Last Chapter "Love can't Lie"

176 24 4
                                    

Liberty’s POV

Liberty Liara.” Napabuntong hininga ako ng makita ang pangalan sa mga nakapasa sa entrance exam. Para akong nabunutan ng tinik na ilang araw kong dinaraing.

Nakapasa ka!” sigaw ni Ghen na winagayway ang kamay ko at nagtatalon. Kung maka-react akala mo siya yung nakapasa e.

Iba talaga kapag matalino,” ang pagyayabang ko na ikinawala ng ngiti niya. Nagkamot siya ng ulo at umiba ng tingin.

When I graduated in highschool, nag-entrance exam ako sa university na pangarap naming pasukan ni Renz. Alam kong imposibleng makita ko pangalan niya sa mga nakalista sa board but I still search for it.

Nagbabakasakali kang makita ang pangalan niya no?” ang napansin ni Ghen.

Dahil nahihiya ako’t nahuli niya ay nagsimula akong maglakad palayo. “Sabi mo kapag nakapasa ako, ide-date mo ko? Tara na.”

Dalawang taon narin ang nakalilipas mula ng huli kong makita si Renz. That day when he kissed me, hindi man kami nag-aminan pero aware naman kami na gusto namin ang isa’t isa. We continued dating, for real. Medyo awkward noong una, kasi nasanay kami na nag-aaway. We maybe stopped lying about our own feelings but we are still lying to my parents. Ayaw kasi nila mama na makipagdate ako that time. Sobrang baba ng grade ko at nag-aalala sila sa kinabukasan ko. So nag-date kami ng patago. It was a sweet five months together. Pero katulad nga ng kasabihan, walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Dito nalang ako. Baka makita tayo nila mama. Patay ako,” ang sabi ko kay Renz after niya kong ihatid sa tapat ng bahay galing amusement park.

Don’t worry. If sakaling makita tayo, sasabihin ko, aksidente lang kita nakita sa labas. Then, hinatid kita kasi delikado,” ang sabi ni Renz bago hinaplos ang ulo ko. A little touch from him, made me blush.

I yanked his hand away. “Bahala ka. Papasok na ko. Ingat ka sa pag-uwi.” Maglalakad na sana ako papasok ng bahay kaso pinigilan niya ko sa pamamagitan ng paghablot sa aking braso. “Bakit?” walang buhay kong tanong. Pagod narin kasi ako sa buong maghapong pag-gagala sa amusement park. I’m not really a fan of extreme rides. Itong si Renz lang naman ang nahuhumaling dito.

I love you.”

We’ve been dating for five months. Pero ni minsan, hindi namin sinabi ang ganitong salita sa isa’t isa. Natulala tuloy ako sa kinatatayuan.

Bigla akong nahiya. Kainis,” he suddenly chuckled, a little husky. Napakamot siya sa batok habang nagka-kagat labi.

Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya. Pero nauunahan ako ng kaba. O baka dahil ma-pride akong tao?

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon