Third Person's POV
Nakatitig si Renz sa direksyon ng ladies comfort room kung saan matatanaw si Kersys na hawak-hawak ang beywang ni Liberty upang hindi ito malaglag sa sahig.
"Wala ka pa ba balak na tumayo? Nangangawit na kasi ako," ang nahihiyang pahayag ni Kersys. Namumutla na ito at pinagpapawisan.
"Ha?" utas ng dalaga. Alam niyang nasa 55kg din ang bigat niya kaya nagmadali na siyang tumayo. Nilakasan niya ang loob na tumingin sa mga mata ni Kersys. "S-Salamat."
Ilang beses namang iniunat ni Kersys ang mga braso, halatang nabigatan sa biglaang pagsalo.
Althought Liberty is thankful, may gumugulo parin sa isipan niya. 'Bakit siya nasa ladies comfort room?'
"Ako ang naka-assign sa men's comfort room. Nagbakasakali lang ako kung sino ba ang nasa naka-assign dito. Sakto naman, nakita kitang kadudulas lang," paliwanag ni knight in shininh armor. Napansin kasi niya na sinisingkitan siya ng tingin ng maldita nating bida.
"Ahh kaya pala." Liberty nodded.
"Mag ingat ka sa susunod." Tinuro ni Kersys ang ulo. "Kapag nabagok ka, baka madurog ang ulo mo at magkalat sa sahig ang utak mo."
"What?"
"Joke lang," biro niya nang di man lang nagbabago ang reaksyon ng mukha. "Una na ko sa kabilang banyo. Bye." He waved his hand before going out. Si Renz naman na pasikretong nanonood ay dali-daling naglakad papalayo kaya't hindi siya nakita ni Kersys nang makalabas ito.
"May pagka-korni pala siya," komento ni Liberty na natatawa.
Kersys caught her on his arms. Nagkatitigan sila ng malapitan. Sinabihan siya nitong mag-ingat pero...
"Bakit hindi ko nararamdaman 'yung kilig na sinasabi ni Ghen?" Tanong niya sa sarili sabay haplos sa dibdib.
The class ended for this day. Naglalakad palabas ng gate si Liberty na bigla nalang siyang tapikin ni Renz mula sa likuran.
"Ahhhh!" Pagkagulat nito. Sinamaan niya ang tingin ang nasa likuran niya ngunit, agad na naglaho ang simangot niya ng makita si Renz.
"Mukha ka talagang pating kapag nagagalit," pang-aasar ni Renz na hindi naman pinansin ng kausap niya. Nagpatuloy lang si Liberty sa paglakad. "Hintayin mo ko!"
"Bakit kita hihintayin? Pareho ba tayo ng bahay?" Pagtataray ni Liberty.
BINABASA MO ANG
"How To Tell A Lie?"
Teen FictionMabait, maganda, mayaman, busilak ang puso- iyan siguro ang mga katangian na inaasahan mong karakter ng ating bida. Ngunit, iyan ang iyong malaking AKALA. Dahil si Liberty Liara ay isang babaeng malayo sa perpektong imahe ng mga sikat na novelang iy...