga katangian na inaasahan mong karakter ng ating bida. Ngunit, iyan ang iyong malaking AKALA. Dahil si Liberty Liara ay isang babaeng malayo sa perpektong imahe ng mga sikat na novelang iy...