Chapter 1 "G.L Witch"

671 49 23
                                    

Liberty's Pov

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng Heywon High School, kung saan ako kasalukuyang nag-aaral, ay tumambad sa akin ang malakas na sigaw ng aking kaklase.

"Hoy Liberty! Hindi ba sinabi ko sayo na pumasok ka kahapon! Alam mo bang nagkagulo ang performance ng grupo natin dahil wala ka!"

Napa-yugyog ako ng tainga dahil sa nakakatulili niyang sermon. Ang aga-aga naman, nag-no-noise pollution 'to.

"Oh really?" I answered with a smirk on my face. Saka ako nagsimulang maglakad papalayo.

However, one of my classmate grabbed my wrist and stopped me from fleeing. "Teka, hindi ka lang ba magso-sorry?"

Sorry?

"Ano bang mangyayari kung hihingi ako ng sorry? Gaganda ba uli ang performance? Hindi naman 'di ba. So, wala ring silbi kung mag-sosorry ako."

"Ano kamo?! Hoy! Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang grade na mawawala sa akin dahil dun?" Reklamo na naman nung isa.

"Hindi ko alam. Paano ko malalaman e hindi naman ako ang diary mo. Isa pa, wala naman na akong mamagawa kung malaki ang ibawas ng grades mo. Kasalanan niyo rin naman kasi na inilista niyo ang pangalan ko sa activity na iyon. Una palang nagsabi na ako na huwag niyo akong isasama. Kaya kayo ang may kasalanan. Pero don't worry, you don't have to apologize." After I said that, ay namula ng todo yung pagmumukha ng dalawa kong kaklase. Pikon na pikon na 'ata.

At dahil sayang lang ang oras ko sa pagmamasid sa masamang titig ng dalawa ay minabuti ko nalang na magpaalam. "Wala na kayong sasabihin? Bye." Then I started to walk away.

Habang naglalakad ako papalayo ay umaalingawngaw ang sigaw ng dalawa sa akin: "G.L Witch may araw ka rin sakin!"

Sana magkabatas na putulan ng dila yung mga gumagawa ng noise pollution. Nabubulabog ang mga kahayupan sa gubat kaya't nagsisipuntahan sa kapatagan. Hay naku.

Hi, my name is Liberty Liara. Kagaya ng una kong pagpapakilala sa unang pahina, isa akong dakilang maldita. Siguro, hindi na kayo magtataka matapos niyong masaksihan ang nangyari kanina. Hindi ba?

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon