Chapter 10 "End of our lie"

136 23 1
                                    

Liberty's POV

"Pakiramdam ko kasi, may gusto rin sayo si Kersys."

Out of million thougths, ito yung isa sa mga pangyayari na hindi ko inaasahang marinig.

"Matagal ko ng kaklase si Kersys. Seryoso siya at bihira ngumiti. Mabait naman kaso halos pare-pareho lang ang trato niya sa lahat. He is more like a robot na ginagawa lang kung ano ang tungkulin niya. Pero, alam mo ba, that time na natapunan kita sa uniform, tinulungan niya kong maglinis. And he asked me a favor. Sabi niya, ipagkalat ko daw na hindi ka nagalit sa nagawa ko."

So siya pala ang dahilan kung bakit may kumalat na magandang chismis about sakin.

"Dun palang, kinutuban na ko," pagpapatuloy niya. "I started to notice him always looking behind your back. Kaya nga noong narinig ko ang usapan niyo ni Renz, gustong gusto ko na agad sabihin sayo ang tungkol dito. Kaso, di ako 100% sure. So di nalang ako nakielam. Naging sigurado lang talaga ako kahapon. Diba may volunteer cleaning kayo kahapon? Actually hindi naman kasama si Kersys sa mag vo-volunteer cleaning. Sinabihan siya ng teacher na kung pagod siya, he can rest. Pero nung nakita ka niyang dumaan sa room namin na may dalang mop, bigla siyang nagprisenta na maglilinis daw siya. And he likes to clean in the men's comfort room. Wala naman sigurong matino ang magpiprisenta na maglinis sa banyo. Nung bumalik siya sa room namin, he was smiling from ear to ear."

Sinadya niyang... samahan akong maglinis.

"I didn't know if sinasabi ko 'to dahil gusto kitang tulungan. To be honest, I don't like you. But I think... hindi ka naman talaga masamang tao."

"Hansel."

"Hmmm?"

I smiled at her. Nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita ng multo.

"Salamat." Tinapik ko siya bago tumakbo pabalik ng conference hall.

When I got there, nakita ko si Kersys na mag-isang nakaupo sa gilid.

Gusto kong malaman ang katotohanan. If ever na totoo ang lahat ng sinabi ni Hansel, ibig sabihin maisisi ko ang katangahan sa sarili.

I dragged Renz to this. Ginamit ko siya para mapalapit kay Kersys. Kung may gusto naman pala si Kersys sakin patinuna palang, tatanggapin kong demonyo ako at hindi nababagay kay president.

"Kersys!"

Lumingon siya sa akin at tumayo. Waring takang taka kung bakit hinihingal ako ng ganito. "Liberty, ba't bumalik ka?"

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon