Chapter 2 "Bad start"

242 28 2
                                    

"K-Kersys? N-Narinig mo ba? Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko?"

"Yes, I heard it."

Namilog ang nanlalamig na dalaga. Hindi niya lubos akalain na ang lihim na matagal niyang itinago ay sa ganitong paraan lamang pala mabubunyag. Ilang beses na naghanda ang isang kontrabidang katulad niya, kung paano aamin kay Kersys, a man who is almost perfect. Para saan pa ang paulit-ulit na pagtanggi ni Liberty sa nararamdaman, sa loob ng maraming taon kung sa ganito lang din pala magtatapos ang lahat? This is all because of that guy from the library- iyan din ang sinisisi ni Liberty sa oras na ito.

"Ano kayang magiging reaksyon niya? Magagalit kaya siya? Well, I am the bitches among bitchs. Sino bang matutuwa na malamang may gusto sayo ang katulad ko? Maganda lang ako pero walang good manners." Ang pagsisisi ni Liberty sa kaniyang isip.

Ngunit nabigyan siya ng pag-asa ng sumagot si Kersys ng, "I know your feelings, and I like you too."

"G-Gusto mo rin ako?"di makapaniwalang tugon ni Liberty. Panandaliang nag-process sa utak niya ang mga sinabi ni Kerysys. At nang inakalang gusto nga siya nito, sumagot siya ng... "Kung ganun, dahil gusto kita at gusto mo ko dapat..."

Subalit...

"Ooohh Baby," himig ni Kersys. Papikit pikit pa ito at waring dinadama ang mga lyrics.

Doon narealize ni Liberty na nakikisabay lang pala ito sa kanta sa pinapakinggan musika mula sa nakasuot na earphones sa tenga. Is this the real definition of DAHIL SA PAG-IBIG, MINSAN TALAGA NAGMUMUKHA KANG TANGA?

He looked at her for the first time. Nanlaki ang mga mata nito na parang gulat na gulat sabay tinanggal ang earphones. Then he asked in apologetic tone,"Ay, sorry. May sinasabi ka ba miss?"

"N-Nakikinig ka ng music?" ang tanging naibukambibig ng pinaasa.

"Ha? Kanina mo pa ba ako kinakausap miss? Pasensya na, hindi ko alam na..."

Hindi na pinatapos ni Liberty ang nakakahiyang katotohanan. Mabilis siyang tumalikod at nagplanong tumakbo. Kaso, sa saktong paglingon niya ay nabunggo siya ng isang babaeng estudyante na may dalang tray ng pagkain.

Kung minamalas ka nga naman.

"Hala! Sorry po! Di ko sinasadya!" The student apologized as she wipes the stain on Liberty's uniform. Bukod sa namumula na ang mukha ni Liberty sa hiya, namumula rin ang uniform niya dahil sa natapong spaghetti.

"Y-You..." nanggigigil na tugon ng ating dakilang kontrabida. Pero 'di niya magawang sigawan ang babae dahil may anghel na nagmamasid sa likuran niya. Paano siya magmamaldita kung nasa likod si Kersys?

"Pasensya na, pasensya na. Hindi ko talaga sinasadya. A! Kung gusto mo, magpalit muna tayo ng uniform? Ahmm mukhang magka-size naman tayo. T-Tapos lalabhan ko nalang sa bahay 'yung uniform mo," namumutlang alok ng may sala.

Huminga ng malalim si Liberty. Mariin din niyang ipinikit ang mga mata. Nang mahimasmasan ay dumilat ito, kasabay ng pekeng ngiti. "O-Okay lang ako."

Bigla bigla, ay lumapit si Kersys at nag-alok ng panyo. "Miss , eto oh."

Infairness, may maganda rin palang resulta.

"S-Salamat," sagot ni Liberty na kinikilig habang kinukuha ang panyo sa kamay ng crush niya. Jackpot ika-nga.

"Sigurado po bang, okay ka lang?" Pag-aalala ng estudyante.

Nais siyang barahin ni Liberty pero who cares? Mukhang good mood na ang ating bidang kontrabida. "Hindi talaga natin maiiwasan ang aksidente," masaya niyang pahayag. "Kaya wag ka ng mag-alala." Marahan niyang ipinunas sa mukha ang mabangong panyo ni Kersys. Teka, damit ang nadumihan sa kaniya at hindi naman mukha ha?

"Hindi ako naniniwala na okay ka lang," ang sabi ng epal ba biglang sumulpot sa eksena.

Sabay-sabay silang napalingon sa gwapong lumabas mula sa library. It is no other than Renz.

"Sa pagkakakilala ko sayo Liberty, hindi ka magiging okay after matapunan ng pagkain sa damit. I guess, muntik muntikan ka ng sumabog sa galit kanina," he chuckled before a smirk followed.

"Who are you?" Napipikon na tugon ni Liberty. "Sa tingin ko hindi tayo magkakilala para siraan mo 'ko." Kahit naiinis ay ngumiti ito. Syempre, bilang pagpapakitang tao sa harap ni Kersys.

"Hindi ba?" Renz put his hand on his chin na para bang nagtataka. "Kanina lang nagkausap tayo a. Pinag-uusapan nga natin si Mr. School President," then he stared at Kerysys. Kaagad naman siyang napansin nito.

"Ako?" takang-takang tanong ni Kersys habang nakaturo sa sarili.

"Oo, ikaw nga," sagot ni Renz na nagpakabog sa dibdib ni Liberty.

Hindi nalang nakapagsalita ang dalaga. Natulala siya at nanlamig sa kinatatayuan habang naghihintay kung mabubuking na ba siya o hindi!

Matapos ang ilang segundong katahimikan, pinunasan ni Liberty ang nagbubutil butil na pawis at sinabing, "Baliw ka ba? Or naka-drugs? Wala akong matandaan na nagkausap tayo. At mas lalo ng hindi kita kilala."

Nagpalipat lipat ng tingin ang dalawang nagmamasid, 'di alam kung sino ba sa kanila ang papaniwalaan.

Renz suddenly laughed, na mas lalong nagpakunot ng noo ni Liberty. He pick up the fork from the ground while saying, "But I know you." Itinuro niya ang tinidor sa direksyon ng babae na nakatapon sayo, habang nakapasok naman sa bulsa niya ang kabilang kamay. Ipinikit niya ang kaliwang na parang nag-aasinta. "At sa pagkakakilala ko sayo, baka kanina mo pa natusok ng tinidor 'yang babae sa harap mo. Shoong~"

---

Ren'z Pov

"Teka miss, baka, magmarka na yung mantsa sa damit mo kaya siguro ,mas mabuti kung..." alok sana nung Kersys doon sa demonyita. Pero sa sobrang pagkapikon, ay tumakbo na siya palayo.

Bleeeh!

Sulit ang paghahanap sa demonyitang 'yon on my first day of school here.

Ang gaan gaan sa pakiramdam na nakabawi na ako sa kaniya! Muhwa-ha-ha-ha-ha ha-ha-ha-ugh-ugh-ugh! May nalunok ata akong langaw. Anyway...Nasaan kaya 'yung cafeteria. Nakakagutom din pala ang gumanti.

"SINO KA BA TALAGA?"

ANAK NG...!

Napahawak ako ng dibdib sa gulat. Bigla nalang kasing sumulpot sa harapan ko yung demonyitang babae na nanlilisik pa ang mga mata.

"Sabihin mo, sino ka ba talaga?" she asked, angrily.

Mukhang galit na galit siya. Teka, wala naman siguro siyang ibang hawak na bagay na ipang-sasaksak sa akin, di ba?

"Galit ka na Liberty of the People? Teka, wala ka naman sigurong hawak na kutsilyo 'no? Hoy tandaan mo, mahirap makulong. Wala kang freedom sa kulungan."

"Hindi kita papatayin. Pero makinig kang mabuti kung sino ka man, simula ngayong araw na ito, magiging kasuklam suklam ang pag-aaral mo rito. Sisiguraduhin ko yun."

"Eyy. Anong klaseng pagbabanta 'yan? Napaka-cliche. Wala na ba kayong ibang maisip na mas cool na linya. Anyway, game ako diyan. Tutal, pareho naman tayo ng tunguhin."

Humanda rin siya. Dahil hangga't nag-aaral ako dito, I don't have any intention to make her life peaceful too.

To be continued...

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon