Chapter 9 "We were both lying"

126 23 0
                                    

Katatapos lang i-announce ng nanalong School President. Katulad ng inaasahan ng lahat, si Kersys ang nanalo.

Pero ng ina-nnounce na si Liberty ang nanalong vice president, marami ang nagulat; lalong lalo na mga estudyanteng minsan niyang pinagmalditahan noon. The answer is clear. Nanalo lamang siya sa tulong ni Renz.

"Congrats bff," masayang bati ni Ghen kay Liberty. Ngunit ang nanalong bise presidente ay panay lingon sa kaliwa't kanan. "Sinong hinahanap mo?"

"Liberty," lumapit si Kersys na siyang nagpatingin sa kaniya ng diretso.

"O-Oh ikaw pala Kersys," bati niya.

"Congrats sa pagkapanalo." Inalok niya ang kamay para makipag shake hands.

Isn't it her dreams? Ang mapansin ni Kersys at ang maging vice president. Ngunit, hindi siya masaya ngayon.

Kinuha niya ang kamay niya at nakipag shake hands. Oddly, she couldn't feel the spark she was expecting. "Salamat. Congrats din sayo."

"I hope we'll have a great coordination. Goodluck satin," Kersys added.

Liberty couldn't look at his eyes. Somehow, she feels guilty. Wala naman talaga siyang balak na makatulong para sa school.

"Asan nga pala ang boyfriend mo?"

Exactly. Kanina pa rin hinahanap ni Liberty si Renz.

"Oo nga no. Hindi ko siya nakita kanina," ang sabi ni Ghen.

"Busy siguro," ang palusot ni Liberty.

"Kahit na," pagtutol ni Kersys. "As your boyfriend, dapat nandito siya para suportahan ka."

"Magkikita kami ngayon." Ibinigay ni Liberty ang hawak na recognition paper kay Ghen. Bago siya tumakbo papalabas ng conference hall.

------

LIBERTY's POV

Ilang beses kong pinagdiinan na dumalo ka sa ceremony diba? Diba?! Nasan ka na ba Renz?!

Napasandal ako kung saan. Halos nilibot ko na ang buong school pero hindi ko parin nakikita si peklatin.

The sun is also setting down. Malapit ng magsara ang school. Kung wala siya rito, malamang, umuwi na 'yon.

That unloyal freak.

"Hi Liberty. Congrats sa pagkapanalo."

Tumingin ako sa babaeng lumapit sakin. Di na ko magtataka kung bakit alam niya ang pangalan ng tinaguriang demonyitang katulad ko.

"Yeah," matipid kong sagot bago tumayo ng tuwid. "Thanks." Aalis na sana ako kaso hinarangan niya ang daanan ko. What's her problem?

"How To Tell A Lie?" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon