Third Person's POV
"To be honest, di ko rin naman sineryoso si Liberty. Nagpalipas lang ako ng oras. Kaya wag kang mag-alala mr. President. You can date her if you want."
Lumabas si Renz sa conference hall matapos bitawan ang masasakit na salitang pinagsisisihan niyang sabihin.
"Hoy Renz!" Tinawag siya ni Liberty, aakmang susundan ito. But Kersys held her wrist.
"Totoo bang... break na kayo?" Tanong nito.
Marami pang gustong sabihin si Liberty sa kaniya. Ngunit sa pagkakataon 'to, sa oras na alam narin niya ang sagot, mas pinili niyang bitawan ang kamay nito.
"Sorry Kersys. Next time tayo mag-usap." At tumakbo siya palabas ng hall.
Habang naglalakad mag-isa ay walang humpay sa pagbubuntong hininga si Renz. Ayaw niyang tuluyang hayaang bumagsak ang luha sa kaniyang mata.
"What the hell Renz. Magpakalalaki ka naman," pagtawa niya sa sarili.
"Hoy siraulo!"
His pace stopped when he heard Liberty's voice behind his back.
'Ang tanga. Bakit niya ko sinundan? This is her chance to take Kersys on her own.'
Pinilit niyang magpakawala ng pekeng ngiti bago humarap. "Bakit mo ko sinu-"
Di niya natuloy ang sasabihin dahil sinampal siya ni Liberty. Alam niyang may pagka brutal ito pero nagulat siya dahil sobrang sakit ng sampal niya. Nanonoot ito tagos hanggang panga.
Lahat tuloy ng luha na nasa likuran ng kaniyang mga mata ay nag-si atrasan.
Late na siguro pero napaungol si Renz ng, "Ouch." Sabay hawak sa pisngi.
"Break? Break na tayo?" Tinulak siya ni Liberty sa dibdib. "Hindi ka nanood sa ceremony. Buong araw kang hindi nagpakita tapos bigla kang susulpot para sabihing break na tayo. G*go."
Tears fell down from her eyes.
"L-Liberty." Ibinaba ni Renz ang kamay mula sa pisngi. Nagtataka siya sa kakaibang ikinikilos ni Liberty. Wala 'to sa expectation niya na magiging resulta after helping her.
"Ang paghihiwalay ay pinagdedesisyunan ng dalawang tao. Hangga't di ako pumapayag, hindi ka kaagad agad makakalaya. Naiintindihan mo?" Dinuro duro siya ni Liberty bago nagpunas ng luha at umalis.
-----
Renz POV
May gusto rin ba siya sakin?
Iyan ang tanong ko habang naglalakad sa hallway ng school. Alas sais na ng umaga at kakaunti pa lamang ang mga estudyante sa paligid.
"Renz! Panalo yung girlfriend mo as vice president. Pa-burger ka naman diyan," ang sabi sakin ng kaklase ko na nakasalubong ko.
I was about to say na break na kami pero naalala ko ang banta ni Liberty kagabi. Kaya ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa paglakad.
"Anyare d'on?" Narinig kong pagtataka ng kaklase ko nang naglakad ako palayo.
BINABASA MO ANG
"How To Tell A Lie?"
Roman pour AdolescentsMabait, maganda, mayaman, busilak ang puso- iyan siguro ang mga katangian na inaasahan mong karakter ng ating bida. Ngunit, iyan ang iyong malaking AKALA. Dahil si Liberty Liara ay isang babaeng malayo sa perpektong imahe ng mga sikat na novelang iy...